There's a strong buzz that boxing champ Manny Pacquiao is having an affair with sexy actress Krista Ranillo. It has been confirmed that Krista and her family were in Las Vegas to watch Manny's fight against Miguel Cotto.
Manny Pacquiao and wife Jinkee reportedly had a big fight over Krista Ranillo
Monday, November 16, 2009
12:01 PM
Rating
Sa kabila ng malaking tagumpay ni Manny Pacquiao sa laban nito kay Miguel Cotto ng Puerto Rico, hindi pa rin nakaligtas sa intriga ang Pambansang Kamao. Hanggang ngayon kasi ay hindi mamatay-matay ang isyu na diumano'y may espesyal na relasyon sa pagitan ni Manny at ng sexy actress na si Krista Ranillo, lalo na nga't napabalita pang nasa Las Vegas din ang aktres, kasama ang pamilya nito, para manood ng laban ni Pacquiao.
Kinumpirma ng ilang sources ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na nasa Las Vegas nga si Krista at ang pamilya nito. In fact, sa PEP Alerts ay ibinalita na sa Luxor Hotel nag-check-in ang pamilya Ranillo. Doon din daw sa naturang hotel naka-check-in si Manny at ang kanyang entourage.
Kahapon, November 15, sa The Buzz ay isa sa naging paksa ng usapin ang naturang intriga. Matatandaang unang na-link kay Manny ang isa pang sexy actress na si Ara Mina, na nakatambal niya sa pelikulang Anak ng Kumander (2008). Matapos ngang putaktihin ng intriga noon si Ara, si Krista naman ang sumunod na ikinakabit sa pangalan ni Manny.
Noong November 8 episode ng The Buzz ay hiningan ng komento ang ina ng boksingero na si Mommy Dionisia Pacquiao tungkol intriga sa mga babaeng nali-link kay Pacquiao, na pinangalanang sina Ara at Krista nga. Pero todo tanggol naman si Mommy Dionisia sa anak.
"Ang daming humahanga sa kanya, lalo na sa mga babae. Hindi totoo 'yang mga balita. Lalo na pati si Jinkee, sabi ko, 'Wag na kayong maniwala sa balita kasi sikat ang mister mo. Ikaw ang pinaka-reyna ng General Santos sa tahanan ni Manny,'" wika ni Mommy Dionisia. (CLICK HERE to read related story.)
KRISTA IN MANNY'S LIFE. Nagsimulang maiugnay ang pangalan ni Krista kay Manny nang magsama ang dalawa para sa pelikulang Wapakman, na entry sa Metro Manila Manila Film Festival ngayong Disyembre. Parang ganito rin ang naging sitwasyon nina Manny at Ara noong 2007 nang magsama sila sa pelikula hanggang sa maintriga. Ngunit mariing idinenay ni Ara ang pagkakaroon ng relasyon umano kay Manny.
Ayon sa mga nag-oobserba, pawang publicity lang daw para sa pelikula ang naglalabasang balita tungkol kina Ara, Krista, at Manny. Ngunit hindi pa rin tumigil ang daloy ng intriga. Hanggang sa sunud-sunod na balita na ang lumabas.
September 2009, lumabas sa kolum ni Ricky Lo sa Philippine Star ang balitang nakitang magkasama sa flight papuntang Hong Kong at pabalik ng Pilipinas sina Manny at Krista.
Ayon kay Ricky Lo, umamin sa kanya si Krista na totoong nakita niya si Pacquiao sa Hong Kong. Pero aksidente lang daw ang pagkikitang iyon sa isang mall. Patunay pa ng aktres, ang mga kaibigang kasama niya roon. Nagkasabay lang daw si Manny at ang grupo ni Krista sa eroplano sa kanilang pagbabalik-bansa. Nasa economy section daw ang aktres at nasa business class naman daw si Manny. Paglapag ng Manila, niyaya pa raw sila ni Manny na sumama sa kanila sa VIP line. Pero tumanggi raw si Krista.
Sunod naman daw, in-offer ni Manny ang kanyang sasakyan upang sabay na silang pumunta sa isang birthday party. Sa pagkakataong ito raw nakita silang magkasama ni Manny. At ayon kay Krista, "I have nothing to hide. I'm not guilty of anything."
Sa kolum naman sa isang tabloid ng talent manager-columnist na si Lolit Solis ay lumabas ang intrigang sa panahon ng pag-eensayo ni Pacquiao sa Baguio ay naroon din diumano si Krista, na sweet raw ang pakikitungo kay Manny.
Sa kolum naman ni Mario Bautista, maging sa Ondoy relief distribution ni Manny ay naroon din at nakaalalay si Krista, at naroon din ang ama nitong si Mat Ranillo III.
At ngayon nga ay patuloy sa paglaki ang intriga, dahil habang nasa Las Vegas si Pacquiao ay naroon din daw si Krista, kasama ang pamilya nito. Kinumpirma ng manager ng aktres na si Arnold Vegafria na nasa Las Vegas nga ang alaga niya, ngunit hindi nito tinukoy ang pakay ng aktres doon. Tingin ng manager ni Krista, ang turingan ng dalawa ay magkaibigan lang.
