Hindi pa ba siya kinukuha ni Mayor Sherwin para mangampanya?
"Okay lang, pero willing ako kapag kinuha niya. Oo naman, wala naman kaming ano, e, rift."
Hindi ba siya nakaramdam ng selos na si Iza ang kinuha ni Mayor Sherwin at hindi siya?
"Okay lang, ang tagal na nilang magkaibigan, sa totoo lang. Wala, wala akong naramdaman. At saka si Iza naman is very nice, at saka may boyfriend siya."
RUMORED CHINESE SUITOR. Nilinaw naman ni Pauleen ang isyu na nanliligaw sa kanya ang Chinese guy na dating boyfriend ng kapwa niya Kapuso talent na si LJ Reyes. Ayon sa kanya, hindi raw siya tumatanggap ng manliligaw ngayon.
"I'm not open to it. Hindi po. Ang misunderstanding dun is I'm not open to it. I'm just being a friend to everyone. Hindi po ako tumatanggap ng manliligaw," sabi niya.
Ikinuwento ni Pauleen kung paano niya nakilala ang Chinese guy na nili-link sa kanya.
"Nag-cut ako ng ribbon sa Save More sa ilalim ng Broadway Centrum. Sila ang may-ari. Dun ko siya na-meet and yun lang yun."
Never daw silang nag-date.
"Hindi po. Ano po talaga, I'm not ready. So ayun, I'm not ready, so wala. I'm really not open to it."
Nanliligaw ba sa kanya ang ex ni LJ?
"Hindi ko tinitingnan that way kahit sino. I'm just being friends with everyone. Hindi, we're just friends, friend lang talaga. Yun lang, nag-cut lang ako ng ribbon," giit niya.
Dagdag niya, "I don't go out with one guy sa mall or kung saan, lahat grupo. 'Tsaka yun nga, hindi pa ako ready, 'tsaka ang dami kong ginagawa."
PAULEEN'S LOLA. First death anniversary ng lola ni Pauleen kahapon, November 5. Last year, binaril at napatay ng isang lalake ang 62-year-old na lola ni Pauleen na si Mrs. Mercedita Jimenez sa Blumentritt, Manila.
"Isang taon na, ambilis, sobra! Tapos birthday ko na sa Tuesday [Nov. 10]. Last year, nag-birthday ako sa burol niya," banggit ng young actress.






No. 1 Original Hit ito.
No. 2 Ang galing ng Cast
No. 3 Ang ganda ng Story
Compare mo ba naman sa remake! Nangungutya pa sila na puro daw remake show ng GMA 7 sila kaya! Lovers in Paris, Katorse at iba pang ka ek-ekan!
GMA 7 always gives the best shows ever!
bztah keep supporting jen
si LT at si CHIN2 ang nagkakasakitan
pero deadma lang ang mga viewers
hahahahaha
on the other hand, okey sa Pauleen Luna dito except for Mark and Jen,
hindi pa din sila natural umarte, halatadong memoryado lang ang mga linya
lalo na si MArk na para pa ding robot.
maganda lang ang flow ng kuwento kaya
pinapanood.
.. haha.. ang gnda tlga ng show na toh! ikaw sana .. iluv it .. gling tlgs umsrte nins jen and mark pati c pauleen ..
nanood ako lagi nito...
Nov04
Ikaw Sana 25.6 vs Katorse 22.2
Nov05
Ikaw Sana 27.1 vs Katorse 25.6