Feel na feel na ni Mommy Dionisia Pacquiao ang kanyang pagiging artista dahil todo kaway talaga siya sa kanyang mga tagahanga habang naglalakad siya sa red carpet sa premiere night ng Star Cinema movie na Ang Tanging Pamilya kagabi, November 10, sa Cinema 10 ng SM Megamall.
Introducing si Mommy Dionisia sa movie na ito na pinagbibidahan nina Ai-Ai delas Alas at dating Pangulong Joseph "Erap" Estrada, kasama sina Toni Gonzaga at Sam Milby. Showing na ito sa mga sinehan starting today, November 11.
Sa lakas ng tawanan ng mga tao sa loob ng sinehan sa tuwing lalabas sa screen si Mommy Dionisia ay patunay lamang na siya na nga ang bagong comedy discovery sa Philippine showbiz.
Tuwang-tuwa naman si Mommy Dionisia sa magandang reaksiyon at feedback na nakuha niya sa mga tao sa kanyang unang sabak sa pelikula.
"Nagpasalamat ako talaga, ang daming naghanga, tuwang-tuwa ako! Ang daming naghanga sa amin. Masaya ako talaga ngayon," sambit ni Mommy Dionisia, na kumikislap sa dami ng suot niyang alahas, nang ma-interview siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa post-premiere cast party ng Ang Tanging Pamilya sa Lutong Macau sa SM Megamall.
Ano ang reaksiyon niya nang mapanood niya ang sarili na umaarte sa big screen?
"Na-happy ako talaga. Ay, nakita ko na ang aking sarili. Artista na ako!"
Ano ang paborito niyang eksena sa Ang Tanging Pamilya?
"Yung pagbeso-beso namin ni Ai-Ai [na nagme-make face sila pareho dahil hate nga nila ang isa't isa]. Yung nagsabunutan. Tapos yung sayaw namin ni Ai-Ai [nag-dance showdown sila sa movie)."
May naka-lineup na ba siyang next movie na gagawin?
"A, hindi ko pa alam. Magpahinga muna siguro ako."
Sino ang gusto niyang makasama sa susunod niyang pelikula?
"Sinabi ko na sa kanila, isali nila si Piolo Pascual. Magiging anak ko siya," sagot ni Mommy Dionisia.
Paano niya pini-feel ang kasikatan niya ngayon?
"Sobrang happy! Natutuwa ako sa mga tao na idol nila ako. Haping-happy daw sila, sabi nila."






Wag lang masyado labas subrang yabang este yaman pala.
GO MOMMY DI... YOU MAKE MY DAY RIGHT!!!
basta ako fan nya ako... more power..
Natawa ako sa sinabi mong di nagkakalayo ng looks si Piolo at Manny. hahahahaha!!!!!
Mommy Dionne Laff en d world laffs with yu Ahahahah Injoy mo lang ang layf mo
at sa mga namimintas ng itsura nyo..na ewan bakit yan ang unang nakikita....at least kayo may pera pang belo, may pag asang kuminis....mabanat kaunti mga renkels.. eh sila...walang pambayad kay belo...meaning...wala silang pag asa! di ba bongga ka? nyahahahahah
mas gusto ko naman ung sige lang ng sagot as in sagot lang ng sagot like si mommy dion! eh di nagkaroon ng karir!
ako nga kung kinakausap ako ng norwegian hindi ko rin masyado naintindihan eh mali mali din....
mga tao hindi nakaintindi...hindi bopols un! hindi lang bihasa sa tagalog.
smart nga siya dahil kahit anong tanong sumasagot katulad sa cover ni manny sa TIME magazine kung nacongratulate na niya si manny... sabi ni mommy dion..hindi dahil natulog na siya...at dagdag niya..sa akin wala ako TIME, hectic schedule ko. un lang un!
kakahiya kapag may interview malayo ang sagot, nakakadismaya at ganun na ba ka baba ang mundo ng mga artist.
uulitin ko kahit wala kang itsura basta may brain ka ayos lang sana..
OMG...asan na mga fans mo hahahhaha
wag magalit dahil totoo namang bopols siya
GO LANG NG GO MOMMY! MORE POWER TO COME! GOODLUCK SA CAREER! WE'RE HERE TO SUPPORT YOU!