LAS VEGAS, NEVADA—Past 1 a.m. (Sunday, Las Vegas time; 5 p.m. na, Sunday, Manila time) nang umakyat sa stage si Manny Pacquiao sa kanyang after-fight party na ginanap sa Events Center ng Mandalay Bay.
Namamaga ang mukha ni Manny, may puting benda ang kanyang ulo, at nakasuot siya ng sumbrero nang umpisahan niya ang kanyang performance.
Ang boxing match nila ni Miguel Cotto ng Puerto Rico ang isa sa pinakamahirap na laban ni Manny. Bukod sa umabot ng 12 rounds, marami ang nakapansin na mabilis na napagod si Manny. May mga insidente rin na sumasablay ang mga suntok niya kay Cotto.
Masakit man ang kanyang katawan dahil sa katatapos na laban, pinagbigyan ni Manny ang request ng audience na kumanta siya. Ang ilan sa mga kinanta niya ay "La Bamba," "Bonggahan," "Maghintay Ka Lamang," at "Pilipino."
Kumanta rin siya ng English song, ang "Sometimes When We Touch," para maintindihan daw siya ng mga foreign guests niya.
Nakipag-duet din si Manny kay Martin Nievera at pinaakyat sa stage sina Tirso Cruz III, Marco Sison, at ang pop trio La Diva na kumanta ng Philippine National Anthem sa kanyang laban.
In between his songs, pinasalamatan ni Manny ang lahat ng mga sumuporta sa kanya.
Nakita ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa backstage ng after-fight party ang ina ni Manny na si Dionisia Pacquiao, kasama ang kanyang favorite singer na si Imelda Papin.
REUNIONS. Nang kumain kami sa noodle house ng Mandalay Bay, biglang nagkagulo ang mga Filipino customer dahil sa pagdating ni Rosalio Pacquiao, ang ama ni Manny. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakapanood ng laban ni Manny sa Las Vegas si Mang Rosalio.
"Manny's father is in the house!" ang sigaw ng mga restaurant patrons na nag-unahan sa pagpapakuha ng litrato na kasama si Mang Rosalio.
Past 2 a.m. nang matapos ang after-fight party. Palabas kami ng Event Center nang makita namin sa lobby ang kapatid ni Krista Ranillo na si Kevin at ang bunso nilang kapatid.
Napatunayan namin na totoo ang balita na naririto sa Las Vegas ang Ranillo family para panoorin ang laban nina Manny at Miguel. (CLICK HERE to read Jojo's blog entry.) Bali-balita na may relasyon diumano sina Manny at Krista, na co-stars sa 2009 Metro Manila Film Festival entry na Wapakman.
Pinag-usapan din ng mga Pilipinong nanood ng boxing ang unconfirmed report na nakipagkita si Manny kay Krista noong bisperas ng gabi ng laban nila ni Cotto.
Hindi pumayag si Jinkee Pacquiao na magpainterbyu sa press kaya hindi nabigyan ng linaw ang balita na iniyakan niya ang napabalitang insidente noong Biyernes ng gabi.






kung may ibang babae si manny, be strong, move on. maging mabuti kang ina sa mga anak mo. hindi ikaw ang masisira sa mata ng mga tao kundi si manny at ang mga babaeng nito.
gt;gt;gt;bakit kelangan ba talaga na lahat ng suntok ng magaling na boksingero eh tatama sa kalaban? di marunong magreport tong reporter na to.
Manny stay calm ka lang sa mga chicks or you may end up a bad karma!
Jinkee just be wise ka na lang.. can't help it... sobrang rich na si husband mo.
wag kang magalala kasi di ka naman iiwan ni Manny kasi atkot siyang mahati ang kayamanan niya pag naghiwalay kayo. maniwala ka sa himig na laging kinakanta ni Manny Sometimes When We Touch.Sometimes lang yan di naman palagi di ba? dinudunggol dungol lang niya si KR.
at ska kung text ni jinkee kay kris, ayokong patulan.. di ba kaya biglang lilipat si manny sa abs daw nun, dahil din ngtxt pa sya kay kris na kesyo gusto ni manny sa abs..
pero in the end, manny likes GMA and Solar..
dapat wag ng patulan pa ito, lahat na lang ng naka-movie ni manny may issue..
saan na ba yung director na bf ni krista? puede bang interview-hin iyon kung ano ang masasabi niya sa tsismis tungkol sa gf niya at kay manny?
ikaw krista, nag-e-enjoy ka lang sigurong ma-tsismis kay manny kasi ayaw mong kalimutan ka ng mga tao. kung hindi dahil sa fhm, ni hindi ka nga siguro makikilala ng mga tao.
Nag Jesus Christ ka pa noon...sus, hindi ka ba kinikilabutan??? Eh, ang demonyo, seed mo pala!
Cge Jenky Pakita mo kay Moneyboy na puyde ka rin magvuyfrin I-pruvide mo ren ang needs ng iba Mag Samtayms wen we tats ka den Ahahahah
Manny's alleged rendesvouz with Krista will pull him down.But lets not forget that this man has everything and I won't be surprised if he resort to being a womanizer. He has to experience the givings of power and money. All he need to do is to give Jinkee 100 assurance that he will not leave her. But then again, Manny portray a God fearing person and if he resort to this evil act, he is a hipocrite.