Bong Revilla heaves a sigh of relief with the showing of Ang Panday in MMFF 2009

Rose Garcia
Friday, December 04, 2009 @ 12:45PM  |  21 views

 

"Akala ko, talagang hindi maipapalabas, e. Pero naniniwala pa rin ako deep inside na, 'Hindi, lalabas 'yan, 99 percent.' Positive thinker ako, e. Kahit na 40 percent lang ang chance namin na lumabas. Biglang na-reverse siya. Talagang laking tuwa ko, napasigaw ako!" says Bong Revilla about the decision of Comelec to allow his movie, Ang Panday, to be shown at this year's Metro Manila Film Festival.

Photo By: Noel Orsal













SUSAN'S PERMISSION. Although si Carlo J. Caparas ang may-akda ng Ang Panday, ayon kay Bong ay humingi din siya ng pahintulot sa biyuda ni Fernando Poe Jr. na si Ms. Susan Roces para sa remake ng movie. Si FPJ ang orihinal na gumanap ng character na Flavio sa apat na Ang Panday movies.

"Bago rin mamatay si Ninong Ronnie [FPJ], ito yung parang sabi niya sa akin noong huli naming pagkikita, ha... 'That's yours. Panday, that's yours.' Kaya ang dami ng... Ilang taon na siyang wala, pero parang there's something missing.  Sabi ko, parang I need to do Panday. Parang may kulang ako na ipinangako sa kanya na dapat ko rin i-fulfill. At ito nga ay ang gawin ang pelikula. Kaya ito, parang tribute to the King," saad ni Bong.

Isa ba sa pangarap niya talagang role ay ang Panday?

"Oo, oo," mabilis niyang sagot. "Nakagawa na ako ng Dugo ng Panday. It took me seven years para ligawan si Ninong Ron na magawa ko yun, na payagan niya ako, na ganoon katagal. Pero nagpapasalamat din ako kay Carlo J. Caparas na pumayag siya na gawin itong Panday. At ano yun, free, walang bayad. Hindi siya naningil. Kaya saludo rin ako kay Carlo J."

2010 ELECTIONS. Kinuha rin ng PEP ang pahayag ni Bong tungkol sa nalalapit na eleksiyon.

"Tingnan natin, masyado nang mabilis ang changes sa pulitika. Ngayon, malakas itong isa, bukas iba naman. So, yung turn of events, napakabibilis. We don't know who will be the next President. Nobody can claim na malakas siya ngayon, bukas, e, malakas pa rin siya. Puwedeng magbago. So, napaka-fluid ng sitwasyon. So, this is anybody's ball game," saad niya.

Senator pa rin ang tatakbuhin ni Bong, contrary sa mga unang naglabasan that he will run for Vice President. Umaasa ba siyang makuha ang No. 1 position sa senatorial race next year?

"Ang makakapagsabi naman niyan ay yung performance natin sa Senado, na hindi tayo nagpabaya. Ginawa natin ang... You can just imagine na nakapagpasa na tayo ng 74 [bills]. Yun ang sa ngayon na bills na batas na ngayon. Nakapag-file tayo ng more than 500 bills. So, hindi nila matatawaran kung ano ang nagawa natin sa Senado," sabi ni Bong.

Pero aniya, "Sa ngayon, e, sa festival muna tayo. Mag-number one muna tayo sa filmfest!"

Wala ring epekto kay Bong kung may mga birada raw sa kanya mula sa kampo ni Hayden Kho. Masaya raw siya sa naging desisyon ng Philippine Regulation Commission (PRC) na tanggalan ito ng lisensiya bilang doktor dahil sa pagkakasangkot nito sa sex-video scandal.

"Natutuwa ako, siyempre. At least, nakita natin na may hustisya pa rin," sambit ni Bong.

« Prev  1  2  

Related Articles

16 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name