Coco Martin wins his first TV award for <em>Tayong Dalawa</em>


 
"Sabi ko nga, kung ano man yung mga pinagdaanan ko, lahat ng mga pelikulang ginawa ko, sobrang proud ako kasi ito yung bunga din, e. Kung ano man yung mga batikos sa akin na hindi magaganda, wala akong pakialam do'n. Kasi ang importante sa akin, lagi kong pinagbubuti ang trabaho ko," says Coco Martin who was named Best Drama Actor in the recently concluded Star Awards for TV.

Coco Martin wins his first TV award for Tayong Dalawa

William R. Reyes

Rating

"Para sa family ko," aniya, "and then, yun nga, sabi ko, sa lahat ng mga katrabaho ko sa industriya, sa lahat ng mga kasamahan ko sa indie. Kasi kung hindi dahil sa kanila, I'm sure hindi ko mararating ito dahil dun ako nahubog."

 

Inamin ni Coco na hindi biro ang kaba na naramdaman niya, knowing na napakahuhusay rin ng mga aktor na kabilang sa nominees bilang Best Drama Actor—sina Gerald Anderson (Your Song Presents: My Only Hope), Christopher De Leon (Kahit Isang Saglit), Baron Geisler (SRO Cinemaserye Presents: Suspetsa), Albert Martinez (May Bukas Pa), Diether Ocampo (Iisa Pa Lamang) at Jericho Rosales (Kahit Isang Saglit).

 

"Actually, sobrang kabado ako. Hindi ko ine-expect. Hindi na ako umaasa. Happy na ako na nandito kami ni Mommy Gina. Nung nalaman namin na nominated kami pareho, kumbaga, gusto lang namin um-attend, e. Gusto lang namin maging proud para sa Tayong Dalawa," saad ng aktor.

 

Earlier that evening, magkakasama nga sa isang row ang mga kabilang sa cast ng Tayong Dalawa. With Coco and Gina were Gerald Anderson and Alessandra de Rossi. They were cheering as each cast member of Tayong Dalawa was called as nominee. At sport din silang pumalakpak when their series lost to May Bukas Pa as best primetime TV series. ABS-CBN drama series din naman ang nagwaging pinakamahusay. 

 

When his name was called as winner, Coco was congratulated by Alessandra and Gerald. Both were happy for the victory of their co-actor. At magandang gesture ito ng pagsasamahan ng magkakasama sa Kapamilya network.

 

Sabi rin ni Coco, "Sa akin kasi, hindi ko iniisip yung popularity. Sa akin, everytime na lumalaban ako, dun ako lagi sa produkto na ginagawa ko... sa Tayong Dalawa. Basta naka-focus, pinagbutihan ko yung trabaho ko.

 

"Concerned din ako sa mga katrabaho ko, like kina Jake, kina Gerald. I'm sure, sila rin, deserving din sila na tumanggap ng trophy. Kumbaga, para sa amin ito."

 

Sa haba ng kanyang acceptance speech, nakakatuwang mayroon pa raw nakalimutan si Coco.

 

"Ang dami! Actually, gusto ko ngang pasalamatan yata ang buong mundo, e!" kuwelang banggit niya. "Pero dahil sa taranta ko, sobrang kaba ko, hindi ko na alam kung anong lumalabas sa bibig ko. Sobrang saya ang naghahalo."

 

FROM INDIES TO MAINSTREAM TV. Pagkakataon din ito na pasalamatan ni Coco ang mga taong naging bahagi ng mga pelikulang independent o indie features kung saan nagtamo siya ng mga parangal, na kadalasa'y hindi niya nadadaluhan ang mga seremonyas, tulad noong 2006 (Young Critics Circle Best Actor, para sa Masahista ni Brillante Mendoza) at nitong 2009 (Gawad Urian Best Supporting Actor, para sa Jay, ni Francis Xavier Pasion). Earlier this year, nanalo ring Best Supporting Actor si Coco, also for Jay, sa Golden Screen Awards ng Enpress. 

 

From indies to mainstream television ay malayu-layo na rin ang nararating ng popularity ni Coco Martin. At malaki ang pagpapahalaga niya sa pangyayaring ito.

 

"Sabi ko nga, kung ano man yung mga pinagdaanan ko, lahat ng mga pelikulang ginawa ko, sobrang proud ako kasi ito yung bunga din, e. Kung ano man yung mga batikos sa akin na hindi magaganda, wala akong pakialam do'n. Kasi ang importante sa akin, lagi kong pinagbubuti ang trabaho ko."

 

Wala ngang hinto si Coco mula last year nang mabigyan ng pagkakataon ng ABS-CBN, for which he's been so thankful. "Lalo na kay Direk Andoy Ranay, na siya ang naglakas-loob para sugalan ako sa unang-unang soap na ibinigay niya sa akin, yung Ligaw Na Bulaklak. Thankful ako sa kanya dahil kung hindi dahil sa kanya, I'm sure hindi pa rin ako makakapasok," saad niya.

 

Sa ABS-CBN ay bida rin ngayon si Coco sa afternoon drama series na Nagsimula Sa Puso opposite Maja Salvador.

 

"Excited din ako sa Nagsimula Sa Puso," banggit ni Coco. "Ang ganda rin ng role ko kahit na lagi akong nalilinya sa pagiging... medyo bad yung mga role ko."

 

Na nandun din ang challenge, tulad sa pagganap niya bilang si Ramon in Tayong Dalawa

 

"Maraming salamat sa pagtitiwalang ibinigay n'yo sa akin, hindi ko po ito makakalimutan," muling pasasalamat ni Coco sa PMPC.

 


Join us on Facebook


Pages: « Prev  1  2  

Related Articles
1 2

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.



Bookmark and Share
Email this link
77 Comments
page    1    2   
Follow us on Facebook Follow us on 4ter Subscribe on RSS Subscribe to Newsletter



Advertisement