Rosanna Roces warns the Revillas: "Kapag ako nag-Pasko wala ang apo ko, magiging kulay abo ang langit nila!"

Trisha Alvarez
Thursday, November 19, 2009 @ 03:51PM  |  76750 views

 

"Hindi na ako basta, kaya kong manahimik kung mali ako. Pero kapag sumusobra na, kapag masyado ka nang nilalaktawan at hindi ka na... Nalilimutan na yung mga ginawa nilang kawalanghiyaan. Akala nila, e, kung nag-iisa ako, ang tapang ko. Ngayon pa ba na merong nasa likod ko na?" says Rosanna Roces.

Photo By: Noel Orsal













"SILA ANG NAGNAKAW NG APO KO." Kapag nahiram niya ang kanyang apo, isosoli ba niya ang bata sa ama niya?

"Teka muna, bakit ako ang tinatanong ninyo ng ganyan? Di ba nga, sila ang nagnakaw ng apo ko?" katwiran niya.

So, sa kanya na ulit si Gab?

"Kung idadahilan nila nag-aaral, sige, patapusin natin ang pag-aaral. Tapos ibalik ninyo 'yan. Hindi man sa akin, sa ina niya. Kapag hindi ninyo 'yan ginawa, e, mas marami pa akong huhukayin sa baul. Para 'yang Yamashita treasure!" natatawang sabi ni Osang.

Paano kung si Grace naman ang pumapayag na doon muna si Gab sa mga Revilla? May balita kasing may kasunduan na sina Grace at Jolo na sa mga Revilla muna si Gab.

"Alam mo, may parental authority, may parental consent. Sakop ko pa rin si Grace. At tandaan mo, anak at anak ko pa rin 'yan. Ewan ko nga ba bakit naging senador 'yan [Bong]!  Kulang na kulang tayo sa batas for women and children. Nabuntis na si Grace, nabuntis na ang anak niya [Bong], hindi pa rin gumawa ng... Hindi pa rin pinahigpit yung batas na yun. Dapat talaga protektahan ang mga bata at ako, yun lang ang sa buong buhay ko ang ginawa ko, yung proteksyunan ang apo ko na sinasabi nila na pinapainom ko ng beer.

"Maniniwala ka ba naman? E, yung yaya kaya yun! Ay, naku, yung yaya kasi na yun, baliktaran. Kapag nasa sa amin, sinisiraan ang mga Revilla. Kapag nandun, sinisiraan ako. E, may pagkatraydor. Hindi nila alam tinatraydor na sila ng mga tao nila.

"E, ako, awa ng Diyos, nagtatagal sa akin ang mga tao dahil maganda ako makitungo. Hindi ko sila itinuturing na katulong. Not even yung salitang katulong, ayaw ko silang tawagin. 'Yan, ang mga suot nila, damit ko. Hindi ko sila pinagsusuot nung sinusuot ng iba. Parang sinasabi mo, alila lang sila. Hindi ganun.

"At saka ayaw ko nung sinasabi nila na kung anu-ano ang itinuturo ko sa bata. Subukan ninyong pakantahin ng gospel song yun, yung 'Here I Am To Worship, baka magulat pa kayo, mas alam ng bata kesa sa inyo. Yun ang mga mali. Kasi ang publiko kapag nakabasa naniniwala agad, e, di ba?" sunud-sunod na turan ni Osang.

Impluwensiya ba ito ng boyfriend niyang abugado?

"Ay, hindi, hindi, wala yun. Walang ato-attorey dito. Wala naman siyang... hindi niya ako mapapaligaya. Tandaan mo ito, not even 40 percent. Hangga't wala si Budoy sa buhay ko, hindi kayang punuan ng lalake ang binibigay. Kasi nung dumating 'yan [Budoy], gusto ko nang mamatay, e. Alam ninyo yun, di ba? Nung dumating 'yan [Budoy], 'yan ang naging extension ng buhay ko. Ang lalaki, hindi pampahaba ng buhay. E, 'yan nga ang pampaiksi ng buhay, e!

"Pero ang anak at apo, oo. Di ba naman, totoo yun? Pero ang anak at apo, kung ang buhay sa 'yo walang kuwenta, nagkakaroon ka ng buhay," sabi ni Osang.

Parang bunsong anak na nga raw niya ang apo niyang si Gab.

"E, kulang na lang sa akin lumabas 'yan, e. Talaga."

May gusto pa ba siyang iparating kay Jolo?

« Prev  1  2  3  Next »

Related Articles

188 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name