Pagkatapos magulantang ng marami sa pagpirma ni Claudine Barretto ng two-year contract sa GMA-7 kahapon, isa pang Kapamilya ang lumipat na sa bakuran ng Kapuso network. (CLICK HERE to read related story.)
Kinumpirma kahapon, November 25, ng komedyanteng si Bayani Agbayani ang paglipat niya sa Kapuso network. "Ako po'y lumipat na sa GMA-7," aniya nang mainterbyu siya sa radio program na Wow! Ang Showbiz! sa DWIZ.
Ano na ang mga programa niya sa bago niyang tahanan?
"Hindi muna puwedeng sabihin, pero ang makakasama ko, hopefully, sana matuloy, awa ng Diyos, si Mommy Dionisia [Pacquiao], at saka the champ, Manny Pacquiao," sagot ni Bayani. Iba pa raw ang show na ito sa umeereng Show Me Da Manny nina Pacman at Marian Rivera.
Pero napag-alaman ng PEP na ang mga programang gagawin ni Bayani sa GMA-7 ay ang Todo Bigay, kung saan makakasama niya sina Manny at Mommy Dionisia, at ang early primetime series na First Luv, na pagbibidahan naman nina Joshua Dionisio at Barbie Forteza.
Ano ang dahilan ng paglipat niya sa GMA-7? Nagbigay ba siya ng time frame sa ABS-CBN na kung hindi siya mabibigyan ng trabaho ng istasyon, tatanggapin niya ang alok ng rival network nito?
"Hindi naman," sabi ng komedyante. "Sabihin natin na talagang napakalaki naman ng naitulong sa pamilya ko ng ABS-CBN. Kaya lang, talagang ganyan ang negosyo, ganyan ang business ng network. Minsan may trabaho ka, minsan wala. Ang sarap siguro ng may tinatrabaho. Kailangan kumilos ka, siyempre, may binubuhay ka ring pamilya. May iniisip kang mga plano para sa iyong career."
Totoo bang nagpalit na rin siya ng manager?
"Si Tita A [Angge o Cornelia Lee], nandiyan pa rin sa likuran ko. Kaya lang, meron na rin akong manager na tutulong sa akin sa pagpaplano ng career ko sa GMA-7, si Noel Ferrer. Dati ring nasa ABS 'yan, ngayon nasa GMA na siya. Si Tita A nandiyan pa rin para maging consultant," ani Bayani. (Si Noel ang siya ring manager ni Ryan Agoncillo.)
ORIGINAL KAPUSO. Hindi raw alam ni Tita A ang paglipat niya sa GMA-7. Totoo ba ito?
"Nagpaalam ako kay Tita Cory [channel head ng ABS-CBN], nagpaalam ako sa ABS, at nagpaalam din ako kay Tita A bago ako pumunta ng GMA-7. Hindi si Tita A ang kinuha ko para sa GMA, kasi alam naman natin na si Tita A nagtatrabaho sa ABS-CBN. So, para mas mabilis na rin ang proseso, si Noel Ferrer na lang, na mismong si Ma'am Wilma Galvante [SVP for Entertainment TV ng GMA-7] ang nagbigay sa akin para mas alagaan ang aking career sa GMA."
Dagdag ni Bayani, "Galing naman ako sa GMA. Diyan galing ang Bayani Agbayani, si Ma'am Wilma ang nagbigay sa akin niyan. Ninang ko kasi siya sa kasal. Parang nagbalik-bahay lang ako. At siyempre, kung ano ang nasimulan ko, dun na rin ako matatapos. At doon na rin ako tatanda."
Naging bahagi si Bayani ng morning program na Katok Mga Misis at ng variety show na Salo-Salo Together (SST) noong mid-'90s.
Wala bang counter-offer ang ABS-CBN sa kanya nang magpaalam siya?
"Actually, kay Tita A talaga ako nagpaalam," sabi ni Bayani. "Nag-thank you ako kay Tita Cory, at sa ABS-CBN sa mga nagawa nila sa akin. Talaga namang sobra ang pagbabago sa pamilya ko. Naging masarap ang buhay namin sa tulong ng ABS-CBN, kaya nagpasalamat ako sa lahat ng tulong nila sa akin.





