Advertisement

article

Pauleen Luna confronted by an old lady for "harming" Jennylyn Mercado in <em>Ikaw Sana</em>


 
"Nangyari yun sa The Block [SM North Edsa]... Hinampas lang naman niya ako sa braso. Bigla siyang lumapit, naglalakad ako, tapos bigla niya akong hinampas. Sinigawan niya ako, 'Ang sama ng ugali mo! Bakit inaapi mo si Jennylyn?'" recounts Pauleen Luna about an old lady who confronted her in a mall.

Pauleen Luna confronted by an old lady for "harming" Jennylyn Mercado in Ikaw Sana

Rommel Gonzales

Rating

  • Bookmark and Share

Dinalaw ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang taping ng GMA-7 early primetime series na Ikaw Sana kaninang tanghali, November 6, sa Il Terrazo sa Tomas Morato, Quezon City.

 

Sa pakikipag-usap namin sa isa sa mga bida ritong si Pauleen Luna ay naikuwento niya ang naging karanasan niya sa isang mall kamakailan nang saktan at talakan daw siya ng isang matandang babae. Ito ay dahil sa "pananakit" daw niya kay Jennylyn Mercado sa mga eksena nila sa Ikaw Sana.

 

"Nangyari yun sa The Block [SM North Edsa]... Hinampas lang naman niya ako sa braso. Bigla siyang lumapit, naglalakad ako, tapos bigla niya akong hinampas. Sinigawan niya ako, 'Ang sama ng ugali mo! Bakit inaapi mo si Jennylyn?'

 

"Sabi ko, 'Po?'

 

"Sabi niya, 'Nakita kita sa TV, sinasampal mo si Jennylyn!'

 

"Sabi ko, 'Nay, huwag po kayong magalit sa akin, nagtatrabaho lang po ako.'

 

"Tapos sabi niya, 'Hay naku, tigil-tigilan mo 'yang pang-aapi ng kapwa!'

 

"Sabi ko, 'Sorry po!' Tapos umalis na ako. Baka kasi kung ano pa ang magawa niya sa akin!" natatawang kuwento ni Pauleen.

 

"Mabait naman ako in real life!" pahabol niya habang tumatawa pa rin.

 

Yung mga sampal at pananakit naman daw niya kay Jennylyn sa Ikaw Sana ay kinokontrol niya kahit totohanan.

 

"At saka ako, sinasabi ko ang gagawin ko. Hindi ako nanggugulat ng co-actor, kasi bad yun!" tawa niya ulit. "May mga instances na understandable kapag malakas ang sampal, kasi nakakatulong siya talaga. Pero dapat sinasabi mo. Kunwari kami ni Jen, 'O, sasabunutan muna kita sa kanan tapos sa kaliwa, tapos sasampalin kita sa kanan, tapos hahatakin kita.' Parang choreographed para hindi siya nagugulat. Kasi once na hindi mo sinabi yun, totoo na yun!"

 

Alin ang mas gusto niya, yung siya ang sinasampal o siya ang nananampal?

 

"Either way, masakit, e. Either way kasi pag nanampal ka... Mahirap magkontrol ng sampal either way, mahirap either way. Pag sinampal ka, mahirap. Masakit, kasi ikaw ang nasasaktan. Pag ikaw naman ang nanampal, mahirap kasi kailangn mo siyang kontrolin. Hindi siya totoong buhay na galit ka na. Puwede kang manampal na hindi mo kailangang kontrolin," paliwanag ni Pauleen.

 

MAYOR GATCHALIAN GETS IZA'S SUPPORT. Malapit na naman ang eleksiyon. Kinausap na ba siya ng ex-boyfriend niyang si Valenzuela Mayor Sherwin Gatchalian para tumulong sa kampanya nito?

 

"Hindi pa. I think si Iza [Calzado] is campaigning for him, I think. Matagal na silang magkaibigan, I think ten years. Before pa naging kami dati, way back... I think, ha? Hindi ako sure," sabi ng young actress.

 

Hindi pa ba siya kinukuha ni Mayor Sherwin para mangampanya?

 

"Okay lang, pero willing ako kapag kinuha niya. Oo naman, wala naman kaming ano, e, rift."

 

Hindi ba siya nakaramdam ng selos na si Iza ang kinuha ni Mayor Sherwin at hindi siya?

 

"Okay lang, ang tagal na nilang magkaibigan, sa totoo lang. Wala, wala  akong naramdaman. At saka si Iza naman is very nice, at saka may boyfriend siya."

 

RUMORED CHINESE SUITOR. Nilinaw naman ni Pauleen ang isyu na nanliligaw sa kanya ang Chinese guy na dating boyfriend ng kapwa niya Kapuso talent na si LJ Reyes. Ayon sa kanya, hindi raw siya tumatanggap ng manliligaw ngayon.

 



Pages: 1  2  Next »


Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.



Bookmark and Share Email this link
Show/Hide
Comments
53 Comments
page    1    2   
pagelocation: news
Login to All Access to use PEP Talk

Elsewhere