"Sabi ko nga, kung ano man yung mga pinagdaanan ko, lahat ng mga pelikulang ginawa ko, sobrang proud ako kasi ito yung bunga din, e. Kung ano man yung mga batikos sa akin na hindi magaganda, wala akong pakialam do'n. Kasi ang importante sa akin, lagi kong pinagbubuti ang trabaho ko," says Coco Martin who was named Best Drama Actor in the recently concluded Star Awards for TV.

Photo: Enie Reyes

First time na-nominate si Coco Martin bilang Best Drama Actor, para sa primetime teleserye ng ABS-CBN na Tayong Dalawa, at pinalad na manalo ng parangal sa katatapos na 23rd Star Awards for Television 2009 ng Philippine Movie Press Club (PMPC). Halos walang pagsidlan ng tuwa ang aktor nang personal na tanggapin ang kanyang tropeyo noong Linggo, Nobyembre 29, sa Pagcor Grand Theater, sa Parañaque City.

May delayed telecast ang awards proceeding sa Sunday's Best ng ABS-CBN, pero most of the acceptance speeches ay edited na. Mag-aalas-tres na ng umaga nang mapanood ang bahaging tinawag na winner si Coco at maikling bahagi lang ng kanyang talumpati bilang pasasalamat ang naisahimpapawid.

COCO'S COMPLETE SPEECH. Nasa Pagcor Grand Theater ang PEP (Philippine Entertainment Portal) nang gabing 'yon at naitala namin ang kabuuan ng mahaba't makabuluhang acceptance speech ng award-winning young actor.

Here's Coco Martin:

"PMPC, maraming maraming salamat po sa pagtitiwala, sa award na ibinigay niyo po sa akin. Sa totoo lang po, hindi ko naman po talaga hinangad na maging artista. Ang hinangad ko po talaga, gusto ko talagang mag-TNT sa abroad..."

Natawa ang audience sa binanggit na ito ni Coco, pero ito ang totoo mula noong 2005 nang mailunsad siya bilang lead actor sa indie project na Masahista. Since then, nagkasunud-sunod na ang mga prestihiyosong indie movies na pinagbidahan ni Coco Martin, earning for himself the title "Indie Prince."

Coco continues, "...kung bakit ko tinanggap yung mga pelikula ko sa indie, dahil ninais ko talagang makapag-travel sa abroad, para makakita ng tamang bansang pupuntahan kung saka-sakaling gusto ko nang mag-settle sa buhay. Hindi ko po inaakala na ito pala ang mundo na inilaan po para sa akin.

"Nagpapasalamat po ako sa mga kasamahan ko sa trabaho, sa indie, lalung-lalo na [sa] mentor ko, si direktor Brillante Mendoza. Maraming-maraming salamat po dahil sa paghubog niyo sa akin at pagbibigay niyo sa akin ng malalim na pang-unawa sa paggawa ng pelikula.

"Nagpapasalamat po ako ng maraming-marami kay Direk Andoy Ranay. Napakalaki ng utang na loob ko sa kanya dahil siya po yung nagbukas sa akin ng pinto sa ABS-CBN para mabigyan ako ng oportunidad na makapagtrabaho.

"Nagpapasalamat po ako kay Sir Gabby Lopez, kay Ms. Charo Santos-Concio, kay Ms. Cory Vidanes, kay Ms. Linggit Tan, kay Sir Deo Endrinal, sa Corp Group, maraming-maraming-maraming salamat po!

"Sa lahat po ng bumubuo ng Tayong Dalawa, sa dalawang napakahusay na nagdirek po sa amin—Direk Ruel [Bayani], Direk Trina Dayrit—maraming salamat.

"Sa lahat ng mga AD [assistant director], cameramen, sa lahat ng staff and crew, mga kasama kong artista... Sa pinakamamahal kong si Gina Pareño, sa best friend kong si Alessandra de Rossi, at dalawa kong 'kapatid' na sina Gerald Anderson at Jake Cuenca, kay Kim Chiu, sa 'nanay' kong si Ms. Cherry Pie Picache; sa lahat po ng mga artistang bumubuo nito [Tayong Dalawa], maraming maraming maraming salamat po!

"Mom and Dad, thank you so much.

"Sa manager ko, kay Sir Biboy [Arboleda], thank you so much!