LAS VEGAS, NEVADA - Nagkakatipon-tipon ngayon (Friday, 3 p.m., sa Las Vegas; Saturday, 7 a.m, sa Maynila) dito sa lobby ang maraming tao na naghihintay na makapasok sa MGM Garden Arena para sa weigh-in sina Manny Pacquiao at Miguel Cotto.
Maghaharap sina Pacquiao at Cotto bukas (gabi ng November 14 dito sa Las Vegas at umaga ng November 15 sa Pilipinas).
Halos isang kilometro ang haba ng pila dahil naging mahigpit sa pagpapasok ng mga tao ang hotel management.
Nakita ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa lobby ng MGM Grand sina Alfred Vargas, Tirso Cruz III, Lhar Santiago, at ang mga GMA-7 executives na sina Marivin Arayata at Redgie Magno.
Sinamantala ng mga Pilipino ang pagkakataon na makapagpakuha ng litrato na kasama nila si Alfred.
Ang pangalan ni Manny ang isinisigaw ng mga tao sa lobby. Iwinawagayway naman ng mga Puerto Rican ang kanilang mga hawak na mini-flags.
Mahigpit ang security ni Manny kaya hindi siya malapitan ng mga tao.
Restricted din sa mga bisita ang kanyang suite sa The Hotel, pero pinagbigyan na makapasok si Jeremy Piven, isang cast member ng HBO comedy-satire na The Entourage, para makipag-photo op with Manny.






Huwag kayong umiyak, just go and hide in your rooms , napahiya kayo!!
Congrats Manny!! you made us filipinos very happy and proud!!
GO PACMAN
Isa ka pang inggetero at insecure sa sarili.
I notice you're not a filipino but if you're one of our kalahi, then you're not patriotic. Kahit saan ka man galing , kahit anong bansa, umiiral talaga ang pagka nationalisitc ng tao. I've lived in Europe and now im in canada, lahat ng mga tao ano mga lahi, ay kampi sa sariling kalahi. It's human nature. sa Europe nga,nakipagpatayan na ang mga tao dahil lang sa sport. Lahat ng tao are born to be patriotic, natural yon, kung hindi, there is something wrong in you, either you're jealous or insecure.
i don't seem to understand what you're saying. you're not making sense at all. you can't comprehend even a simple sentence? i already said my point and i rest my case ok!
I know respect shd be on an individual basis regardless of race or color. Pero if you meet someone who knows someone from your country like Pacquiao, and they talk to you about how they admire him, para na ring feeling ko I'm given importance and respect for something na wala naman akong connect except na magkababayan kami. ok? happy? Sorry sa 'yo kc this thing happened to me.
i'm not personaly against Manny. In the game of boxing, your choice on who win the fight is your rights and will not equate to being unfilipino. also my comments about Pacquiao is actually an advise. in actuality, none of us really knows what's going on in his private life.let's just wish both fighters the best. a bit of advise to you as well, the Philippines will not be respected wordwide just because of one boxer. pinoys must change our arrogance and political corruption to be recognized.
Ang dami na nang mga distractions around him.
Yung iba rito hangad na matalo eh karangalan ng bansa nakataya.
Kung nambabae si Pacman or naging mayabang eh personal nyang buhay yun at pwede pa magbago.
Pero pagnatalo siya di na mabago ung laban kasi talo na eh hehehe. Same rin kapag mananalo.
kasi kung magwish kayo na matalo si Manny eh sa mga may asawa jan at nambabae ang husband nyo, wish nyo ba agad mawalan ng work?
haha
Naalala ko tuloy tinanong sya nuon kung tatakbo daw ba sua ng rperesentative, sabi nya hindi sya tatakbo ng representative kundi congressman, ay nakakatawa.