GINA'S INTRIGUING FACEBOOK ENTRY. Lalo pang tumindi ang espekulasyon ng marami nang ilantad ng The Buzz ang isang malamang mensahe ng director-actress na si Gina Alajar sa kanyang Facebook status na tila nag-uugnay sa boxing champ na si Manny Pacquiao at kay Krista Ranillo.
Ayon sa Facebook account ni Gina, "If I am Jinkee Pacquiao I will not give up Manny... Krista Ranillo is not at all worth it!!!"
Ngayon, ano naman kaya ang pinanggagalingan ng biglang pagbubulgar ni Gina sa sinasabing ugnayan nina Manny at Krista?
Taong 2001 nang maghiwalay sina Gina at ang asawa nitong si Michael de Mesa. At dito nga ay naugnay ang pangalan ni Krista. Sa kolum ni Emy Abuan sa Pilipino Star Ngayon noong 2002, sa presscon ng isang pelikula, hiningan si Krista ng linaw tungkol sa napabalitang relasyon daw nito kay Michael de Mesa, pero kaagad namang pinabulaanan ng aktres ang intriga.
Tahimik naman ang kampo ng boyfriend ni Krista na si Direk Dominic Zapata. Ayon naman sa ilang sources, hiwalay na raw ang direktor at ang aktres.
Upang mabigyang linaw at matuldukan na ang lahat ng espekulasyon, sinubukang kontakin ng The Buzz si Krista. Ngunit walang sagot mula sa kampo ng aktres.
JINKEE'S TEXT MESSAGE TO KRIS. Pagkatapos ng VTR news na ito ay nagbigay ng komento tungkol sa isyu ang The Buzz hosts na sina Boy Abunda, Ruffa Gutierrez, at Kris Aquino.
Ayon kay Ruffa, na ang parents na sina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama ay nasa Las Vegas para sa laban ni Pacquiao, nandoon daw talaga si Krista with her family. Pero hindi niya raw sigurado kung saang hotel ito nag-i-stay, pero siguro raw ay sa Luxor Hotel.
- Manny Pacquiao on rumored affair with Krista Ranillo: "No comment."
- YouTube video shows Manny Pacquiao inside his car with a mysterious woman
- Manny Pacquiao stages a mini-concert at his after-fight party
- Krista Ranillo's camp planning when and how to answer rumor on affair with Manny Pacquiao
- Manny Pacquiao wins by TKO over Miguel Cotto!
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.
More News
- Part 1 Ad agency asks Dolly Anne Carvajal to "correct misinformation" on Carmina Villarroel-Claudine Barretto issue
- Part 2 Aiko Melendez to decide if she will run for office again
- Part 1 Aiko Melendez becomes an instant fan of David Archuleta after hearing him sing during taping for new series
- JC de Vera explains why he unfollowed his ex-girlfriend Danita Paner on Twitter: "Mutual yun."
- AGB Nielsen Mega Manila People Ratings (Feb. 1-2): Munting Heredera zooms back to the top as it reaches its end
- Kantar Media-TNS National Household Ratings (Feb. 1-2): Walang Hanggan climbs back to the top
-
Weddings
FIRST READ ON PEP: Ms. Jolina Magdangal is now Mrs. Mark Escueta!
The bride and groom shed tears while reciting their vows.
-
Fact or Fiction
Ogie and Manilyn share drama moments in new serye, Daldalita.
-
Couples
Alex Gonzaga on past relationship with Kean Cipriano: "Wala. Hindi siya nag-sorry."
Alex Gonzaga foresees more acting opportunities now that she's graduating from college
-
Homes and Family
Priscilla Meirelles reveals how pregnancy made her world "turn 360 degrees"
She says her initial plan was to get pregnant two years after her wedding, but she realizes, "God's time is the perfect time."
Most Popular
- Regine Velasquez meets with David Archuleta; shocked by Iza Calzado's transfer to ABS-CBN
- Anne Curtis on her 'first and last' major solo concert: "Dreams do really come true."
- Carmina Villarroel denies walking out on Claudine Barretto in TVC shoot: "In my entire showbiz career... never ako nag-walk out."
- Showtime bids farewell to madlang pipol?
- Iza Calzado on being a Kapamilya: "With all humility, I'm ready to shine."
- Aubrey Miles reveals why she can't marry partner Troy Montero yet
- Ruby Rodriguez on Eat Bulaga!'s newest rival It's Showtime!: "Huwag naman nating maliitin."
- Part 1. Jaclyn Jose on ex-boyfriend Mark Gil: "I don't think he likes me. Parang there's something in him na parang buwiset siya sa akin."
- Gab Valenciano admits to initiating breakup with Isabel Oli: "I just couldn't see her with me. I couldn't see her with a guy like me at this point."
- Aleli Arroyo's camp threatens to sue Grace Ibuna; Aleli's lawyer claims Iggy Arroyo did not recognize Grace as his partner
Advertisement

