news

Claudine Barretto cuts her ties with ABS-CBN, moves to GMA-7

by Erwin Santiago posted on November 25, 2009  STATS: 6606 Views | 2106 Comments

 

After staying with ABS-CBN for 17 years, actress Claudine Barretto signed an exclusive two-year contract with GMA-7 today, November 25.

Photo By: Noel Orsal

Isa nang Kapuso ang aktres na si Claudine Barretto!

Matagal na ang usap-usapan tungkol sa paglipat diumano ni Claudine sa GMA-7, pero ngayon lang ito nagkaroon ng katotohanan nang pumirma ng two-year contract ang aktres sa Kapuso network. Naganap ang contract-signing kaninang hapon, November 25, sa GMA Network Center.

Kasamang dumating ni Claudine sa tanggapan ng GMA-7 ang kanyang mga magulang. Present naman sa contract signing ang top executives ng Kapuso network na sina Atty. Felipe Gozon (CEO and President), Mr. Jimmy Duavit (COO and Vice President), Anette Gozon Abrogar (GMA Films President), at Wilma Galvante (SVP for Entertainment TV).

Ayon kay Claudine, naging mabilis daw ang pangyayari kaugnay ng pagpirma niya ng kontrata sa GMA-7.

Kuwento niya, "Everything was really, really fast, itong pangyayaring 'to. Hindi kami talaga prepared. Like yesterday, sinabi, 'Okay, we'll sign na today.'"

Ano naman ang pakiramdam niya na isa na siyang Kapuso?

"Parang naninibago, pero I think nangunguna sa lahat ng nararamdaman ko ngayon yung excitement. At the same time, excited talaga ako dahil magaganda yung mga nakahilerang projects for me," sabi ni Claudine.

Masaya rin daw si Claudine dahil magkakaroon na siya ng pagkakataon na makasama ang kanyang mister na si Raymart Santiago, na napapanood sa Darna.

Ayon sa ulat ni Lhar Santiago para sa GMA News, hindi naging mahaba ang negosasyon para sa paglipat ni Claudine sa Kapuso network. Nagsimula raw ang lahat sa paggawa ng pelikula ng aktres sa Viva Films.

"Claudine has a movie with Viva, and then they offered us [GMA Films] to co-produce it. So, sabi namin, 'Wow, dream come true to have a movie with Claudine!' We never thought that we could do a movie with Claudine," lahad ng GMA Films president na si Ms. Anette.

Ang pagiging Kapuso ang ikalawang pinakamalaking hakbang na ginawa ni Claudine sa career niya ngayong taon. Una ay ang pagpirma niya ng two-picture contract sa Viva Films noong October 8. (CLICK HERE to read related story.)

GOODBYE ABS-CBN. Marami ang nagulat sa desisyong ito ni Claudine dahil 17 years ang inilagi niya sa ABS-CBN. Sa katunayan, isa si Claudine sa itinuturing na pinakasikat at pinakamalaking female stars ng Kapamilya network.

Noong nakaraang concert ng Star Magic sa Araneta Coliseum noong November 13 ay nandun pa Claudine. Sila ni Piolo Pascual ang naging finale ng show.

Pero may bulung-bulungan din na matagal-tagal na raw hindi maayos ang relasyon ni Claudine sa ABS-CBN, partikular na sa talent arm nitong Star Magic. Noong nakaraang taon pa ang huling teleserye na ginawa ni Claudine sa ABS-CBN, ang Iisa Pa Lamang, at mukhang nainip na ang aktres sa susunod niyang proyekto. Bagamat nagkaroon siya ng special guest appearance sa May Bukas Pa ngayong taon.

