Alessandra de Rossi (in photo) and Rhian Ramos now work for the same brand, but luckily for different products, as the world remains too small for the two actresses who clashed nearly three years ago while working on a TV series.

 

Pinagtawanan na lang ni Alessandra de Rossi ang balitang boyfriend na raw niya ang young actor na si Coco Martin.

Sa formal launch ni Alessandra bilang image model ng Soda Underwear by Pink Soda, sinabi niyang naging magkaibigan sila ni Coco, pero hanggang doon lang, noong magkasama sila sa series na Tayong Dalawa ng ABS-CBN. Pinagdiinan ni Alessandra na hindi raw nanligaw sa kanya si Coco.

"May mga tukso-tukso lang pero dedma ako.

"Mas gusto kong makipagkaibigan na lang. Hindi pa ako handa sa mga ligawan or magkarelasyon ulit. Mas masaya akong single ako. At least kapag single ka, walang hassle at problema, di ba?" sabay ngiti niya.

Okey naman daw kung sakaling ligawan siya ni Coco, "pero huwag na lang siyang umasa, di ba? Hindi naman sa nagmamaganda pa ako or anything. Mas okey kami ni Coco as friends talaga. Parang one of the boys nga ako, e.  Kaya kapag manligaw siya, parang 'Bakit?'"

MOM WANTS TO BE GRANDMA. Plano sana ni Alex na magbakasyon ngayong Pasko sa bahay nila sa Italy, pero ipagpapaliban na muna niya.

"Gustuhin ko man, mahirap para sa schedules ko rin. Sayang ang mga raket na darating ngayong Pasko, di ba? Kaya magpapadala na lang ako ng regalo sa kanila. Naisip ko rin ang gastos sa pamasahe at kung anu-ano pa. So yung igagastos ko sa biyahe, ipadadala ko na lang sa kanila para sa pagpapaayos ng bahay namin doon.

"'Tsaka si Mommy, kukulitin lang ako niyan na mag-asawa na. Gusto na raw niyang magkaapo, kasi si Ate Sam [Assunta de Rossi], e wala pang mabigay na apo sa kanya.

"Hello, wala nga akong boyfriend, asawa at apo pa ang hanap niya sa akin? Kakalokah si madir talaga! At hindi ako puwedeng mag-asawa at mabuntis kasi kakapirma ko lang ng kontrata para rito sa Soda Underwear. Ayokong mademanda at mawalan ng trabaho, huh!" sabay tawa niya.

IN THE PINK WITH NEW BRAND. May dalawang shows na sisimulan si Alex sa ABS-CBN kaya masaya ito't may kasunod ang Tayong Dalawa. Natutuwa rin siya't kinuha siya ng Soda Underwear dahil hindi na raw siya ni-renew ng Bench Body.

"Okey lang, kasi five years din akong image model nila. Marami na kasing bago, e, kaya it's fine with me.

"At least dito sa Soda [Underwear], ako pa lang ang nag-iisang image model nila kaya bongga. Napapayag nga nila akong mag-topless pero nakatakip naman ang mga arms ko sa boobs ko. Siyempre, Jun de Leon ang photographer namin kaya pumayag talaga ako," kuwento ni Alex.

WORLD TOO SMALL FOR HER AND RHIAN. Aware si Alex na isa sa mga endorsers ng Soda ay si Rhian Ramos. Fragrances naman ang pino-promote nito at hindi mga undergarments. Kung matatandaan ay nagkaroon ng di pagkakaunawaan sina Alex at Rhian noong March 2007. Inamin ni Alex na hanggang ngayon ay hindi pa sila nagkakaayos ni Rhian. (CLICK HERE for related story.)

"Alam ko naman na isa siya sa mga endorsers ng Soda. Magkaiba naman kami ng ini-endorse kaya okey lang, walang problema sa akin. Huwag lang nilang gawing pagsamahin kami kasi hindi pa kami okey.

"I guess alam naman ng mga taga-Soda yung situation naming dalawa kaya alam nila na hindi kami puwedeng magsama sa iisang lugar.