Dingdong Dantes excited to work with Marian Rivera again, more than in follow-up project with Rhian Ramos

Rose Garcia
Wednesday, November 25, 2009 @ 03:59PM  |  204 views

 

"It's really hard to fill in the shoes of Richard Gomez. Unang-una sa lahat, parang I'm very honored na ako ang napili nilang pumalit sa kanya. That's why I want to do my best and, at the same time, not to lose yung totoong personality ko. Pero ano lang, relax-relax lang talaga," says Dingdong Dantes about replacing Richard Gomez in Family Feud.

Photo By: Noel Orsal













Kahapon, November 24, ay nag-first taping day si Dingdong Dantes para sa Family Feud.

Pagkatapos niyang mag-tape ng tatlong episodes, nagkaroon muna ng press conference sa 17th Floor ng GMA Network Center bilang pag-welcome kay Dingdong as the new host of GMA-7's daily game show. Siya ang pansamantalang papalit kay Richard Gomez, who had to take a leave of absence dahil sa plano nitong pagtakbo sa 2010 elections.

Bago ang presscon, sinilip muna ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang taping ni Dingdong sa Studio 5 ng GMA Network Center. Napansin namin ang ginagawang dance move ng aktor sa tuwing ini-introduce siya. Ayon sa actor-TV host, siya mismo ang nakaisip nito.

"Ako lang. Tapos, ginagawa ko nga siya noong dry-run. Sa umpisa lang yun," nakangiti niyang sabi.

Dahil first day pa lang niya as the new host of Family Feud, aminado si Dingdong na pinag-aaralan pa niya ang lahat ng dapat gawin.

Dagdag niya, "It's really hard to fill in the shoes of Richard Gomez. Unang-una sa lahat, parang I'm very honored na ako ang napili nilang pumalit sa kanya. That's why I want to do my best and, at the same time, not to lose yung totoong personality ko. Pero ano lang, relax-relax lang talaga."

GOMA'S REPLACEMENT. Gusto ba niyang makausap si Goma at makakuha ng ilang tips mula rito since gamay na nito ang paghu-host ng Family Feud?

"Oo, ever since naman. Sa karamihan ng mga bagay, I really look up to him. Lalung-lalo na pagdating sa bagay na ito, na temporarily, e, magre-relyebo ako sa ginagawa niya."

If ever, ano ang mga itatanong niya kay Goma?

"Well, itatanong ko siguro sa kanya kung paano niya gine-gauge kung sino ang dapat halikan!" natatawang sagot ni Dingdong.

Pero hahalikan din ba niya yung female contestants sa show?

"Gaya nga ng sabi ko, kung siguro, e, contestant or audience na ang mag-request, mahirap naman tanggihan yun, lalung-lalo na kung magkakaroon sila ng konting gana dahil dun."

Wala kayang magselos sa kanya?

Natawa muna siya bago sumagot. Ani Dingdong, "Wala... wala naman. It's a game. It's all for fun at, siyempre, wala namang malaswang halik na papayagan sa TV."

May pamilya ba siyang iwi-wish na sana ay makapaglaro sa Family Feud?

1  2  3  Next »

Related Articles

243 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name