Ayaw pa ring magsalita ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao kaugnay ng mainit na pinag-uusapang relasyon diumano nila ng aktres na si Krista Ranillo. Bagamat nagpaunlak siya ng interview, hindi pa rin direktang itinanggi o inamin ni Manny kung totoo nga bang may namamagitan sa kanila ng anak ng aktor na si Mat Ranillo III.
"No comment ako about that issue," sabi ni Manny sa panayam sa kanya ni Dyan Castillejo sa Las Vegas para sa TV Patrol World. Ipinalabas ang naturang interview kagabi, November 17.
Ayon pa sa world champion, "Tahimik lang ako, bahala silang magkuwento, yung mga tao. Alam mo yung mga tao... Siguro kaya hindi tayo umaasenso dahil [pinapakialaman] yung personal na buhay ng iba. Sa akin, siguro pagtuunan nila ng pansin yung dapat trabahuhin, hindi yung buhay ng may buhay, yung private life..."
Nakiusap din si Manny na ituon na lang sana ng mga tao ang kanilang atensiyon sa bagong karangalang ibinigay niya para sa ating bansa. Tinalo ng Pambansang Kamao ang Puerto Rican Miguel Cotto sa kanilang 12-round fight noong Linggo, November 15 (Manila time), sa MGM Grand Arena sa Las Vegas, Nevada.
"Sana i-honor nila yung nagawa ko, na-achieve kong achievement para sa ating mga Pilipino. Like what I said, alisin muna natin yung tinatawag nating crab mentality. Nakikiusap ako sa inyong lahat na iwasan muna natin 'yon at magkaisa tayo para masaya tayong lahat," saad ni Manny.
JINKEE BREAKS DOWN. Hindi man aminin ni Manny na may pinagdadaanan silang problema ngayon ng kanyang asawang si Jinkee Pacquiao, halatang-halata ito sa Thanksgiving Mass na isinagawa para sa pagkapanalo ni Manny noong November 16 (Manila time), sa Las Vegas.
Sa kalagitnaan kasi ng Homily, kung saan ang topic ay tungkol sa pag-ibig at pamilya, hindi napigilan ni Jinkee na mapaiyak. Imbes na kay Manny siya sumandal kahit magkatabi sila ay sa isang kaibigan niyang babae siya humingi ng comfort.
Kitang-kita rin sa kamera na sinubukan ni Manny na aluin si Jinkee, na wala pa ring tigil sa kakaiyak, pero iniwas ng maybahay ng boksingero ang kanyang mga kamay. Dahil dito, ang ina ni Manny na si Mommy Dionisia na lang ang yumakap sa kanyang anak.
Kagabi naman sa SNN, pagkatapos ipalabas ang interview ni Manny at ang eksena sa Thanksgiving Mass, sinabi ng co-host ng programa na si Kris Aquino na nagkausap sila ni Jinkee tungkol dito. Ayon kay Kris, sinabi niya kay Jinkee na marami ang nakapanood sa pag-iyak niya habang nagsesermon ang pari. Sagot naman sa kanya ni Jinkee, alam daw niya na may nakatutok na kamera sa kanya, pero hindi raw niya napigilan ang kanyang sarili.
Bukod dito ay hindi na nagbigay ng iba pang detalye si Kris.
JUST "CLOSE FRIENDS." Samantala, ayon naman sa manager ni Krista na si Arnold Vegafria sa ibang media, "close friends" lang ang kanyang alaga at si Manny. Hindi rin daw maiiwasan na ma-link si Manny kay Krista dahil may ginagawang pelikula ang dalawa.
Kinumpirma rin ni Arnold na totoong nagpunta ng Las Vegas si Krista para magbigay ng suporta para kay Manny. Aware din daw ang kanyang alaga sa intriga sa kanila ni Manny ngunit tinatawanan lang daw ito ng aktres.
"Sabi niya sa akin, Manny is a married man and hindi siya puwedeng makisali sa ganoon, hanggang friends lang," sabi ni Vegafria sa isang panayam.
Idinagdag din ng manager ni Krista na single ngayon ang kanyang alaga dahil nakipag-break na ito sa kanyang boyfriend, ang Kapuso director na si Dominic Zapata.






Ang kukulit niyo.. hayaan si manny , personal agenda niya yan, at lalaki yan... di niyo yan mapipigilan sa gusto niya.
Trials lang yan para kay jinky, lahat naman ng babae dumadaan sa ganyan, wag lang siya mag give up... hold lang. lilipas din yan.
Amen to that...tapos ang kaso with the arguments you have presented.
Hindi naman nagmamalinis ang mga tao na hindi sumasang ayon sa ginagawa nila...kaya lang I would like to think na mas marami pa ring tao sa mundo na may takot sa Diyos at may buo ang conscience.
It is not a sin to want people to do the right thing and respect the rules of God. The day something like this happens to those who think it is just okay - come back here in PEP and tell us if it is still okay.
Just the same - May God help all of us!
may karapatan silang gawin ano gusto nila kasi matatanda na sila
SO MANAHIMIK na lang kayo, palibhasa kasi mahilig kayong makialam sa buhay ng may buhay pakialaman nyo yang mga buhay nyo kaya di kayo YUMAYAMAN tulad ni MANNY PACQUIAO eh hahahahaha!!
STOP TELLING MANNY PACQUIAO what to do with his money
tama sya buhay nya yan so WALA KAYONG MAGAGAWA ano gusto nyang gawin
No mother, wife or daughter likes the idea of a philandering son, husband or father as it is reflective of your priorities in life. If you cant be true to your wife - sa bayan pa kaya? This is the reason why I think matatalo ka sa election.
Immortalize yourself and put your money in a foundation that gives scholarships to less fortunate but deserving individuals. Kayang kaya mong magpa-aral ng isang dozena taon taon...marami kang pamilyang matutulungan. This way hindi puro politiko at babae sa tabi tabi ang laman ng utak mo.
I admire you as a boxer but as an individual and a family man - you have miles and miles to go....
Kaya marami ang dismayado with the issues going on and his non-denial. ano ba naman ang magsabi na hindi totoo ang tsismis? madali lang naman bakit hindi niya magawa? dahil totoo?
at may instruction pa sa media na bawal magtanong about his personal life. this is just like saying totoo ang mga balibalita.
Krista's aura does not bring anything but the stench of bad luck and karma. Nag-uumpisa pa lang kayo sa kalokohan niyo parang world war 3 na.
Naku Manny - forget your plans to fight Floyd Mayweather dahil ang feeling ko matatalo ka dito. 2010 wont be a good year for you - you will lose in the elections and lose with Mayweather. Ganyan talaga ang life. It is like a wheel - matagal ka ng nasa taas and what goes up always comes down. You started pushing the wheel to go down with your extra marital affairs. Kung gusto mong ma kontra ang malas mo - start by ending these extra marital affairs para maputol ang malas mo kaagad agad.