"Matalik na magkaibigan kami talaga," ito ang naging deklarasyon ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao tungkol sa diumano'y relasyon nila ng sexy actress na si Krista Ranillo.
Sa panayam ni Manny sa GMA News ay iginiit niya na magkaibigan lang sila ni Krista, sabay promote ng pinagsasamahan nilang pelikula, ang Wapakman. Ito ay sa kabila ng usap-usapan na may namamagitan sa kanila, idagdag pa ang mga "sightings" kung saan magkasama ang dalawa—sa Hong Kong, sa training ni Manny sa Baguio, hanggang sa US.
Humingi ng paumanhin si Manny kay Krista at sa pamilya nito dahil sa isyung ito.
"Pasensiya na at hindi ko naman ginusto na masira yung pamilya ninyo at... Kumbaga sa ano, dumating lang talaga yung panahon na... dumating yung pagkakataon na talagang sinakyan ng ano at nagkaroon ng isyu-isyu, gano'n..." saad ni Manny.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na direktang sinagot ni Manny ang tsismis tungkol sa kanila.
Dahil sa isyu, balitang naapektuhan ang pagsasama ng Pambansang Kamao at ng asawa nitong si Jinkee.
May balitang lumabas na sa bisperas ng laban ni Manny kay Miguel Cotto sa Las Vegas ay nagkaroon daw ng matinding away ang mag-asawa. Nalaman daw kasi ni Jinkee na pinuntahan ni Manny si Krista sa hotel room nito. Lalo pang umigting ang balita nang maging emosyunal si Jinkee sa gitna ng homily sa Thanksgiving Mass para sa tagumpay ni Manny. Naluha ang misis ni Manny sa sermon ng pari tungkol sa kahalagahan ng pamilya at pag-ibig.
Pero mukhang nagkaayos na ang mag-asawa nang sabay silang dumating noong Biyernes, November 20. Bagamat may pakiusap sa media na huwag tanungin sa presscon pagdating nila ang tungkol sa relasyon diumano ni Manny kay Krista, sinabi ni Manny na wala naman daw problema nang kumustahin ang pamilya niya.
Wala pang balita kung nakabalik na rin sa Pilipinas si Krista at ang kanyang pamilya mula sa US.






2
__
cguradohin mo rin na lahat ng ginagawa mo ay moral.
bago kayo mang-lait ng tao tingnan mo na ang mga sarili.
pwede ba atupagin na lang ninyo ang mga buhay ninyo diyan para walang gutom sa pinas.
November
__
kasi naman...karimihan sa inyo nag-jump kaagad into conclusion. alamin mo na ang lahat lahat bago mag-tsismis at mag-judge ng tao.
karamihan lang talaga sa mga pinoy tsismosa at mentally ill at sobrang judgemental.
i wish na ang mga pepsters na grabe mang-lait dito kay krista ay gumising na naka-ngiwi.
director nila si arnold bayagfria na manager ni krista.
The problem is that how can, as Lola Gloria suggested, we “check facts” if Krista and Mat don’t answer and/or return calls or text messages?
manny, kapag may usok may apoy...ang daming nakakakita...
at saka huwag ka ng humingi ng paumanhin sa pamilya ni krista-NAS...binigyan mo na ng pera at iba't iba pang mamahaling gamit di ba??!!!
pati plane tickets business class...kung hindi sa iyo matitikman ba ni mat ranillo yon?!
• Manny and Krista were supposed to fly back from Los Angeles last Wednesday, Nov. 18, on PAL flight PR 103. Manny was assigned to seat A1 and Krista on seat A3 in the Business Class.
• Manny’s wife Jinkee initially refused to be on the same flight with Manny so she was booked on the PAL PR 103 Thursday, Nov. 19, flight. But somebody advised Jinkee to fly back with Manny, otherwise her absence on arrival day Nov. 20 would further fan reports that there’s trouble in their marriage.
• At the last minute, Krista changed plans and took a Northwest flight and arrived Friday night, Nov. 20. Up to now, Krista is sulking, deeply affected by the negative write-ups and name-calling she’s getting as a result of her being linked to Manny.
He further contested Lola Gloria Sevilla's reprimand to quot;check facts firstquot; by saying,
The problem is that how can, as Lola Gloria suggested, we “check facts” if Kris