Marami ang nagandahan sa music video na "Hindi Ka Nag-iisa," kung saan nagsama-sama ang ilan sa pinakamalalaking artista ng ABS-CBN at GMA-7 para kay Senator Noynoy Aquino. Si Noynoy ay tatakbong presidente sa 2010 elections.
Isa si Dingdong Dantes sa artistang kasama sa naturang music video.
Ayon sa aktor, napanood na raw niya ang naturang music video. "Nakakapangilabot dahil ang ganda ng sinasabi ng kanta. Plus yung mga actions na ginagawa sa music video, e, tugmang-tugma. Ang ganda ng tema, ang ganda ng mensahe. Sana ma-absorb siya," sabi niya.
Bukod sa paglabas sa music video ay si Dingdong din ang napili ng Aquino siblings para maging spokesperson ni Noynoy for the youth sector. Ano ang naging reaksiyon niya rito?
"Marami naman... marami namang napili si Senator Noynoy for that. Ako, ang paniniwala ko diyan, e, isa ako sa volunteers and there are many volunteers out there. Lahat kami, may iisang gustong mangyari," saad ni Dingdong.
Pero sa lahat, siya ang talagang na-single out ni Noynoy to represent the youth?
"Well, kung ganun man ay nagpapasalamat ako na pinagkakatiwalaan niya ako nang ganoon," sambit niya.
What made him volunteer?
"Well, meron kasi siyang plataporma na pinaniniwalaan ko. And I believe in his desire to help the youth, the Filipino youth. And ako naman, I've been a youth volunteer ever since at malaking bagay sa akin na pinahahalagahan ko."
Does he also desire to enter politics?
"I desire to be a normal citizen, enjoying the privileges of a very good government. I'd rather be that citizen. So, mas gusto ko ng normal at relax na buhay," sagot niya.
So far, hindi pa raw masabi ni Dingdong what's next after the music video at kung kakarerin din ba niya ang pangangapamya kay Noynoy. So far, hanggang sa music video pa lang daw kasi ang napag-uusapan nila.
"But, of course, I already give my support."
DINGDONG LIKES TO WORK WITH KRIS. When asked kung sino naman ang inaasam niyang makasama sa future projects, ang bunsong kapatid ni Noynoy ang mabilis nitong sinabi.
"Well, of course, isang magiging malaking karangalan sa akin kapag nakasama ko si Ms. Kris Aquino sa isang pelikula."






halleer!! Anong problema mo? bakit, si kris ba ang kumakandidatong presidente? Miron lang si kris noh! iboboto ng tao si noy2 dahil may nababanaag silang pagasa na siya ang simula ng pagbabago sa sistema ng gobierno. magpakatotoo tayong lahat, hindi naman majikero si noy2 para sa loob ng 6 na taon eh umunlad ng bonggang bongga ang pilipinas. ang hangad ng marami eh umayos kahit konti ang buhay ng mga 'pinoy sa pamamagitan ng isang transparent na gobierno at presidenteng ang iniisip ay kapakanan ng madlang 'pinoy at hindi ang kapakanan ng kanyang bulsa! yon lang 'yon!
iha, you wake up at the wrong side of the bed yata today. Parang galit na galit ka diyan ha..hahahah
Huwag kang masyadong magmarunong sa mga taong mas marunong pa iyo! ok?
goodluck as noynoys spokesperson!
eh ano ba pakialam mo? are you his manager, or what?
the guy's an actor, for chrissake. he's going to say anything he wants and do anything he wants and endorse anybody he wants. if you don't like the aquinos, then fine. nobody's gonna make you change your minda bout that.
i don't like kris as well, but your burning passion against what these people want to do with their lives is just funny. you're pathetic, dude.
bakit kumpleto na ba ang plataporma niya to the last detail???
did you compare said youth platform with that of the other candidates???
kris aquino wanted a free ride as usual...hayyyy...sinama mo pa si Marian!?
Hindi lahat ng humahanga sa iyo para kay Nonynoy...at lalung lalu nang gusto rin nila kay kris aquino...na ang akala ang mundo ay umi-ikot sa kanya;
naisip mo ba kung gaano ka-iritable ang pag-uugali at pananalita ni kris? at kung gaano karaming tao ang inis sa kanya??!!
nag-research ka ba kung ano ang record ni noynoy sa kongreso at senado? hindi yan tatakbo kung hindi nakita ng liberal party na mapagsamantala na pwede nilang lokohin ang tao dahil sa pagkamatay ni tita Cory...
shame on you Dingdong...college gradutae ka daw?!
Na-uto ka lang ni Kris. She is an expert on that.. poor you!