Ayaw pa ring magsalita ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao kaugnay ng mainit na pinag-uusapang relasyon diumano nila ng aktres na si Krista Ranillo. Bagamat nagpaunlak siya ng interview, hindi pa rin direktang itinanggi o inamin ni Manny kung totoo nga bang may namamagitan sa kanila ng anak ng aktor na si Mat Ranillo III.
"No comment ako about that issue," sabi ni Manny sa panayam sa kanya ni Dyan Castillejo sa Las Vegas para sa TV Patrol World. Ipinalabas ang naturang interview kagabi, November 17.
Ayon pa sa world champion, "Tahimik lang ako, bahala silang magkuwento, yung mga tao. Alam mo yung mga tao... Siguro kaya hindi tayo umaasenso dahil [pinapakialaman] yung personal na buhay ng iba. Sa akin, siguro pagtuunan nila ng pansin yung dapat trabahuhin, hindi yung buhay ng may buhay, yung private life..."
Nakiusap din si Manny na ituon na lang sana ng mga tao ang kanilang atensiyon sa bagong karangalang ibinigay niya para sa ating bansa. Tinalo ng Pambansang Kamao ang Puerto Rican Miguel Cotto sa kanilang 12-round fight noong Linggo, November 15 (Manila time), sa MGM Grand Arena sa Las Vegas, Nevada.
"Sana i-honor nila yung nagawa ko, na-achieve kong achievement para sa ating mga Pilipino. Like what I said, alisin muna natin yung tinatawag nating crab mentality. Nakikiusap ako sa inyong lahat na iwasan muna natin 'yon at magkaisa tayo para masaya tayong lahat," saad ni Manny.
JINKEE BREAKS DOWN. Hindi man aminin ni Manny na may pinagdadaanan silang problema ngayon ng kanyang asawang si Jinkee Pacquiao, halatang-halata ito sa Thanksgiving Mass na isinagawa para sa pagkapanalo ni Manny noong November 16 (Manila time), sa Las Vegas.
Sa kalagitnaan kasi ng Homily, kung saan ang topic ay tungkol sa pag-ibig at pamilya, hindi napigilan ni Jinkee na mapaiyak. Imbes na kay Manny siya sumandal kahit magkatabi sila ay sa isang kaibigan niyang babae siya humingi ng comfort.
Kitang-kita rin sa kamera na sinubukan ni Manny na aluin si Jinkee, na wala pa ring tigil sa kakaiyak, pero iniwas ng maybahay ng boksingero ang kanyang mga kamay. Dahil dito, ang ina ni Manny na si Mommy Dionisia na lang ang yumakap sa kanyang anak.
Kagabi naman sa SNN, pagkatapos ipalabas ang interview ni Manny at ang eksena sa Thanksgiving Mass, sinabi ng co-host ng programa na si Kris Aquino na nagkausap sila ni Jinkee tungkol dito. Ayon kay Kris, sinabi niya kay Jinkee na marami ang nakapanood sa pag-iyak niya habang nagsesermon ang pari. Sagot naman sa kanya ni Jinkee, alam daw niya na may nakatutok na kamera sa kanya, pero hindi raw niya napigilan ang kanyang sarili.
Bukod dito ay hindi na nagbigay ng iba pang detalye si Kris.
JUST "CLOSE FRIENDS." Samantala, ayon naman sa manager ni Krista na si Arnold Vegafria sa ibang media, "close friends" lang ang kanyang alaga at si Manny. Hindi rin daw maiiwasan na ma-link si Manny kay Krista dahil may ginagawang pelikula ang dalawa.
Kinumpirma rin ni Arnold na totoong nagpunta ng Las Vegas si Krista para magbigay ng suporta para kay Manny. Aware din daw ang kanyang alaga sa intriga sa kanila ni Manny ngunit tinatawanan lang daw ito ng aktres.
"Sabi niya sa akin, Manny is a married man and hindi siya puwedeng makisali sa ganoon, hanggang friends lang," sabi ni Vegafria sa isang panayam.
Idinagdag din ng manager ni Krista na single ngayon ang kanyang alaga dahil nakipag-break na ito sa kanyang boyfriend, ang Kapuso director na si Dominic Zapata.






krista, mghanap ka nman ng single, asa kapa! manunungkit pa ng ama ng iba..
Oh noh..
Ms Jinky, kulang nalang jumbagin mo ng bonggang bongga iyan..
Mr Manny, anu vah! crowned ka tlga..
ang haba ng hair mow.. hahahah!!
A few stolen moments is all that we share, you've got ur fam'ly and they need u there...
-If crab mentality is what drove the people to react the way they reacted dapat nagpalakpakan kami ngayon at nagsasabing 'BUTI NGA!CGE KRISTA!UBUSIN MO PERA NG MGA PACQUIAO NA YAN!WASAKIN MO PAMILYA NILA.MASYADO NA KASI MATAAS ANG LIPAD.'
Your family is [probably] the nation's most beloved family. We don't want to see our National Treasure's family crumble. We wish you nothing but more success,glory and happiness spent with people who truly loves you. And a lifetime spent with THE woman who stood by you from rags to riches, timex to rolex!
-Yes.We need not react to every gossip hurled at us.Sometimes,gossips just die a natural death if we tighten our lips.However,this is a diff. story.First,there were sightings of you and Krista coupled with concrete pieces of evidence [pictures and video].Second,two women are affected.A wife is humiliated,hurting and bleeding inside.And if your alleged liaison with Krista is indeed untrue,then you owe her and her family big time for allowing this to blow out proportion.The people curse and hate her to hell.Parang basura na tingin sa kanya ng mga Pilipino.How hard is it to say 'NO'?
PRIVATE LIFE
-To begin with,you're a public figure and you even want to be a part of every field that is subject to people's scrutiny and a target of media lenses- sports, MOVIES, MUSIC, TELEVISION, and POLITICS! san ka pa? lahat nalang ata gusto mong pasukan.
FYI lang, ever heard of some non-profit groups na nagbibigay ng libreng opera sa mga may cleft.
In short, di mo kailangang snatch si Pacman sa pamilya nya kung yan lang dahilan. At bakit si Paquiao pa ang tinarget? Magaling sya sa Math. Gusto nyang pagurin ang sarili sa pagbibilang ng pera maski tapos na ang operasyon ng kapatid nya. Attagirl!
wag mong hayaang mawalan ng respeto ang mga tao sayo, sayang lang lahat ng pinaghirapan mo.
at krista ranillo, utang na loob, mahiya ka kay matt ranillo kahit konti!