Tampok si Maxene Magalona sa GMA ChristmaSerye na Sana Ngayong Pasko. Makakasama niya rito ang iba pang naglalakihang bituin gaya nina Ms. Susan Roces, Christopher de Leon, Gina Alajar, TJ Trinidad, JC de Vera, JC Tiuseco, at iba pa. Sobrang excitement ang nararamdaman ni Maxene para rito.
"One month lang tatakbo ang show. Very rich and dramatic ang story, si Direk Mike Tuviera ang magdidirek," banggit ni Maxene nang makapanayam siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).
Nakakaramdam ng pressure si Maxene, lalo pa't mga batikan ang kasama niya rito.
"I'll just do my best because this is a big opportunity for me. Pinagtiwalaan ako ng GMA-7 ng bagong challenge, and I'm so happy. Gagawin ko ang lahat para hindi masayang ang tiwala nila," sabi niya.
Itinuturing pa rin ni Maxene na kulang ang experience niya pagdating sa akting, at parang ngayon lang kasi siya namumukadkad sa larangang ito.
"Nakatrabaho ko na si Tita Gina, and I am always in awe kapag nakikita ko siya, just like Tito Boyet. Kakabahan ako kapag kaeksena sila, with no less than Ms. Susan Roces, pero gagawin ko ang lahat para matuwa ang audience."
A PROMISE TO HER PAPA. Kung tutuusin, naka-graduate na si Maxene sa studies niya, but she just has to finish a few things.
"Pangako ko kasi 'yan sa Papa ko [the late Francis Magalona]," aniya. "Bago siya namatay, I told him, gagawa ako ng paraan para maka-graduate. E, 'yan kasi ang ultimate dream ng mga magulang para sa kanilang anak, di ba? 'Yan ang gusto ni Papa, kasi hindi rin siya naka-graduate. Gift ko ito kay Papa this Christmas."
Maxene will soon graduate with a degree in Social Science at the Ateneo de Manila University.
"I know Papa is smiling down on me right now," nangingiting sabi ng dalaga. "I'm so happy. Kahit wala na si Papa, basta nagagawa ko yung tama, kung ano ang makapagpapasaya sa kanya, I think okay yun for me."
HER MOTHER'S HAPPINESS. May balitang may aali-aligid sa mommy niyang si Pia Arroyo Magalona. Natawa lang dito si Maxene.
"Hindi ko naman sila masisisi," sabi ni Maxene. "Kung gusto nilang ligawan si Mommy, she's still young at 45, ha. Very beautiful. Okey lang sa akin. Anything na makapagpapasaya sa mom ko, nasa kanya na ang decision. I'm sure it's not yet the right time. Very early pa. Kamamatay lang ni Papa.
"It's all up to her. It's going to be her decision. Why not, kung magiging masaya siya? Kailangan din niya yung may makapagpapasaya talaga sa kanya. She's happy being our mom, pero hindi lang yun, siyempre. Basta, susuportahan namin siya."
If the right time comes, kung hindi man daw maintindihan ng iba niyang kapatid, siya na ang magpapaintindi sa mga ito.
"I'm ready to explain, na kung may guy man sa buhay ng mom namin, he won't definitely replace our dad. The idea of having a stepdad? Why not? Open-minded naman ang family namin sa bagay na 'yan. Liberal sa family namin, e. Pero, may rules and regulations pa rin.





gudluck!
hindi mo masukat ang tao kung ano ang natapus,bachelor's degree o associate...marami ang naktapus ng bachelors pero kulang ang alam,may nakatapus din ng associate pero maraming alam...sa abilidad ng tao masusukat kung ano ka....plus nalng yung education...may nakatapus ng ilang kurso dyan pero binabayaran....hindi natin susukatin sa titulo kundi sa abilidad ng tao. =
bat naman dos lng pinupuntirya mo eh on both camps naman ang mga di nakatapos ng pag-aaral.. good example si maxene sa syete pero nandun rin naman si iya sa dos na isa ring good example eh..
hopefully d sya magaya doon sa atenista girl na nangangabit na kc d sumikat sikat eh sayang lang pinag-aralan kung sa ibang paraan gagamitin...kaya go maxene pinahanga mo ako sayong adhikain sa buhay. goodluck!
bkit nman kz pti ugat eh npncin mo tpos mgglit ka sa mga tao d2 dhil cnta ung comment mo tpos ssbhin mo na pntasera ung mga tao eh ano bang gnawa mo pnentsan mo din cla eh..
hay naku..make sure kz na ung comment mo is connected sa article..
kung bka kame nand2 sa earth kaw nsa venus hahaha..
kya wag kng pikon..
stick to the artcle..
di naman kasi topic ang ugat n'ya...yun lang yun...anyway, mabuti naman at meron pang artista na mahalaga para sa kanya ang pag-aaral...
actually tanong lang yon at those people whom misinterpret ng sinabi ni inggiteraparin parang wala kayong sense at dont know how to comprehend ng ibig sabihin nga mga binabasa nyo.
hahahahahaha