Nadawit sa intrigang Manny Pacquiao, Jinkee Pacquiao at Krista Ranillo ang actress-director na si Gina Alajar. Ito ay dahil sa naging status niya sa kanyang Facebook account na nailathala na rin dito sa PEP (Philippine Entertainment Portal).
Ang nakasaad doon ay, "If I am Jinkee Pacquiao I will not give up Manny... Krista Ranillo is not at all worth it!!!"
Kahapon naman, November 28, nakausap ng Startalk si Gina hinggil dito.
Kuwento niya, "Nananahimik ang Facebook account ko, di ba? Nananahimik yun, pinakialaman nila. Hindi ko naman ipapangalandakan yun. Hindi ko sa media website nilagay yun. Hindi sa showbiz website ko ginawa yun. Kung doon, puwede niyo pa akong masisi. Pero, ginawa ko yun sa Facebook account ko.
"And everyone in Facebook, mga kaibigan ko sa Facebook, also believe that your page is your own page. You can say whatever you want there."
FRUITS FOR APOLOGY. Hindi nagustuhan ni Gina ang pagko-quote sa kanyang status ng isang showbiz talk show.
"Parang bakit naman at my expense? Bakit gagawa ng istorya?.. Two days after na mangyari yun, na-feature nila yung profile page ko, tumawag sa akin yung executive producer ng The Buzz.
"Marami siyang katuwiran na sinabi sa akin. Tapos, sinabi ko, kailangan ko ng public apology. Nagsabi naman siya ng oo, pero, wala pa namang lumalabas. Tapos, after that, nagpadala siya ng basket of fruits. Feeling ko naman, huh? Prutas lang ang katapat? Prutas lang ang katapat nung pangingialam nila ng Facebook account ko," natatawa na lang na sabi ni Gina.
LESSON IN LIFE. On the other hand, wala naman daw siyang nais iparating kay Krista na minsan din na-link sa dati niyang asawa na si Michael de Mesa.
"Wala naman akong masasabi kasi, unang-una, lahat ng sinabi nila, lalo na yung unang interview sa akin about their official statement, wala naman akong masasabi kasi hindi naman sinulat sa akin yun.
"It was addressed to the media. Para maging official statement nila, so I cannot react on that."
Dugtong pa niya, "I want my name cleared. Kasi, ang lumalabas willingly, ibinalandra ko yun. Parang yun ang lumalabas. Parang ibinalandra ko. E, sa mga nag-interviews, and always taped interview, palagi naman nae-edit out yung part na merong nagbukas ng account ko. Pinakialaman yung account ko.
"So, naiiba... Kapag iniinterbyu, palaging naiiba yung konteksto. Depending on kung ano yung ipinapalabas sa telebisyon. Nalilihis lahat."
Malaking lesson itong nangyari, sabi ni Gina.
"It's a lesson in life, you know. Kaya lang mas naano, mas tumitibay yung dapat hindi ka magtitiwala, which is so sad. Kaya lang, there are some people talaga who really just break your trust."






lifting a page from fb and broadcasting it in tv without prior consent from the user is separate issue altogether. in fact, that is totally unacceptable and may be unlawful.
Krista should re-think their damage-control strategies before its too late. She's still not getting the public's sympathy.
Krista, there's no one to blame but you. You knew what you were getting into.
My question to Krista is why not go after ABS CBN, Jinkee, Mocha who also said things about this whole scandal?
pero public domain ang internet. at lahat ng nakapost dito ay free for all.
kung para sa kaibigan lang ni gina ang shoutout na yun, sana itinext na lang niya mga friends tungkol sa mga saloobin niya diba?
kaya nga shoutout diba? TO MAKE PUBLIC.
may malisya ang post nya sa facebook. bakit sya magpo-post ng ganon? sa tanda ko ng ito ngayon ko lang nalaman na nagkaroon pala ng relasyon ang asawa nya at si krista? naiskandalo tuloy pamilya nya dahil sa kanya.
o, wag isisi sa the buzz ha. sa post nya lahat nagsimula yan.
di ba pinahiya tayong mga pinoy sa buong mundo...
lokohin ba naman ang wins network ng japan.. buti nga natalo ang abs sa kaso...
cnn nga pinatos...
dba sila din yung cut and paste sa libro ni angela stuart-santiago na ginamit na spiel ni karen davila..
dba abs din yung nagbigay ng pekeng bedyu sa cnn sa solar eclipse sa southern mindanao...