Rio Locsin shares how she began her career as a sexy star


 
"Ang importante naman sa industriyang ito talaga, yung pakikipagrelasyon mo [sa mga katrabaho]. Kasi 'yan naman talaga ang magiging legacy mo, ang iiwanan mo. Kung paano ka makipagkapwa-tao, kung paano ka makihalubilo sa mga tao. At least, may maiiwan ka," says seasoned actress Rio Locsin.

Rio Locsin shares how she began her career as a sexy star

William R. Reyes

Rating

Bukod sa second-grader na si Joanna Jean, nasa pambatang pelikula rin sina Geraldine Tan, Jan Harley Hicana, at Gene Karley Largueza. Bagamat una nila itong pagganap sa isang pelikula, tila hindi sila masyadong nailang at nahirapan sa mga eksenang ginawa, kasama ang mga seasoned performers like Rio and Simon Ibarra, dahil totoong propesyunal ang mga ito.

 

Sabi pa ni Direk Milo, "Medyo tight ang schedule namin, parang kulang yung four days. Pero na-manage ko yun... improvise, just to make it work."

 

RIO'S FIRST MANAGER. Kung babalikan ang pinagmulan at sanhi ng kung ano ngayon si Rio sa mga nakakatrabaho niya, hindi maaaring makalimutan ang naging legacy ng kanyang unang talent manager-discoverer na si Dr. Rey dela Cruz.

 

Naging barangay chairman si Rey sa Quiapo noon, pero kilalang-kilala rin siya bilang manager ng sexy stars—gaya ng "softdrink beauties" na sina Sarsi Emanuelle, Pepsi Paloma, at Coca Nicolas. Si Rio ang maituturing na "biggest achiever" sa mga diniskubreng talent ni Dela Cruz.

 

Nakakatuwa ang anekdota ni Rio tungkol sa dating manager niya. Sandaling panahon lang daw siyang naging talent ni Dr. Rey dahil in early '80s, she went into serious relationship with Al Tantay at nagkaroon ng dalawang halos magkasunod na anak.

 

"Hindi na ako nagpa-manage, kasi nagkaanak na ako, nag-asawa na ako; semi-retired na ako. Nawala na rin si Tito Rey. Pero nung namatay siya, pinuntahan ko siya," pagbanggit pa ni Rio. 

 

Wala raw naging away sa pagitan nina Rio at Dr. Rey. "Magkaiba lang kami ng wave length," sabi ng aktres. 

 

Kung ano man ang gustong ipakahulugan sa "magkaibang wave length" ay binanggit ni Rio sa pamamagitan ng makabuluhang scenario.

 

"Kasi, nakaka-attend ako [noon] ng mga parties, labas ang dibdib ko! Bagets pa ako, e," nangingiti lang ang aktres sa pagkukuwento. 

 

"Tito Rey, hindi ko kaya 'yan," sasabihin daw niya sa dating manager, na laging pursigidong mapansin ang mga sexy talents na mina-manage. 

 

"'Dun lang kami nagtatalo," ani Rio. "Pero yung pinagpaguran niya, yung effort niya, makikita mo naman na talagang nagbigay siya ng dedikasyon sa akin. Na hindi ko naman itinatanggi at hindi ko makakalimutan."

 

Yun ang struggling years ni Rio.

 

ELWOOD PEREZ. Matapos ang panimulang pag-buildup sa kanya bilang sexy star, nang lumaon ay agad na siyang itinuring bilang important actress, na idinidirek ng mga batikan sa larangan—the likes of Lino Brocka (Ina, Kapatid, Anak and Init), Ishmael Bernal (Manila By Night, Working Girls, Salawahan), Laurice Guillen (Kapag Puso'y Sinugatan). And, of course, ang isa ring multi-awarded director, Elwood Perez, na hanggang ngayo'y itinuturing ni Rio as her "launching director" at may likha ng Disgrasyada, na kanyang launching picture, shown on January 1979.

 

Of Direk Elwood, Rio has a few good words to say. Simple, pero meaningful at kapani-paniwalang galing naman sa puso. 

 

Sa interview niya with PEP, walang pagbanggit o pahaging man lang, na regretful siya sa pagsisimula ng kanyang career, doing all those sexy roles na kinailangan upang siya'y pasikatin ng Regal Films.

 

Nabanggit din namin ang magagandang pananalita ni Elwood sa isa sa mga aktres na sumikat sa idinirek niyang pelikula.

 

"Wala kaming bad blood," Rio now says about her former "launching director."

 

"Hindi ko makakalimutan si Direk Elwood... 'Feel beautiful!'" lagi raw nitong bukambibig sa set. "O, wet your lips!"

 

At sa simpleng pagbabalik-tanaw na yun, hindi makakalimutan ng aktres ang mga mabuting nagawa sa kanya ng nakatrabahong direktor.

 

"Ang importante naman sa industriyang ito talaga, yung pakikipagrelasyon mo [sa mga katrabaho]. Kasi 'yan naman talaga ang magiging legacy mo, ang iiwanan mo. Kung paano ka makipagkapwa-tao, kung paano ka makihalubilo sa mga tao. At least, may maiiwan ka."

 


Join us on Facebook


Pages: « Prev  1  2  3  Next »

Related Articles
1 2

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.



Bookmark and Share
Email this link
8 Comments
Follow us on Facebook Follow us on 4ter Subscribe on RSS Subscribe to Newsletter



Advertisement