"Actually, lahat ng 'yan, yung mga ganyan-ganyang sakit, it's one way of changing your lifestyle. Like for example in Sandy's case, not too much meat but more on vegetables, fruits, and fish. No red meat masyado. She's okay, ang taba nga ngayon ni Sandy!" says Christopher de Leon about the health of wife Sandy Andolong.

Photo: Noel Orsal

Nilinaw ng multi-awarded actor na si Christopher de Leon ang usap-usapan tungkol sa kalusugan ng kanyang misis na si Sandy Andolong.

Noong isang taon kasi ay may blind item na lumabas patungkol sa kalagayan diumano ng asawa ng isang award-winning actor na may terminal illness daw. Makalipas ang ilang araw ay pinangalanan na ang aktres na si Sandy nga.

Pero agad naman itong kinontra ni Boyet at sinabing may kidney ailment lamang ang kanyang misis. Ayon naman sa ibang reports, Sandy is afflicted with an intestine laceration, inflamed uterus, and polyp in the gall bladder.

Sa panayam ng Showbiz Central, na ipinalabas last Sunday, November 22, ipinaliwanag ni Boyet ang tunay na kundisyon ng kanyang maybahay.

"Well, Sandy is doing very well... salamat sa Stairway to Heaven [GMA-7 primetime series]. Maigi rin ang kanyang kalusugan and including the rest of the family. Ano naman yun, maintenance ng mga vitamins, right diet lang talaga.

"Actually, lahat ng 'yan, yung mga ganyan-ganyang sakit, it's one way of changing your lifestyle. Like for example in Sandy's case, not too much meat but more on vegetables, fruits, and fish. No red meat masyado. She's okay, ang taba nga ngayon ni Sandy!" natatawang sabi pa ni Boyet.

Bilang selebrasyon na rin daw sa paggaling ni Sandy ay magsasama-sama silang pamilya ngayong Pasko.

"This Christmas, we'll just make it simple. The usual, we're just going to stay home. Opening of gifts. Maraming bata sa house, ang dami kong anak!" tawa niya ulit.

SANA NGAYONG PASKO. Balik-Kapuso na ang tinaguriang "Drama King." Kasama si Boyet sa cast ng kauna-unahang ChristmaSerye ng GMA-7, ang Sana Ngayong Pasko, kung saan makakasama niya si Ms. Susan Roces.

"Well, she's the best. One of the best. Si Inday Susan is on top, really on top. Kailangan you have to be aware, very sharp, and professional when it comes to work, and that's what I intend to do," saad ni Boyet tungkol sa queen of Philippine movies.

Kasama rin sa Sana Ngayong Pasko sina Gina Alajar, TJ Trinidad, JC de Vera, Maxene Magalona, at JC Tiuseco. Magsisimula na itong ipalabas sa December 7.