Two witnesses say they found Dr. Hayden Kho, Jr. at a pineapple plantation in Silang, Cavite on the night of December 3. According to them, Hayden repeatedly said the following: "Pakisabi kay Vicks na mahal na mahal ko siya" and "Walang nagmamahal sa akin"

Photo: Noel Orsal

Intestinal flu nga ba o suicide attempt ang dahilan ng pagkaka-confine ni Dr. Hayden Kho Jr. sa Manila Doctors Hospital ngayon?

Magkaibang-magkaiba ang text message na ipinadala ni Atty. Lorna Kapunan sa PEP (Philippine Entertainment Portal) at ang mga pahayag ng mag-amang Rudy at Andrew Olivar ng Lalaan 2nd, Silang, Cavite, tungkol sa dahilan ng confinement ni Hayden sa ospital.

Si Atty. Kapunan ang legal counsel ni Hayden.

Nakasaad sa text message na ipinadala ni Atty. Kapunan sa PEP noong Biyernes ng gabi, December 4, ang sumusunod na medical bulletin mula sa Manila Doctors Hospital:

"Dr. Hayden Kho, Jr. was admitted to this hospital very early this morning [December 4]. He was running a very high fever and was throwing up with severe abdominal pains

"Initial impression is that he is suffering from intestinal flu, although stress-induced gastric ulcer is also being considered.

"The Kho family is requesting for privacy. No visitors are allowed at this time.

"He was admitted under the care of his father, Dr. Hayden Kho."

CLICK HERE to read related story.

WITNESSES' ACCOUNT. Si Andrew na anak ni Rudy Olivar ang unang nakakita kay Hayden na nakabulagta sa taniman ng mga pinya sa Silang noong Huwebes ng gabi, December 3.

Sa kuwento ng mag-ama sa Showbiz Central, nakarinig daw sila ng malalakas na ungol mula sa taniman. Sa pag-aakala na baka may babae na biktima ng rape, nagdala sila ng flashlight at pinuntahan ang lugar na pinagmumulan ng mga pagdaing.

Isang lalake raw na wala sa sarili, nakahiga sa mga halaman ng pinya, umiiyak, tumutulo ang luha, sipon at laway, ang nakita nina Rudy at Andrew.

Sugatan daw ang mukha ng lalake dahil ikinikiskis nito sa matatalas na dahon ng pinya ang kanyang mukha. Napansin din ng mag-ama ang dugo sa kaliwang bahagi ng balikat ng biktima at sa tingin nila, parang may itinusok ang lalake rito.

Nakilala nina Rudy at Andrew ang lalake dahil sinabi nito na siya si "Doc Hayden." Panay raw ang tunog ng cellphone ni Hayden at sinasagot nito ang bawat tawag na natatanggap.