Napuno ng iba't ibang isyu ang taong ito para kay Megastar Sharon Cuneta, mula sa kanyang personal na buhay hanggang sa kanyang career. Pero bago matapos ang taon, isang matinding rebelasyon na naman ang isiniwalat niya sa publiko.
Sa exclusive interview sa kanya ng The Buzz sa shooting ng pelikula niyang Mano Po 6, na ipinalabas kahapon, December 6, walang takot na inilahad ng Megastar ang sama ng loob dahil sa manang ipinagkait diumano sa kanila.
Ang galit ni Sharon ay nag-ugat sa unresolved isyu ng pamilya na may kinalaman sa manang naiwan ng kanyang yumaong ama na si dating Pasay City Mayor Pablo Cuneta. Wala raw umanong natanggap na mana ang Megastar.
"Hanggang ngayon galit ako. Masakit ang kalooban ko," pag-amin ni Sharon. "Ako, I mean, may kinikita naman ako, e. Ang mommy ko, hindi naman nagbago ang lifestyle. Pero marami akong kapatid na dine-deserve sana nila yung inipon at pinaghirapan ng tatay ko para sa aming lahat. Ang nangyayari, iba ang gumamit."
Ayaw man pangalanan ni Sharon ang taong responsable rito, makahulugan naman ang naging sagot niya sa tanong kung paano nangyari ito.
"E, magaling siya. So, siyempre wala kaming ebidensiya. Siya yung pinagtiwalaan, e. Bahala na si Lord, hindi naman natutulog ang Diyos, e," sabi ng aktres.
Nilinaw rin ng Megastar na hindi na yung para sa kanya ang inaalala niya kundi yung sa iba pa niyang kapamilya na dapat ay makakuha ng mana.
"It's not that something that consumes me. Pero alam ko marami kaming anak ni Daddy na minahal niya. Naaalala ko yung mga nanay at mga lumalaking anak. Unfair talaga. Ako talaga, sa maniwala kayo't hindi, alam ito ng lahat ng taga-Pasay yata, talagang wala kaming minana. Except for my mother, yung house. Pero hindi yung dapat alam namin na dapat manahin namin. Hindi yung sinabi ni Daddy."
Sa ngayon daw ang karapatan lang nilang mag-iina ang ipinaglalaban niya.
"Ipaglalaban mo lang kung ano ang tama, di ba?" diin ni Sharon. "Hindi ka naman makikipaglalaban kung mali, e, di ba? Disente naman akong tao. Okay lang, bahala na si Lord. Basta ako, hindi naman kami gutom. Baka nga mas marami pa akong kinita at naipon kaysa sa tatay ko."
LESSONS IN LIFE. Bukod sa matinding rebelasyon na ito ay naharap din si Sharon sa iba't ibang intriga. Marami raw siyang leksiyon na natutunan sa mga ito. May magagandang pangyayari rin ang nagdulot ng pagbabago sa kanyang buhay. Una rito ang pagkakaayos nila ng dating asawang si Gabby Concepcion.
"We're friends," sambit niya. "Ako, as far as I'm concerned, wala akong sama ng loob na. Kasi when you're in a happy place in your own personal life, there shouldn't be any room for ill-fated things."
Ang nangyaring cancer scare kay Sharon dahil sa pag-aakalang pagkakaroon ng naturang sakit ay naging makabuluhan para sa kanya at natuto siyang mas mahalin ang sarili at ang mga tunay na nagmamahal din sa kanya.
"Dati mag-isa ako, nagkukulong ako sa Roadtrek. Tapos tatawag lang ako kay Kiko [Pangilinan, her husband] or sa best friend ko. Tapos iiyak. Tapos bababa ako, parang walang nangyari."
Pero ngayon, may mga desisyon na nais gawin ang Megastar.
"Wala na akong dapat i-prove. Gusto ko lang maging proud pa rin ang family ko. So, kahit relax na ako, kahit anong weight ko ngayon, parang okay lang. Na-realize ko it's also for myself."






spicy1, can you kindly post kung saan makikita ang batas na iyan? Philippine civil code of the Philippines? anong article? kasi hindi iyan ang nakita ko e. ang nakita ko, mas malaki ang mana ng LEGIT KIDS over the ILLEGIT.
Going back on Sharon, alam ng taong bayan kung gaano kamahal ni Mayor si Mega. May interview noon si Mega sa isang magazine at binanggit niya na si Mayor mismo ang nagpapatulog sa kanya at ni minsan ay hindi niya nakita etong umaalis ng bahay sa gabi. Malaki ang investment ni Mayor kay Sharon dahil siya mismo ang nagkapital sa mga unang pelikula ni Mega.
Ayoko na - sumasakit na ang ulo ko sa possibilities ng gagawin ng amang mo sa face value mo - LOL...Lahat tayo may mga kwentong ganyan - parang life ika nga...kanya kanya na lang diskarte on how to deal with it pagtanda.
At least si Sharon - hindi end all and be all sa kanya kung may ma-mana siya. She should count her blessings dahil sa minahal talaga siya ng father niya and pinaka-blessed pa siya sa kanilang magkakapatid.
Actually Mayor Cuneta used to say within his inner circle na - kantahan lang daw ng anak niyang si Sharon ang mga botante - talagang mananalo siya. In other words, talagang alas ni Mayor si Sharon. Kaya naman mahal na mahal ng matanda and vice versa si Mega.
talagang ganyan ang buhay tinatawa mo na lang..ang hindi ko maintindihan sa nga babaeng nagkakagusto ke ama..alam mo ba pinaghalong manny paquaio at pablo cuneta si tatay..tapos yung nga babae nya ang gaganda..Ha! Ha! Ha! Ha!..ang hindi ko maintindihan papano nagustuhan nila si ama wla ng mukha wla pang face value!..sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa..baka biglang bumangon si ama at sampal sampalin ang face value ko!..LOL
Aray ko...natatawa ako sa sinabi mo. I am sure masaya nga kayong pamilya sa kwento mo pa lang.
Hindi talaga dapat kasama ang mga anak sa gulo na pinasok ng mga magulang. Ganyan lang talaga ang buhay - parang life ika nga. And maski sina Mega hindi exempted sa mga gusot na kasama nito.
Teka natatawa pa rin ako sa post mo...LOL
hay naku buti nga talaga wlang datung si ama kc marami din akong kapatid sa kaliwa at sa kanan..lol..Ang maganda lang sa aming magkakapatid kahit iba nga nanay namin magkakasundo kami..Hindi naman namin kasalan kung malan di ang tatay namin..nagulat nga nga kapatibahay namin ng mamatay si ama ang daming nag-iiyakan..tanong ng tanong sino yung nga yun..sabi ni sister sa nga tsismosong nga kapitbahay nga pinaglahian ng tatay ko..LOL