Comedian Bayani Agbayani (in photo) is the second former Kapamilya star who has decided to move to GMA-7 this week. Yesterday, November 25, Claudine Barretto surprised many fans when she signed a two-year contract with the Kapuso network. Bayani's contract signing is scheduled tomorrow, November 27.

Photo: Noel Orsal

Pagkatapos magulantang ng marami sa pagpirma ni Claudine Barretto ng two-year contract sa GMA-7 kahapon, isa pang Kapamilya ang lumipat na sa bakuran ng Kapuso network. (CLICK HERE to read related story.)

Kinumpirma kahapon, November 25, ng komedyanteng si Bayani Agbayani ang paglipat niya sa Kapuso network. "Ako po'y lumipat na sa GMA-7," aniya nang mainterbyu siya sa radio program na Wow! Ang Showbiz! sa DWIZ.

Ano na ang mga programa niya sa bago niyang tahanan?

"Hindi muna puwedeng sabihin, pero ang makakasama ko, hopefully, sana matuloy, awa ng Diyos, si Mommy Dionisia [Pacquiao], at saka the champ, Manny Pacquiao," sagot ni Bayani. Iba pa raw ang show na ito sa umeereng Show Me Da Manny nina Pacman at Marian Rivera.

Pero napag-alaman ng PEP na ang mga programang gagawin ni Bayani sa GMA-7 ay ang Todo Bigay, kung saan makakasama niya sina Manny at Mommy Dionisia, at ang early primetime series na First Luv, na pagbibidahan naman nina Joshua Dionisio at Barbie Forteza.

Ano ang dahilan ng paglipat niya sa GMA-7? Nagbigay ba siya ng time frame sa ABS-CBN na kung hindi siya mabibigyan ng trabaho ng istasyon, tatanggapin niya ang alok ng rival network nito?

"Hindi naman," sabi ng komedyante. "Sabihin natin na talagang napakalaki naman ng naitulong sa pamilya ko ng ABS-CBN. Kaya lang, talagang ganyan ang negosyo, ganyan ang business ng network. Minsan may trabaho ka, minsan wala. Ang sarap siguro ng may tinatrabaho. Kailangan kumilos ka, siyempre, may binubuhay ka ring pamilya. May iniisip kang mga plano para sa iyong career."

Totoo bang nagpalit na rin siya ng manager?

"Si Tita A [Angge o Cornelia Lee], nandiyan pa rin sa likuran ko. Kaya lang, meron na rin akong manager na tutulong sa akin sa pagpaplano ng career ko sa GMA-7, si Noel Ferrer. Dati ring nasa ABS 'yan, ngayon nasa GMA na siya. Si Tita A nandiyan pa rin para maging consultant," ani Bayani. (Si Noel ang siya ring manager ni Ryan Agoncillo.)

ORIGINAL KAPUSO. Hindi raw alam ni Tita A ang paglipat niya sa GMA-7. Totoo ba ito?

"Nagpaalam ako kay Tita Cory [channel head ng ABS-CBN], nagpaalam ako sa ABS, at nagpaalam din ako kay Tita A bago ako pumunta ng GMA-7. Hindi si Tita A ang kinuha ko para sa GMA, kasi alam naman natin na si Tita A nagtatrabaho sa ABS-CBN. So, para mas mabilis na rin ang proseso, si Noel Ferrer na lang, na mismong si Ma'am Wilma Galvante [SVP for Entertainment TV ng GMA-7] ang nagbigay sa akin para mas alagaan ang aking career sa GMA."

Dagdag ni Bayani, "Galing naman ako sa GMA. Diyan galing ang Bayani Agbayani, si Ma'am Wilma ang nagbigay sa akin niyan. Ninang ko kasi siya sa kasal. Parang nagbalik-bahay lang ako. At siyempre, kung ano ang nasimulan ko, dun na rin ako matatapos. At doon na rin ako tatanda."

Naging bahagi si Bayani ng morning program na Katok Mga Misis at ng variety show na Salo-Salo Together (SST) noong mid-'90s.

Wala bang counter-offer ang ABS-CBN sa kanya nang magpaalam siya?

"Actually, kay Tita A talaga ako nagpaalam," sabi ni Bayani. "Nag-thank you ako kay Tita Cory, at sa ABS-CBN sa mga nagawa nila sa akin. Talaga namang sobra ang pagbabago sa pamilya ko. Naging masarap ang buhay namin sa tulong ng ABS-CBN, kaya nagpasalamat ako sa lahat ng tulong nila sa akin.