"Sa amin ni Lovi, kahit papaano, masakit na may lumalabas na ganitong mga intriga. Hindi po kami gano'n, hindi po kami nagsasakitan, at maayos po kaming naghiwalay. Hindi na kailangang magsigawan o magsampalan, dahil una sa lahat, hindi kami tinuruan ng magulang namin ng gano'n. Maayos po ang pagpapalaki ng magulang namin sa amin, at wala kaming balak na sirain ang mga pangalan ng mga magulang namin," says Jolo Revilla about reports that he and ex-girlfriend Lovi Poe (inset) had a fight outside a bar.
Jolo Revilla refutes report that he had a violent fight with ex-girlfriend Lovi Poe
Friday, November 20, 2009
02:05 PM
Rating
Lumabas sa ilang tabloids na isa sa diumano'y dahilan ng breakup nina Jolo Revilla at Lovi Poe ay ang pagiging bayolente raw ng batang aktor. Ayon pa sa isyu, may nakakita raw sa dating magkasintahan na nag-away sa labas ng isang bar. Sinampal at kinaladkad pa raw ni Jolo si Lovi.
Kaninang tanghali, November 20, nagpaunlak na mainterbyu sa radio program na Wow! Ang Showbiz! sa DWIZ si Jolo. Agad na hiningan ng reaksiyon si Jolo sa ilang isyung ikunukulapol sa hiwalayan nila ni Lovi.
Unang binigyang linaw ni Jolo ang tungkol sa diumano'y pag-aaway nila ni Lovi sa isang bar, kung saan kinaladkad at nasampal pa raw ng young actor ang dating girlfriend.
"Una sa lahat, actually, ayoko na sanang pag-usapan 'to," simula niya. "Pero okay lang sa akin, no problem, gusto ko ring i-clear 'to. Sa amin ni Lovi, kahit papaano, masakit na may lumalabas na ganitong mga intriga. Hindi po kami gano'n, hindi po kami nagsasakitan, at maayos po kaming naghiwalay. Hindi na kailangang magsigawan o magsampalan, dahil una sa lahat, hindi kami tinuruan ng magulang namin ng gano'n. Maayos po ang pagpapalaki ng magulang namin sa amin, at wala kaming balak na sirain ang mga pangalan ng mga magulang namin."
Isa rin daw sa ibinilin sa kanya ng amang si Sen. Bong Revilla, anak ng yumaong Fernando Poe Jr. si Lovi, kaya't hindi niya ito dapat saktan. "'Saka hindi po kami marunong manakit, marunong lang po kaming magmahal," dagdag ni Jolo.
Patuloy pa ng batang aktor, "Gusto ko lang ding i-clear na walang third party kaya kami nag-break, na sa kanya o sa akin, wala pong katotohanan ito. Maayos kaming naghiwalay, nag-uusap pa kami ngayon, kami po'y magkaibigan. Hindi naman basta-basta mawawala yung friendship na 'yon dahil malalim din naman yung pinagsamahan namin."
Nagkausap na ba sila ni Lovi kaugnay ng isyung ito?
"Yes," sagot ni Jolo. "Actually, nagulat kami nung may lumabas na ganitong isyu. Una sa lahat, siyempre nakakapag-init ng ulo dahil hindi totoo. Ikalawa, nag-usap kami kung ano ang dapat gawin dahil hindi tama yung may ganitong isyu na lumalabas."
Sa palagay niya kaya ay may gusto pang manira sa kanila ni Lovi?
"Sana huwag naman," hiling niya. "Pero hindi natin masasabi, kasi iba-iba naman ang utak ng mga tao. Pero hindi po kami pinalaki ng magulang namin ng gano'n. Imposibleng si Lovi, pinalaki ng magulang niya na marunong manakit.
"At siyempre," patuloy ni Jolo, "nahihiya din kami sa mga magulang namin kapag may lumalabas na issues na ganito, kasi kahit papa'no naaapektuhan din naman sila."
May bago na ba siyang nililigawan?
"Actually, wala pa naman," agad na sagot ng binatang aktor.
- PART 2. Jolo Revilla to seek second opinion in the U.S. about his severe migraines; will take a leave from showbiz
- PART 1. Jolo Revilla says he's not courting Kris Bernal, yet: "Friendship lang talaga."
- Jolo Revilla will resume work after being confined due to severe migraine
- Jolo Revilla categorically denies rumored romance with Jodi Sta. Maria: "Basta ako, never naman tayong pumatol sa may boyfriend or may asawa."
- Jolo Revilla on current relationship with Kim Chiu: "Ang sa akin, friendship lang muna... friendship."
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.
More News
- Bianca King says she has introduced rumored boyfriend Dennis Trillo to her mom and lola: " Wala namang problema."
- Kris Bernal and Mark Herras reunite in afternoon soap
- Nancy Castiglione on Vicki Belo and Hayden Kho Jr. split: "I don't really know what's going on."
- MTRCB Chairman Grace Poe-Llamanzares on the new SPG rating for TV
- Louise delos Reyes and Enzo Pineda to go on a Valentine date via Skype
- Jon Hall on his new romance: "I've had enough drama in my life...I just want a peaceful relationship. Wala nang sigawan or awayan."
-
Fashion
She reveals plan to put up a vintage store.
-
Couples
Alice Dixson admits husband Ronnie Miranda got affected by separation rumor
Alice talks about the difficulties they encountered as married couple.
-
Weddings
FIRST READ ON PEP: Ms. Jolina Magdangal is now Mrs. Mark Escueta!
The bride and groom shed tears while reciting their vows.
-
Events
David Archuleta to perform at Pyropalooza event
Zia Quizon, Indios, Never The Strangers, and JAMICH will join David Archuleta in serenading the crowd.
Most Popular
- Marian Rivera explains visit to taping of a TV5 show; comments on Iza Calzado's transfer to ABS-CBN
- Grace Lee on President Noynoy Aquino: "I like him."
- Kris Aquino: "Annulment is not a cause for joy. The truth is, it was a marriage that failed but it's a cause for optimism."
- Talent manager Shirley Kuan on columnist Dolly Anne Carvajal: "She can stick to her story. She has a story to tell, fine. But it's a lie."
- Hayden Kho, Jr. insists there is "NO infidelity issue" between him and Dra. Vicki Belo; apologizes to Nancy Castiglione
- Mark Bautista remains friends with Piolo Pascual after being involved in the actor's breakup with KC Concepcion
- PEP SPECIAL REPORT PART I: Why the marriage of Kris Aquino and James Yap was declared null and void
- Is it over between Dra. Vicki Belo and Hayden Kho, Jr?
- Part 2 Ynna Asistio to Annabelle Rama: "Bakit napakahirap na pakawalan kami kung talagang ayaw mo sa amin at ipinilit lang kami ng nanay ko sa iyo?"
- Jessa Zaragoza confirms "tent incident" with Sarah Lahbati's aunt
Advertisement