Nagsimula ang showbiz career ni Claudine bilang teen star noong 1992 sa pamamagitan ng youth-oriented TV show ng ABS-CBN na Ang TV at sa sitcom na Home Along Da Riles. Bagama't ang mga una niyang pelikula ay mula sa Seiko Films, naging exclusive contract star siya ng Star Cinema, ang film arm ng ABS-CBN.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

2106 Comments

  • 186  hotshot0017

    11/25/2009 | 09:25 PM
    goodluck clau
    love ka pa din ng mga KAPAMILYA mo

    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 185  tvj671

    11/25/2009 | 09:25 PM
    Claudine tama ang ginawa mo. marami ang tutularan ka.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 184  soapier

    11/25/2009 | 09:24 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 183  yzel18

    11/25/2009 | 09:24 PM
    pull ;;; anung tawag k claudine hehehe!!kailangan ng pera lol!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 182  msTrue

    11/25/2009 | 09:24 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 181  Pulmoll_0709

    11/25/2009 | 09:23 PM
    igagaya nyo pa naman yan sa pag lipat ni Angle e ibang klase naman talaga yung ginawa ni Angel... grabe.. isa ciang certified INGRATA!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 180  ClickHere1

    11/25/2009 | 09:22 PM
    I think di naman pababayaan ng GMA si Claudine... Just like what they did sa career ni Robin Padilla...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 179  beall

    11/25/2009 | 09:21 PM
    i definitely agree to you LIGHTBAND..:
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 178  msTrue

    11/25/2009 | 09:21 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 177  snygg_crasher

    11/25/2009 | 09:21 PM
    babalik ka din :P
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 176  nandyansibro

    11/25/2009 | 09:21 PM
    tama lang na lumipat sya ng station kasi matagal ng sinusuka ng abs production ang babaeng yan pag nag iinarte walang magawa ang mga tao ng abs kasi sikat daw sya at loyal ngayon dyan ka na sa gma7 para mabawasan ang sakit ng ulo ng abs
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 175  thina75

    11/25/2009 | 09:20 PM
    simula nag - asawa at nagka anak si Claudine , di na siya mukhang bida... mukha na siyang pang mother nina Angel , Anne , Sarah at Kim...magaling siyang aktres pero may attitude at mukha na siyang may asawa at anak so di puwede na maging bida.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 174  KapusongAstig

    11/25/2009 | 09:20 PM
    Ampalaya Plus now available sa DOS-poor-DOS..

    GMA RULES...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 173  beall

    11/25/2009 | 09:19 PM
    parang you have a point tvj671...hehehehe
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 172  jivlou77

    11/25/2009 | 09:19 PM
    wag nyo na idamay c angel dahil hindi xa nagsisi sa hakbang nya..xa lng ang artistang na nominee for emmy award..nag level up na c angel noh dahil sa abs hindi katulad ng lola marian nyo na kahit nominee for best actress sa pmpc eh hindi nakapasok.. naku namn kayu tantanan nyo na c angel inggit lng kau kc di nyo matanggap na mas nag boom tlga ang career nya paglipat ng abs..

    gudluck kay claudine idol ko din xa.. well see nlng kung hanggang san xa makarating jan sa gma
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 171  tvj671

    11/25/2009 | 09:19 PM
    TKO ang ABS. mangatang na muna kayo sa Meralco.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 170  rmel_kapuso

    11/25/2009 | 09:18 PM
    Down with network exclusivity. Yan talaga ang gusto ko makita sa TV industry. Anyway, ABS ang nagpasimula nito di ba? Ngaun unti-unti iniiwan na sila ng mga exclusive stars nila na sinuwapang nila when they are rising from ashes.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 169  shofaokz

    11/25/2009 | 09:18 PM
    yun ang kabaliktaran ng abs-cbn at gma..sa abs-cbn kc kung cno yung mga sikat at potential sa gma kinukuha nila unlike sa gma kung cno yung lubog at laos kinukuha nila.whahhahaa...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 168  AKOKAZE

    11/25/2009 | 09:18 PM
    for the record, ABS made Claudine a big star that she is now.. not the other way around.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 167  proud2vkapuso

    11/25/2009 | 09:17 PM
    JUDY ANN SANTOS tptan CLAUDINE BARRETTO

    mala NORA at VILMA noon s mga MOVIES

    ngyon nmn s TV SOAP OPERA

    JUDY vs. CLAUDINE

    NETWORK WAR fully charge BEGINS!


    masaya ito....



    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About