Naghahanda na sina Kris Bernal at Aljur Abrenica para sa kanilang fantaserye na may working title na The Last Prince. Ito ang opening salvo ng GMA-7 sa primetime sa 2010.
Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa dalawa, inamin nilang hindi talaga mawawala ang kaba sa kanila dahil sa malaking proyektong ibinigay sa kanila ng Kapuso network.
"Excited kami, pero at the same time kinakabahan," sabi ni Kris. "Kasi ito ang opening ng 2010 kaya kailangan naming pagbutihin, kailangan naming paghusayan. Pero masaya kami kasi talagang suportado kami ng GMA. At masaya kami na si Direk Mac Alejandre ang humahawak sa amin dahil talagang binabantayan ang acting namin, kilos namin, mga damit namin, looks namin... Alagang-alaga talaga kami."
Dagdag niya, "Masaya po ako. Pero at the same time, natatanong din namin sa sarili namin, 'Deserve na ba natin 'to? Kaya na ba natin 'to?' Yung GMA, sila ang nakakakita ng okay para sa amin. Sila ang nakakakita kung ano ang tama para sa amin. So, very happy ako na ibinigay nila sa amin 'to. And nakita namin kung paano nila kami inaalagaan. In return, gagawin din namin ang lahat para mag-rate yung show at mapaganda ang show."
Kung may maipagmamalaki man daw si Kris, ito ay kung paano nila alagaan ni Aljur ang loveteam nila. Hindi raw mawawala na kinabahan sila after their launching movie, pero masaya raw siya na buo pa rin ang tiwala sa kanila ng GMA-7.
Ani Kris, "Ang tagal naming inalaagan ang loveteam at ang tagal naming pinaghirapan. So, parang dito mo makikita na may second chance pa rin. Na hindi dun matatapos ang lahat."
So, ano ang mae-expect sa kanilang dalawa ni Aljur ngayon?
"Siguro ang masasabi ko, 'eto, ibang-iba talaga 'to sa lahat ng ginawa namin dahil fantasy nga siya," sabi ni Kris. "At ang character ko rito, talagang mahirap na mahirap na first time ko rin gagawin. And ang aabangan nila rito, yung character ko na medyo naging sensual ako. Nagpapakita ako ng skin. Pati pananalita ko, binabago ko, lahat! So, abangan na lang nila ibang character ko na makikita nila sa akin."
ALJUR IS EXCITED. Para naman kay Aljur, mas matimbang daw ang excitement sa kanya dahil nakikita niya kung gaano kabongga ang production na ginagawa sa bago nilang series.
"Very happy and, so far, sa StarStruck na batch, kami pa lang ni Kris ang magkakaroon ng primetime na sariling pagsisikatin namin. So, kakaiba. At kakaiba rin po ito sa mga previous soap na ginawa namin kasi fantasy siya. At first time naming gagawin 'to."
Dahil ang primetime series nila ang unang pasabog ng GMA-7 sa 2010, naramdaman ba nila lalo ang tiwala sa kanila ng network?
"Siyempre po," pagsang-ayon ni Aljur. "At mas grabe pa po ang kaba ngayon kasi po kami ang magbubukas ng taon. Sobra-sobra. Hindi ko alam kung magkano ang nagastos nila. Pero sa nakikita ko, ipinagawa nila ang palasyo. Yung mga bigating artista... Talagang pinagkagastusan po ng GMA at malaking pera ang inilabas dito. So very pressured kami. At the same time, excited kami sa kakalabasan nito because alam po namin ni Kris, we're making a good show."
Sila na rin ni Kris ang nagsasabi noon na ang launching movie nila could make or break them. Pero naapektuhan nang husto ang launching movie nilang Nandito Ako... Nagmamahal Sa 'Yo dahil sa bagyong Ondoy kaya hindi ito naging matagumpay sa takilya.
Nagkaroon ba sila ng kaba na baka matagalan bago sila mabigyan muli ng follow-up TV series na sila ang bida?
"Actually, hindi po ako natakot," sagot ni Aljur. "Kasi sa nakapanood naman po ng movie namin, marami po ang nagsabi na maganda. Kami ni Kris, kahit ganoon ang nangyari, ibinigay namin ang lahat ng makakaya namin—pagod, hirap, sacrifice na hindi namin makita ang family namin. Nag-stay kami sa Bohol for two weeks. At saka nasabay siya ng kalamidad, so naiintindihan naman ng lahat yun."






