TEAM JINKEE. Ipinaalam din ni Mo kay Jinkee na marami ang sumusuporta sa kanya simula nang makita siyang umiyak sa TV. May mga nag-form pa nga ng Team Jinkee, at inamin ni Mo na isa siya sa mga "pioneer" nito.
Maging dito sa poll ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ay lamang na lamang ang "Team Jinkee" sa aming katanungan kung saan kakampi ang mga PEPsters.
Ano ang reaksiyon niya na napakarami palang sumusuporta sa kanya?
"Yeah, I know I can handle this because nandiyan sila para sa akin, may nagmamahal sa akin," sabi ni Jinkee. "It made me stronger na malaman ko na nandiyan sila sa tabi ko, na nagmamahal sa akin, may Team Jinkee. Parang it made me stronger as a person, na kailangan ko pang kayanin ang mga problema dahil sa kanila, sa pagmamahal nila sa akin."
Sa palagay ba ni Jinkee, kaya maraming lumalapit na mga babae kay Manny dahil sa napaka-successful nito? Sa pakiramdam ba niya ay sinasamantala ng ibang tao ang tagumpay na ito ni Manny kaya marami ang "nagpapapansin" sa kanya?
"Kasi, iniisip ko din na kasama yun sa tagumpay ng isang tao," sagot niya. "Kasama yun sa pagiging famous. Madami talagang lumalapit. Madaming nagpapapansin. Pero sana yung mga babae diyan na parang nakikisawsaw, di ba, may family yung tao, may asawa at mga anak. We built this family, naging masaya kami. Kasama namin ang Diyos. Sana isipin nila... Saka mula pa noon hangagang ngayon, kami ang magkasama. Sana maisip nila na sana tulungan nilang maging masaya ang aming family at huwag na nilang dagdagan ang problema kung anupaman masyado."
Ano naman ang message niya sa mga fans ni Manny at sa Team Jinkee?
"Ang message ko sa kanila, I feel so blessed and thankful dahil nandiyan sila palagi sa amin, sumusuporta, at nagdarasal. Nagpapasalamat ako sa Team Jinkee, sa pagmamahal niyo sa akin. Alam ko na nandiyan kayo para sa akin at sa aking pamilya. Thank you sa lahat. Thank you sa inyo," pahayag ni Jinkee.






At kung ang kagaya lang niKris Aquino ang magbubulgar sa infidelity ni Manny Pacquiao, mangilabot siya. Di ba once upon a time wala rin siyang pakialam sa ISASAMA NG LOOB NI ALMA makuha lang niya si Joey? Magmalinis ba? Are you trying to besmirch Manny Pacquiao because hindi mo siya nakuhang i-endorse ang kapatid mo? From all indications kasi Manny Pacquiao yata will endorse Manny Villar. Just like Michael V. Manny P. knows who to endorse. I agree to their endorsements anyway. hehehehe
Be still and be aware.
Tsaka yang pagtakbo sa office eh lalo lang nyang papagulohin ang buhay nyo, lalo na't si Chavit ang laging ka-dikit, matandang babaero,lol.
Kung gusto nyo ng simpleng buhay pwedi naman, kagaya ng asawa ni Ali,hindi laging ka-ekekan ang mga artista. Eh si Jinkee parang nashock sa karangyaan,laging sina Kris at Claudine ang mga kausap eh hindi naman sila pinapansin ng mga yan ng mahirap pa sila.
the more i read about you lately, the more i admire you. mas classy ka pa than that girl who graduated from ateneo. dami nagppray for you, kaya be strong ha. God bless you, girl!
gooo team jinkeee!