Mainit na pinag-uusapan hanggang ngayon ang ginawang paglalantad ng actress-director na si Gina Alajar sa kanyang Facebook status ng isang malamang mensahe na tila nag-uugnay sa boxing champ na si Manny Pacquiao at kay Krista Ranillo.
Ayon sa Facebook account ni Gina, "If I am Jinkee Pacquiao I will not give up Manny... Krista Ranillo is not at all worth it!"
Ang ABS-CBN showbiz-oriented show na The Buzz ang unang naglabas sa telebisyon ng tungkol sa isyu sa kanilang episode noong Nobyembre 15. (CLICK HERE to read related story.)
Sinagot naman ito ni Gina sa kanyang live guesting sa Showbiz Central ng GMA-7 last November 29. Ayon kay Gina, hindi humingi ng permiso ang The Buzz na ilabas sa programa nila ang nilalaman ng kanyang Facebook account. At dahil dito ay nagde-demand siya ng public apology mula sa The Buzz. (CLICK HERE to read related story.)
Kahapon, December 1, sa presscon ng kauna-unahang ChristmaSerye ng GMA-7 na Sana Ngayong Pasko kung saan kasama sa cast si Gina, ay pinagkaguluhan ang actress-director ng press, kasama na ang PEP (Philippine Entertaiment Portal), para humingi ng karagdagang pahayag at developments tungkol sa nasabing isyu kontra sa The Buzz.
Ayon kay Gina, ayaw na sana niyang magsalita pa, pero hindi nga siya tintigilan ng mga press sa pagtatanong.
"Honestly, para sa akin pagkatapos kong magsalita sa Showbiz Central na that would be my last statement, gusto ko sana hanggang doon na lang. Pero parang kasi nandito ako sa presscon. Actually, gusto ko na ngang tumakas doon sa likod kanina. Pero para naman sigurong I owe it to you, yung ganyan. Kaya 'ayan sinasagot ko ang mga tanong niyo," sambit ni Gina.
NOT ANGRY WITH THE BUZZ HOSTS. Isang reporter naman ang nagpaabot kay Gina na nagso-sorry raw si Boy Abunda sa kanya bilang kaibigan. Pero sa tingin daw ng TV host ay hindi raw maglalabas ng public apology ang The Buzz. Ano ang reaksiyon ni Gina rito?
"Naa-appreciate ko si Boy kasi nagpapatunay lamang na isa siyang magiting o isa siyang mabuting tao. But I think wala siyang kasalanan dahil... Yes, host siya ng show but it is not his responsibility, yung mga research at yung paggawa ng istorya. I believe na hindi niya responsibilidad yun.
"Ang accountable talaga doon ay kung sino yung researcher nila, at kung sino yung sumulat ng istorya, plus the executive producer [Nancy Yabut], na supposed to be nalalaman niya kung ano yung ginagawa. She should make sure if the story has the right permission, kung tama ba ito o ganyan, di ba?
"Nasabi ko na lahat... binasa ko na lahat sa Showbiz Central yung pag-admit nung executive producer, nung EP na yun. So, malinaw na malinaw lang na tama yung sinasabi ko at yun ay walang halong pag-edit sa pagsabi ko. Ngayon, if they believe otherwise na natu-twist pa nila yung pangyayari, you know, sa kanila na yun. Sila na lang ang magdadala nun," paliwanag ni Gina.
Hindi ba maaapektuhan ng isyung ito ang pagkakaibigan nila ni Boy?
"No, no, no... I want to make it clear, hindi ko hinu-hold accountable si Boy, si Kris [Aquino] at si Ruffa [Gutierrez]. Wala akong galit sa kanila," paglilinaw ni Gina.
Pero tuloy pa rin daw ang demand niya for public apology.
"Yes. Ako nga mag-a-apologize naman ako kung may kasalanan ako, e," sabi ng aktres.






I think this just proves Gina was not hallucinating as some of the spin doctors here are trying to insinuate.
Yes, Gina made a public splash - but if this is the way you can prevent a home wrecker to succeed - then it worked - and that is all that matters now.
The good prevailed over the evil. Okay take your pick kung saan kayo.
Bianca is mum about it pero halatang nasaktan sha sa nangyari based sa nakapost sa twitt nya
if u read between the lines patama kay KR yon at patama sa incident last Dec 6.
You can call Gina Alajar names - but bottom line - she was the legal wife and her rights were trashed by a starlet named Krista.
Tama yung sabi ng anak niya in one video clip I saw - na hanggang ngayon hinihintay pa nila ang apology. Pasalamat nga itong Krista na ito na ngayon lang lumutang itong basura na ito between her and Michael otherwise siguro lalo na siya at matagal na siyang tinaguriang damaged goods....