Actually, Kung itsura ang pag uusapan, wala tlagang comparison.ang alkris, mukang Tao.ang kimerald. well, pwd na cla as show ni kuya kim atienza nu.un lang pow!
sa mga ayaw manood..wag na magsalita ng masama...chill
Sa Ayaw manood ok lang.. Sa mga gustong manood good..lalo na sa isang Matanda na ang tanging libangan ang makita sila muli sa telebisyong palabas.. kung iyun ang magpapasaya sa kanila..isang magandang adhikain iyun...
Sa totoo lang 2 ang telebisyon namin isa sa itaas at isa sa ibaba.. para patas..msa baba...doon makakanood ng ABS-CBN at sa itaas ay sa GMA.. though pareho namang may Cable yung 2 telebisyon namin... well at least 2 network ang napapanood..pero both I am a critique....pag medyo di na namin type ang panoorin..lipat sa ibang cable channels..katulad ng Discovery, Life and Style, Urban Zone. CNN News , Solar Sports HBO... kaya masaya...you enjoy and you learn...
Pag birthday ko gift ko sa utol ko..mga ABS-CBN products.. lately may mug, pouvh bag, pen.. But if you want..you can buy it in the ABS-CBn Store..
At ti
the height of kavaduyan ang dalawang itows!!!!!
hahahahahah!!!!!!!
Sa GMA da best ang mga public affairs program kasi sa ABS medyo bias ang mga anchor nila...wag lang mag excuse me po si Mike Enriquez. lols..tapos kumikita ang GMA dahil sa TV kasi puro fantaserye ang palabas kaya panay pasok ang ads dahil sinusunod ng advertisers AGB kahit 1,000 lang na-survey..lols ulit.
Sa ABS naman magaganda talaga ang primetime nila lalo na pag drama kasi nahahasa talaga ang mga artista..Yun ang di ko nakita sa GMA..tulad na lang nila Richard, Marian, Dingdong na bano pa rin umarte...Si Sunshine, Dennis at Iza lang OK gumanap sa roster of talents nila...Lamang din ABS in terms of producing films and records courtesy of Star Cinema and Star Records...Hello compared mo naman ito sa GMA Films at GMA Records...
That is my honest opinion...yung hindi agree mamatay kayong fanatico...lols...
Bakit ang Star Cinema dami naproproduce na pelikula kung nalulugi pala sila? Bakit ang GMA films pag gawa ng film kasama lagi either VIVA or REGAL? Saka bakit iilan lang nagagawa nilang movies, hindi pa tumatatak...?
Padding padding pang nalalaman...kahit X10 pa padding nyan mahalaga consistent na monthly may palabas silang movie at iba ibang artista...lols...
Ngayon kung yung pelikula ni Kris at Aljur na lagi ninyo debate na lugi.. well for the information of all ang mgqa malalaking artista ay nakatikim ng pagbagsak bago sila ngayon ay nakilala sa kanilang achievements..
Well.. lets see in the future movies...I believed there is the right time for everything..
I will not battle now.. ako kqasi sa close insider ko na nasa loob I can get reports.
Sa ayaw manila..ok..ako kasi for as long isang malapit ang nagsasabi..
eto pa yung income generated ng ABS ay for press release..sino ang nagsabi isa ding insider in the ABS.. This insider I am speaking ay isa sa mga close sa akin.. Open siya lagi..kasi critique siya pag hindi maganda ang nakikita niya sa kalakaran sa management...
h t t p://ussa.edu/ballots/athlete-of-the-year
Wahahahaha.. Halatang Bitter ang Kapusonegrong Nanggogoyo! Star cinema puro Padding dw?? lol... Kya pla kpag nanunuod kmi ng Movie sa North or Trinoma ha2ba ng Pila lalo na ung You changed amp; In my Life.. lol
Wag na kxeng ikaila na Mega Flopped ang GMA Films Lalo na ang Sanib Pwersa ng Reagal at GMA for Nandito Ako 3.5 M.. wahahahaha tinalo pa ang Indie.. lol
P.3.5MILLION... Luging-lugi! wahahaahaha
siya ngayon ang bagong cover boy ng men's magazine na nationwide ang subscription like
Taliba
Abante
Bandera
Peryodiko
sikat na sikat na talaga ni aljur....go go go go lang!!!!