Feel na feel na ni Mommy Dionisia Pacquiao ang kanyang pagiging artista dahil todo kaway talaga siya sa kanyang mga tagahanga habang naglalakad siya sa red carpet sa premiere night ng Star Cinema movie na Ang Tanging Pamilya kagabi, November 10, sa Cinema 10 ng SM Megamall.
Introducing si Mommy Dionisia sa movie na ito na pinagbibidahan nina Ai-Ai delas Alas at dating Pangulong Joseph "Erap" Estrada, kasama sina Toni Gonzaga at Sam Milby. Showing na ito sa mga sinehan starting today, November 11.
Sa lakas ng tawanan ng mga tao sa loob ng sinehan sa tuwing lalabas sa screen si Mommy Dionisia ay patunay lamang na siya na nga ang bagong comedy discovery sa Philippine showbiz.
Tuwang-tuwa naman si Mommy Dionisia sa magandang reaksiyon at feedback na nakuha niya sa mga tao sa kanyang unang sabak sa pelikula.
"Nagpasalamat ako talaga, ang daming naghanga, tuwang-tuwa ako! Ang daming naghanga sa amin. Masaya ako talaga ngayon," sambit ni Mommy Dionisia, na kumikislap sa dami ng suot niyang alahas, nang ma-interview siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa post-premiere cast party ng Ang Tanging Pamilya sa Lutong Macau sa SM Megamall.
Ano ang reaksiyon niya nang mapanood niya ang sarili na umaarte sa big screen?
"Na-happy ako talaga. Ay, nakita ko na ang aking sarili. Artista na ako!"
Ano ang paborito niyang eksena sa Ang Tanging Pamilya?
"Yung pagbeso-beso namin ni Ai-Ai [na nagme-make face sila pareho dahil hate nga nila ang isa't isa]. Yung nagsabunutan. Tapos yung sayaw namin ni Ai-Ai [nag-dance showdown sila sa movie)."
May naka-lineup na ba siyang next movie na gagawin?
"A, hindi ko pa alam. Magpahinga muna siguro ako."
Sino ang gusto niyang makasama sa susunod niyang pelikula?
"Sinabi ko na sa kanila, isali nila si Piolo Pascual. Magiging anak ko siya," sagot ni Mommy Dionisia.
Paano niya pini-feel ang kasikatan niya ngayon?
"Sobrang happy! Natutuwa ako sa mga tao na idol nila ako. Haping-happy daw sila, sabi nila."






common sense nman pls...bisaya ang native language ni mommy D so natural na hndi nya masagot nang tama ang mga tanong..my God! maraming naiinggit kay mommy D....wag nyong ipagkait sa kanya ang ligaya! matanda na si mommy D...maging msaya na lang tayo sa knya kasi nakakawala tlga ng stress itong si mommy D....
go lng ng go mommy D!!! bgong comedy discovery!!!
siguro todo regrets si Fafa Paquiao na iniwan nya si Aling Dioni este mommy Dioni na pala....sana yaman yaman din ni Fafa Paquiao ano...?