Hindi pa alam ni Dennis Trillo kung ano ang bibilhin niyang regalo para sa anak niyang si Calix Andreas ngayong Pasko.
"Iyon na nga iniisip ko pa, kasi halos lahat meron na siya, e," sabi ni Dennis sa presscon ng SRO Cinemaserye Presents Exchange Gift kahapon, December 7, sa 17th floor ng GMA Network Center.
Halos lahat daw kasi ng hilig ni Calix ay meron na ito; tulad ng toy gun, drums, at gitara. Mahilig daw sa music ang anak ni Dennis.
"Sobrang mahilig sumayaw, mahilig kumanta, at saka may tono siya talaga, ha!" pagmamalaki pa ng binatang ama. "Kaya niyang kantahin ang alphabet, 'Baa Baa Black Sheep,' 'Twinkle, Twinkle Little Star'... kahit ano. Kasi lahat ng marinig niya, kaya na niyang gayahin, e. Kasi kaya na niyang mag-converse at makabuo ng sentences, e."
Two years and two months old na ang anak ni Dennis kay Carlene Aguilar.
CHRISTMAS ARRANGEMENT. Naitanong naman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Dennis kung paano ang arrangement nila ni Carlene kay Calix sa nalalapit na Kapaskuhan.
"Katulad nung arrangement namin last year ni Carlene. December 24 sa kanila, tapos 25 sa akin. New Year, ganun din," sabi ng aktor.
Paano nila ise-celebrate ni Calix ang Pasko?
"Ano lang kami, e, punta lang sa relatives. Sa mother side, then sa father side. Then sa gabi, free na kami kung anong gusto naming gawin."
HEART EVANGELISTA. Nabanggit naman ng PEP kay Dennis na ang babaeng gusto niya ngayon, si Heart Evangelista, ay may regular na ka-date. Ito ay ang first boyfriend ni Heart na nagngangalang Ian Dy. (CLICK HERE to read related story.)
Ano ang reaksiyon ni Dennis dito?
"A, regular date lang naman, e, hindi pa naman boyfriend," sabi niya.
Sa tingin ba niya ay nawalan siya ng chance dahil dito?
"Hindi naman," mabilis niyang sagot. "Kasi lagi namang may pag-asa, lagi tayong may pag-asa. Kahit anong mangyari, basta buhay ang tao, laging may pag-asa 'yan. Kasi puwede niyang gawin kahit ano para makamit ang minimithi niya."
Of course, reregaluhan niya raw si Heart sa Pasko.






well yes sabihin nating kuripot...very simple sa mga damit and gamit kasi wise spender si Dennis...and naka invest pera niya...stockholder nga siya ng GMA7 di ba. invest din siya sa restaurant with other stars di ba
titser_joyce
I have a feeling na kuripot si Dennis,naalala ko sa isang interview niya,si Alex kasama niya[Alessandra de Rossi] hindi ko maalala kung saan,sabi niya type niya sa girl yung hindi high maintenance.
Yung kay Heart at Echo naman hindi naman siguro dahil sa mayaman o mahirap issue lang,marami pang factors. Malay mo maging OK sina Heart and Dennis,kung magiging sila man. Tsaka si Dennis yung tipo na hindi mawawalan ng trabaho kahit pa mag-iba pa ang takbo ng Showbiz kasi magaling siya.
okay rin naman family ni Dennis, and sa private schools sila nakatapos ng mga kapatid niya...and they are all professionals naman...buo rin ang family nila. Businessman ang mom and dad ni Dennis...di nga lang siguro sila kasing yaman ng mga Ongpauco...pero mind you, ang pinsan ni Dennis married an Ongpauco na cousin rin ni Heart! and I don't think na matapobre ang mga Ongpauco...
palengkera
Grabe ka naman,siguro naman madatung na yang si Dennis pero mas mabuti talaga kung business minded siya para If ever na hindi na maging maganda takbo ng carrer niya,OK pa din siya. Hahaha tsaka mahirap talagang magkagf na mayaman...laughs.
Kakabasa ko pa lang comment sa baba,yung iba naman makareact akala mo negang nega ako.Toinks!
nfernes sobrang nakakakilig naman si dennis!... pagpatuloy mo lang yan dennis.. kung wala lang eepal im sure mabibigyan ka ng chance ni heart... :D
hahaha...
di dapat pinapatulan ang mga palengkera haha...
Bagay na bagay sa'yo ang username!