Last Thursday, November 19, sa Romulo Café sa Quezon City, ay nagkaroon ng press conference ang Advocates of Youth and Students for Noynoy Aquino o AYOS NA!, para i-announce ang formal launching nito bukas ng gabi, Sunday, November 22, sa Risen Garden malapit sa Quezon City Hall.
Present noong Huwebes sina Laguna youth represenative Ruth Acero; Ayos Na! Secretary General Elmer Argano; Quezon City Councilor at Bagong Henerasyon Foundation founder Bernadette C. Herrera-Dy; Parañaque City Sangguniang Kabataan Councilor Toki Baes; at ang aktor na si Dingdong Dantes, ang National Lead Convenor ng Ayos Na!
Ayon kay Argano, nagsimula ang youth campaign arm nang alukin ng pamilyang Aquino si Dingdong na maging youth spokesman ni Noynoy. Bilang tugon doon, sinabi raw ni Dingdong na kung siya ay tutulong, hindi raw sapat ang pagiging artista lang, kung kaya't nabuo ang Ayos Na!
LAUNCHING TOMORROW. Sa presscon ay nanawagan si Dingdong sa mga kabataan na lumahok sa gagawing launching bukas.
Aniya, "Sa totoo lang po, maraming stars ang Ayos Na!, pero, ang totoong stars po nito ay ang ating mga youth leaders, ang ating mga youth achievers, ang ating mass youth, at sila ang mga naniniwala sa reform, good governance at sa leadership ni Noynoy Aquino.
"And, of course, along with the Bagong Henerasyon founder Bernadette Herrera-Dy and Mujiv Hataman of Anak Mindanao who is not here right now, Laguna youth leader Ruth Acero and other provincial youth leaders, we will need more than 5,000 youth leaders sa unang public gathering sa Sunday.
"We will not just celebrate the success stories and the practices of Pinoy Generation Next leader achievers, movers but foremost of all, we will make our common pledge to organize and mobilize at least 500,000 youth volunteers for Kuya Noynoy for 2010. Kaya naman sa darating na Linggo, yung Pinoy Gen Next—the biggest block of Filipino voters—supports Noynoy Aquino who believes that he is the symbol of hope and change for our future.
"So, sana po, magkita-kita tayo sa Sunday, sa Risen Garden sa Quezon City Hall at 5 p.m.," pag-iimbita ni Dingdong sa general presscon.
WHY HE IS SUPPORTING NOYNOY. Noon pa man ay very open na si Dingdong sa pagsasabi na idol niya talaga ang bayaning si Senator Benigno "Ninoy" Aquino.
Ito ba ang dahilan kung bakit volunteer siya ngayon ni Noynoy Aquino, na naghahangad maging pangulo ng Pilipinas?
"Hindi lang sa idol, malaking impluwensiya ang nagawa niya sa akin... Isa ring dahilan kung bakit gusto kong mag-excel sa mga ginagawa ko is because I was inspired by the character of our hero, si Ninoy. At naniniwala ako na puwede nating ipagpatuloy ang ganitong klaseng influence, ang ganitong klaseng idealism. Kumbaga, sa pagkalat ng ganitong klaseng campaign, especially sa mga kabataan.
"Kumbaga, gusto natin palawakin yung youth achievers natin, people, kids or young ones that brings out the best of themselves. Kumbaga, ipa-parade natin ang mga achievers natin. Kumbaga, sila ang mga benchmark ngayon ng mga kabataan.
"Hindi lang sila kuntento sa kung ano ang meron sila but they want to go out of their way para mas maging maayos pa sila."
Ano ang inihain ni Senator Noynoy na nakapagkumbinsi sa kanyang suportahan ito?
"Ako, ever since, advocate for education talaga... Napakinggan ko naman more or less, hindi man lahat but also other candidates whom I also respect. E, siyempre, I just came to a decision kung bakit siya dahil, siyempre, isa sa mga things na napag-agree-han namin is yung willingness niya to improve [the] educational system."






inggit hahahaah kc idol nya ni reject sa ganitong klaseng advocacy hahahaah
kaya naghihimutok sobrang inggit kay dingdong waaaaaahahahahaah
inum ka tubig ha para makahinga ka walang gamot sa pagka inggit mo kay dingdong.
again love you dong
dongyan for life
hindi mata ni Dong ang problema ang may problema ang sa iyo...hindi lang pala mata problema mo, pati na rin utak!
Galit kayo kay Dingdong kasi pinataob niya ang mga idolo ng Kapamilya...