Ani Alex Gonzaga, marami na rin naman siyang natatanggap na masasamang salita bilang isang artista at tungkol sa kanyang paghu-host sa TV showbiz talk show na Juicy. Pero nitong nakaraang kontrobersiyang kinasangkutan niya, napaluha raw siyang talaga dahil naging masyado nang personal ang atake sa kanya.
Ang pinakamasakit pa ay nang sabihan siya ng fans ng artistang di sinasadyang nakanti niya sa Juicy, na hindi raw siya isang mabuting kaibigan.
"Traydor daw akong kaibigan..." sumbong ni Alex nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at ng iba pang press people sa press conference para sa kanila ng kapatid niyang si Toni Gonzaga ng Shapes clothing line sa Dulcinea Morato kahapon, November 11. Nag-renew ng kontrata ang magkapatid sa clothing line na sponsor na ni Toni noon pang 2005 at ni Alex naman since 2007.
Sabat naman ni Toni, na katabi niya lang ang kapatid habang iniinterbyu, marami pa raw siyang mas masasakit na salitang nakita laban kay Alex. Hindi na lang daw babanggitin ni Toni dahil masasakit nga.
Nanggaling ang masasakit na salita mula sa mga Kimerald, ang grupo ng mga fans nina Kim Chiu at Gerald Anderson. Nagsimula ang lahat nang hindi naging maganda ang dating ng show ni Alex tungkol sa topic ng pagpapareha kina Kim at Gerald sa ibang artista.
Wala naman daw siyang binitawang masamang salita tungkol kina Kim at Gerald, pero dahil siya nga ang host ng show, kaya't sa kanya nagngitngit ang Kimeralds.
Sa payo na rin ng ate niyang si Toni, tinawagan agad ni Alex si Kim para humingi ng paumanhin dito at magpaliwanag.
"Kinausap ko si Kim. Kasi yung iba naman dun [Kimeralds], hindi naman nila napanood ang Juicy nung panahon na yun. Yung iba, nagre-react na lang sila, kahit na hindi naman nila alam, dinadagdagan na lang nila. E, baka pag nakita ni Kim, gumawa na kasi sila ng story at pinalala na nila ang sitwasyon."
Naging maganda naman daw ang usapan nila ni Kim at hindi naman naapektuhan ang kanilang pagiging magkaibigan.
"Friend ko kasi talaga yun. Sabi niya, 'Naku, okey lang yun. Aggressive talaga yung mga fans,'" kuwento pa ni Alex.
Payo pa sa kanya ni Toni nang mga panahong 'yon ng pag-iyak niya dahil sa atake ng mga fans, magbasa ng Bibliya bilang proteksiyon sa mga ganoong atake at iba pang puwedeng ikasama ng loob niya sa showbiz.
ROBIN AND TONI. Hiningan naman ng opinyon si Alex tungkol sa nakatakdang pakikipagpareha ng kanyang Ate Toni sa tinaguriang "Bad Boy" ng Pelikulang Pilipino na si Robin Padilla. Legendary na rin kasing maituturing ang karisma ni Robin sa mga babae, lalo na sa mga nakakapareha nito.
Tinanong si Alex kung okey lang ba sa kanya kung pumorma nga si Robin sa ate niya kahit na may maayos nang lovelife si Toni. Kailan lang kasi'y nabalitang hiwalay na si Robin sa asawa nitong si Liezl Sycangco at single na uli ito.
"Depende sa kanya. Mukha namang masaya sila ni Direk Paul [Soriano]," sagot ni Alex, na ang tinutukoy ay ang boyfriend ng kanyang ate.
Kung maayos ang lovelife ni Toni, bakit tila wala namang nababalita sa lovelife naman ni Alex?






saksakan ng ka OA han tlga yang kimerald,ipagpatuloy nyo lng yan at ng maagang mabuwag yang fans club nyo dahil sa dami ng umaayaw kina kim at gerald dahil sa ugali nyo,lalo na't may upcoming movie pa nman sila,hayy naku kayo rin mawawalan nyan
Business strategy yan haha! Kung sino ang tumatalo at nakaka-agaw ng malaking bulto ng kita, yun ang dapat pabagsakin. At ang pinaka-mabisang paraan ay magkunwari concern sa career at magpanggap na Kapamilya.
kung napanood po talga ng ibang kimeralds ang episode ni alex n yun,where that intrigues started eh wala nmn pong nasabi or nabitawan man lng n masama or makakasakit s inyong mga kimeralds...it was that 1 columnist who said something that might offend u guys but i can assure n if u really watch it wlang cnbi c ALEX...
kaya nga po ang tanong bakit at paanong pati c toni n kapatid ni alex eh inaatake or pinagsasabihan ng d maganda ng ibang kimeralds???
unuulit ko lng po bka may magreact nnmn yung quot;IBANG KIMERALDSquot; meaning hndi lahat..para lng po malinaw..
god bless po s inyong lahat...
mas iniaangat ang mga ibinababa..
go TONI and ALEX GONZAGA!
Congratulations ti Kim and Gerald! you have finally arrived!
Facts are evident, ayan at ang daming smear campaign. Lahat, as in lahat ng artistang paakyat sa peak ng tagumpay talagang tinatanggkang hilahin pababa. Dahil kung hindi kayo paakyat, walang magtatangka ni hawakan man lang kayo.
kaya ayoko maging kimerald fan eh kc baka ma-tagged akong pala-away..
they both have the charisma..the funny side and so witty!
hope to see them together in one project..for sure it would be a big hit..
more power to the GONZAGA sisters!
gustong ng iba na mawasak ang tandem dahil malakas ito. i doubt kung tunay na mga kapamilya iyang mga 'yan.
Kimerald supporters are loyal to Kim and Gerald, kaya ayan, sila ang sinisira ngayon.
Sinong fans ba ang hindi nagtatanggol para sa fave artists nila, kagaya ninyo. tignan at pakinggan ang mga sarili.
Kimerald supporters, stay strong. stay loyal!
Kanya-kanyang bulto lang ng fans yan. At ang higit na nakararami ang mas pinapakinggan ng mga namumuhunan!
pampasira kayo sa career ni kim at gerald individually sa true lang. sana gamitin ang mga utak!