Gina Alajar says her son Geoff Eigenmann's acting is improving "little by little"

Rose Garcia
Monday, November 09, 2009 @ 04:55PM  |  20977 views

 

"Ryan is my character actor. But AJ is the most sensitive among the three, Rio del Mar pa lang. And Geoffrey is my heartthrob," Gina Alajar describes her three sons.

Photo By: Noel Orsal













CELEBRITY DUETS. Last Saturday, November 7, ay nagpaalam na si Gina sa Celebrity Duets after na-eliminate siya, kasama ang photographer na si Nicollo Cosme. Ang maglalaban-laban sa finals ay sina Jomari Yllana, Joel Cruz, at Akihiro Sato.

In a way, ine-expect na rin daw ni Gina na siya ang matatanggal.

"Ilang Saturdays na rin na ine-expect yun, pero hindi ako matanggal-tanggal. Palagi akong nasa bottom three, twice yata akong nasa bottom three and I was expecting nga that time na matatanggal na 'ko. Pero hindi pa rin. So, siguro, mas mataas ang boto ko sa natanggal."

Maluwag ba sa loob niya ang kanyang pagkakatanggal?

"Oo naman! It's just a game, you know," sagot niya.

Kung sa kanya ay "game" lang ang Celebrity Duets, may ilang contenders naman ang talagang sineseryo upang manalo.

"Oo... Well, hindi ko naman sila mabi-blame, hindi ba? Kasi siguro, talagang para sa iba, gusto talaga nilang manalo kaya kina-career nila nang husto, di ba? But noong tinawagan ako for that, for Celebrity Duets, sumagot ako agad d'yan, e. Kasi, ang sa akin lang, saya-saya lang ito, enjoy lang tayo. I have always been open."

Pero noong nandoon na siya at nagko-compete, nagkaroon na rin ba siya ng thinking na seryosohin ito?

"Actually, sumagot na nga ako ng oo, di ba? Kaso, when the production was started calling me out na, 'Yung mga supporters n'yo, dapat pumunta ng 12 noon.' 'Ha? Bakit may ganoon?' 'Siyempre, para may sisigaw.' 'Ha? Wala akong ganoon.' Para sa akin, it's an extra effort. But then, there were friends naman who helped during the first two episiodes, kasi isang araw naming tineyping yun.

"But then, the shock of my life came when, you know, before noong taping ng first episode na yun, merong mga tumulong, like sina Perry Lansigan [manager of her son Geoff]. 'O, Tita, mag-email ka ng picture mo.' 'For what?' 'For the tarpaulin.' Parang, merong mga ganoon... Lahat yun, wala sa akin yun.

"Buti na lang, tumulong sina Perry, Camille Montano... Nagpagawa siya ng banner and the same tarpaulin and the same banner na nakalagay simula ng show hanggang sa maalis ako, yun lang yun. Wala akong idinagdag. Nagdagdag lang si Perry ng t-shirt, nagpagawa siya ng t-shirt. Aside from that, wala akong idinagdag."

Dugtong niya, "The shock of my life came noong unang taping, maraming mga fans, pang-giveaways, meron pa silang maliliit na calendar. Parang, 'Ganun pala 'to? Kinakarir talaga.' Pero para sa akin, 'What for? This is just a game. It's a show.' Ganito pala kaseryoso 'to. Pero para sa akin, 'Sige, let them be. Kung ano ang gusto nila.' So, para sa akin, okey lang, wala naman. I just did what I have to do, memorize my songs."

Kung may kinarir man daw siya, ito ay ang kanyang presentation.

"Karir yun talaga!" bulalas ni Gina. "I have Fanny Serrano who I collaborated with. Sasabihin ko sa kanya yung kanta ko and he would think of the clothes, of the concept. Talagang yun, pinaghahandaan namin yun."

Nang ma-eliminate ang Pinoy boxing champ na si Nonito Donaire Jr., nasabi ni Gina na may ideya na sila kung sino ang mananalo sa Celebrity Duets.

« Prev  1  2  3  4  Next »

Related Articles

16 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name