"Huwag muna siyang magselos kay John Lloyd," ang sagot naman ni Angel dito. "I don't think about those things kasi ang focus ko ay sa magiging trabaho namin ni Lloydie... Wala naman sigurong dapat ika-hurt o ano pa man kasi wala namang issue.
"Basta ako pag nag-start na kami ng show, magwo-workshop talaga ako, ayokong mapahiya kay Lloydie. Napakahusay niyang aktor, iba yung atake ni John Lloyd. Kaya niyang magpatawa, kaya niyang magpaiyak, ang galing! Sobrang intense actor talaga."
Sabi ni John Lloyd sa ibang interviews na medyo nailang daw siya nung ginagawa nila ang station ID ng ABS-CBN dahil kailangan niyang akbayan si Angel.
"Hindi, no, nang-aasar lang 'yun, baka raw may magalit. Nagbibiro lang si Lloydie," paliwanag ni Angel.
SERIES FOR KIDS. Habang di pa sinisimulan ang teleserye nila ni John Lloyd, isa munang fantaserye ang gagawin ni Angel. Ito ay ang Kokey, kung saan makakapareha niya si Vhong Navarro.
"Happy and excited ako. Ang tagal na rin akong di nakikita sa TV at ngayon babalik ako sa isang show na pambata. Excited ako kasi first time kong makakatrabaho si Vhong. Pangalawa, unit ito ni Direk Loren Dyogi, ibang atmosphere naman. Pangatlo, si Direk Wenn, first time ko siyang makakatrabaho din."
Masaya ring nagkuwento si Angel na habang tumatagal ay lalong dumarami daw ang sumusuporta sa kanila ni Anne sa proyekto nilang Shop and Share na almost half a million ang nalikom at naibigay na sa Philippine National Red Cross.
"Nag-donate si apl.de.ap ng Black Eyed Peas, na-touched talaga ako, sobrang nice-nice. Kasama niya ang family niya, pinuntahan ko siya sa hotel, nandun ang buong family niya kasi birthday niya. Nag-donate siya ng jacket, shirt, 'saka shoes.
"Si Efren Peñaflorida [CNN Hero of the Year in 2009] naman, nag-donate din. Facebook friends kami tapos nakakatuwa nga kasi nag-meet kami sa airport. Nag-good luck kami sa isa't isa. Siya mismo ang nag-offer sa suot niyang dog tag. Susuotin daw niya yun sa CNN, tapos pag siya ang nanalo, ipapa-auction niya. Na-touched ako kasi naalala pa niya yung promise niya. Ang sweet din niya kasi binigyan niya ako ng sarili kong trophy, 'Hollywood Best Hero.'"






Move on na dahil marami na ring naipalit ang GMA kay Angel. Si Claudine, hindi naman minasama ng ABS sa pagalis niya.