wehehhee tama ka.
good luck bayani
Si Maxene magalona ay kasama sa Christmas serye ng GMA with Susan Roces, Christopher de Leon, etc.
Katorse - drama
TV Patrol - drama-dramahan
Santino - family drama
KC and Piolo soap - light drama
Echo and Tin soap - heavy drama
PBB - OA na drama
lahat drama, nakaka-umay nah!
Kung hindi nakialam si Gabby Lopez baka matagal na lumipat si Juday. Ang problema sa ABS yung management na hindi alam ng mga lopez.
Kasi isipin mo mabuti lahat ng big stars nasa inyo na bakit hindi mag no. 1 sa mega manila na largest television market?
Sa movies naman maaring blockbuster nga lagi pero ang laki naman ng gastos sa production costs and other gastos so pag ibawas mo manipis lang din ang kikitain.
Kasi maraming subsidiaries ang ABS so malaki ang kapital. At kung lahat ng subsidiaries kumikita eh di sana mas malaki ang neto.
Ganun lang kasimple. Eh presscon nga superdry sa ABS dahil nagtitipid. Taping walang food vs. cater sa GMA.
bulok daw ang mga artista sa GMA? ganun? eh bakit namimirata ang DOS? kris aquino, boy abunda, anne curtis, tony gonzaga, jake cuenca, christine reyes, angel locsin at marami pang iba. tingnan mo sila ngayon. di ba sila ang malalaking stars sa DOS? nakakaaliw ka naman kasi bitter ka.
nung nagpunta sa amin ang DOS..nakupo ang bilis nilang naubos ng mga crews ang hinanda naming food....ang lakas lakas nilang nilantakan ang pansit Malabon at puto na hinanda namin... kasi wala silang merienda tlaaga dala-dala. Naawa kami at pinakain namin.
Papano naging mataas ang standard ng dos sa mga shows nila eh daming palpak hahaha.
Wowowee daming complaints sa pandaraya. Yan ba mataas ang standard? hahaha.
TD nawarningan ng MTRB kasi inverted ang flag.
Eva Fonda noon nawarningan dahil ang daming sex scenes.
PBB 24/7 nakitaan ng nipples.
Baka ang ibig mo sabihin mataas ang gastos ng dos sa mga shows nila sa overhype promo pero poor quality ang mga shows kasi di masyado nagrirate sa mega manila na largest television market dahil marami ang mga critics dito.
good luck Bayani hehe
streetsmart
November 27, 2009
11:39 AM
kaya pala ang tagal tagal niya na walang work sa ABS pero db pa din siya lumilipat. sana nga si juday lumipat na sa GMA para naman magkaroon ng magaling na artista sa network mo at para naman matigil na si alfie lorezo na makakuha ng pera sa ABS
ClickHere1
November 27, 2009
11:32 AM
sinungaling ka naman! helloer nung college ako kinuha yung school namin para maging audience ng ABS show kahit papano my Goldilocks at mineral water pero nung GMA kasi kahit tubig wala! sobrang imposible naman ng comment mo
KUng ianalyze mo yung mga pinagsasabi ni Alfie ayan nagiging facts na dahan dahan lumabas.
Yung complaint nya na ang mga veteran stars pinabayaan pagkatapos mapakinabangan ng network ayan ang dami na naglabasan. Same din kay Claudine kaya lumipat.
Si Aiai napigilan lang yan dahil nakaranas din ng ilang months wlang project.
Si Bea Alonzo nadepressed pa nga ilang months after walang project.
Importante kasi ang visibility ng isang artista sa TV kasi pag matagal mawala baka tuluyan na di papansinin ng mga tao hehehe
nung nagkasabay sa isang location yung Pieta ni Ryan at Lalola ni Rhian, nahihiya daw si Ryan dahil naka buffet ang food ng Lalola while sa Pieta, water lang daw ang free...
Kaloka na talaga eto! The brightest station can't afford to feed their brightest stars!
Tama ka. Mga kapamilya lang naman ang hindi naniwala kay Alfie sa mga binulgar nya hehehe.
Masakit ang katotohanan pero dapat malabas para marealize nila ang kalakalan sa ABS.
Meron pa nga eh na ginagawa nilang unfair competition.
Good luck bayani..