"Actually, nalaman ko ang kanyang phone number, pero hindi niya ako sinasagot. Ayaw niyang sagutin. And I asked also my secretary to go there. Ang sabi nila sa akin ay ayaw niya," lahad ni Kuya Germs.
Wala bang ibinigay na dahilan si Pia?
"Ayaw ko munang iano kasi hindi ko pa tiyak ang tunay na dahilan niya, so kailangan manggaling muna sa kanya. Kung anuman ang dahilan ng kanyang pagtutol, ikalulungkot ko talaga. Hindi naman ito para lang sa kanya kundi pati rin sa mga nagmamahal na fans ni Francis.
"Si Francis ay hindi na isang tao lang kundi pag-aari na rin siya ng publiko dahil siya ay nag-contribute bilang isang showbiz personality. Iyon lang ang aking opinyon," saad ni Kuya Germs, na halatang disappointed.
Dagdag niya, "May nag-aadvice sa akin na ilagay din si Francis kahit na ayaw ni Pia, pero ayoko dahil gusto kong hintayin ang pagsang-ayon ni Pia bago ko gawin ito. Ayokong magkaroon ng problema. Pero nagtataka pa rin ako kung bakit ayaw niya.
"I hope, saan man naroon si Francis ngayon, at least alam niya kung ano ang dahilan kung bakit yung pangako ko sa kanya at yung hiling niya ay di ko muna magagawa ngayon. Pero sana maituloy ko pa rin."
Hangga't hindi pumapayag si Pia ay hindi ba niya muna ilalagay ang star ni Francis sa Walk of Fame?
"Unlless siguro na majority na ang nagsasabi sa akin na ituloy ko ito, then I have to do it, di ba? Pero I am still waiting kung ano naman ang sasabihin ng mga kapatid ni Francis. Gusto kong malaman kung ganoon din ba ang kanilang magiging desisyon," pagwawakas ni Kuya Germs.






Kuya Germs, seriously, if Pia doesn't want to put her hubby's name on the Walk, don't force it on her. Baka gawin na namang shrine ng AKRHO yan na feeling brod nila si FrancisM.