Para sa mga hindi nakakaalam, pumunta ng Dubai si Bruce para magtrabaho roon bilang flight attendant. Sa Dubai na naka-base si Bruce habang nasa Manila naman si Wendy. At aminado si Wendy na mahirap para sa kanila ang long-distance relationship.
"Sobra kaming nahirapan dahil nga, as I've said, umikot yung mundo namin sa isa't isa. So, parang after... sinabi ko rin kasi sa kanya, e, it's my fault. Aminado naman ako doon. Kasi naramdaman ko days before on the day itself, yung dapat na honeymoon namin sobrang bothered ako.
"Saan kayo nag-honeymoon?" singit na tanong ulit ni Ruffa.
"Sa Boracay," tugon ni Wendy. "Sobrang bothered ako. First time namin nag-Boracay na lagi akong nakatulala. Yun ang problema, kasi feeling ko hindi pa talaga ako ready. Pakiramdam ko, hindi pa ako mature. And then, akala ko kasi, sabi ko naman, 'Ano naman ang ida-doubt ko, mahal ko naman itong taong ito?' Parang, 'Kaya namin sigurong bunuin kahit anong dumating na problema.'
"Kaya lang, alam mo yung reyalidad ng buhay na after naming ikasal, parang doon na nag-sink in ang mga reality na ang buhay, hindi parang fairy tale na 'pag naghalikan ang mga bida, happily ever after na. Isa-isa nang nagdadatingan yung mga problema."
PLANNING FOR ANNULMENT. Dahil nga sa mga kinaharap nilang mga problema ay nag-usap sila na maghiwalay muna. Pinag-uusapan din nila ang pagpa-file ng annulment.
"May plano kaming mag-file. Pinag-uusapan pa namin. Nakakatawa kasi sobrang sandali pa lang, e. Mas okay kami noong hindi pa kami nagpapakasal.
Sinubukan pa raw nila ni Bruce na ayusin ang pagsasama nila.
"Pinag-usapan namin 'yan. Pumunta pa ako ng Dubai, e. Nag-stay ako doon for a week. Pinag-usapan namin 'yan. May days kami, may times kami na hindi kami natutulog. Pinag-uusapan namin. Sobrang hirap. Tapos gusto naming i-work out. Trinay namin, pero after parang alam mo yung we're drifting apart," saad ni Wendy.
WILL IS NOT THE THIRD PARTY. Nilinaw rin ni Wendy ang mga balitang may third party involved daw sa part niya kaya sila naghiwalay ni Bruce. At ang itinuturong third party ay si Will Devaughn, na nakasama ni Wendy sa panghapong programa ng ABS-CBN na Precious Hearts Romances Presents Bud Brothers.
"Sobrang nahihiya po ako na nadadamay siya [Will] sa isyu na ito. Kung anuman yung kaguluhan namin, ayoko nang mangdamay pa ng ibang tao dito. Sa aming dalawa na lang po ni Bruce ito."
Magkaibigan lang daw sila ni Will.
"Sobrang [naging close] kaming lahat sa Bud Brothers. And never naman kaming lumabas na kami lang dalawa. Palagi naman kaming maraming kasama. So, sana hindi na siya madamay pa sa isyu," pakiusap ng sexy actress.
Nasa kanilang dalawa daw ni Bruce ang problema. Sinisisi rin ni Wendy ang pagiging immature daw niya.
"And nung nag-usap kami ni Bruce, na pinag-usapan namin yun pag-uwi. Parang we're just drifting apart. Siguro kailangan muna naming mag-grow personally. Ako, feeling ko napaka-immature ko pa. Sana maging aral po sa mga bagets, na pag-isipan n'yo pong mabuti ten thousand times, one million times n'yo po pag-isipan. Makinig po kayo sa mga magulang n'yo. Alam na alam ko po lahat ng mga pagkakamali ko. Inaamin ko po 'yan. Sana po pag-isipan n'yo pong mabuti bago kayo magdesisyon. Kasi sobrang okay namin nung hindi pa kami nagpapakasal, e."






========================================
Totoo yan,kse flight attendant c Bruce eh,may privileges un immediate family kung lalabas ng bansa.Tska mgnda rin sa Dubai kya cguro naisip ng Wendymonya na mgpunta dun,kse hangang Japan lng kaya nya puntahan.
Eto nman c Bruce mukang ta nga,di man lng naisip un,maxado nabulagan.Ay nko,sna nga matauhan ka na boy,ginamit ka lng ni Wendymonya,kilala sa FEU yan na user.Ngyon ayaw nya na sau,kse nakuha nya na gus2 nya eh.Kwwa ka nman Bruce,sna nga lumaya ka na kay Wendymonya.
bleeehhhhhh mo wendy
kahit kailan since lumabas ka ng bahay
ni kuya ay hete na kita
mukha ka kasing pera
siguro di mo mahawakan ang lahat na sahod ni bruce kasi may ina at kapatid syang sinusuportahan....gusto mo kasi sayo ang datong lagi
buti rin naman na nakipag hiwalay si bruce sayo...ang daming mas maganda at
mapagkatiwalaan na girls dyan...
may hitsura naman si bruce kaya magkaroon ka agad ng kapalit sa puso nya.......
MUKHANG PERA KA WENDY