Ipinagdasal ng child star na si Robert "Buboy" Villar na makasama siya sa pelikulang Ang Panday ni Sen. Bong Revilla.
Kahit hindi niya napanood ang lahat ng Panday series ni Fernando Poe Jr. noong araw, naikukuwento raw sa kanya kung tungkol ito kanino at kung ano ang istorya nito. Kaya mula noon, ipinagdasal ni Buboy na sana ay makasama siya kapag nagkaroon ng panibagong Ang Panday movie.
"Opo, talagang dinasal ko din po na makasama ako sa Panday, e. Ikinukuwento po sa akin. Kaya sabi ko po, sana ako ang maging sidekick ng Panday, na sana makasama ako sa pelikula, na kapag nagkaroon ng Panday, ako ang maging sidekick," saad ni Buboy nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Ang Panday kaninang tanghali, December 10, sa Enchanted Kingdom sa Sta. Rosa, Laguna.
Ano ang naramdaman niya nang matupad ang kanyang dasal?
"Masayang-masaya po ako na makakasama po ako ni Senator Bong," sagot ni Buboy.
Ikinuwento rin ng child star na noong una raw ay nahihiya pa siya kay Sen. Bong.
"Talagang nahihiya ako sa kanya kasi po... nahihiya ako kasi po senator siya, e. Pero habang po patagal nang patagal ang shooting namin at pabigat nang pabigat ang shooting namin, masasaya po lagi kami. Kaya nga po pag nagsu-shooting kami, parang hindi na kailangang mag-Christmas party dahil sobrang saya namin. Ganun po," kuwento niya.
Bukod kina Bong at Buboy, nasa Ang Panday rin sina Iza Calzado, Rhian Ramos, Geoff Eigenmann, at Phillip Salvador. Mula sa direksiyon ni Mac Alejandre, official entry ito sa 2009 Metro Manila Film Festoval.
INVESTING HIS EARNINGS WELL. Isa sa pinaka-in-demand na child actors ngayon si Buboy kaya hindi kataka-takang may mga naipundar na siya mula sa kanyang kinikita sa showbiz.
Nakabili na siya ng bagong sasakyan—isang kulay brown na Starex at may sarili rin na siyang driver ngayon. Hindi tulad dati na nagta-taxi lamang siya at kung minsan ay nakikisakay sa service vehicle ng GMA-7 kapag may taping.
Bukod dito, may sarili na rin siyang bahay na ang ipinambabayad ay galing rin sa kinikita niya.
Ang manager ni Buboy ay si Direk Maryo J. de los Reyes.
"Binilhan po ako ni Direk ng bahay kasi siya po ang manager ko. Dun na po kami nakatira ngayon, kami po ng pamilya ko," banggit ni Buboy.
SIDEKICK OF PANDAY & DARNA. Sinabi rin ni Buboy na nag-e-enjoy siya na marami siyang trabaho dahil gustung-gusto raw niya na nagsu-shooting at nagte-taping siya araw-araw. Bukod sa Ang Panday ng Imus Productions, Inc. at GMA Films, napapanood din si Buboy regularly bilang Ding, ang sidekick ni Darna na ginagampanan ni Marian Rivera.
Ano ang kaibahan ng maging sidekick ni Darna at maging sidekick ng Panday?






ang mapanglait na kapamilya, kay bro sa ibaba mapupunta.....hehehehe
I couldn't agree more. Kaya ako naging kapuso. Yang mga mapanlait na yan, baka mga mukang paa yang mga yan sa personal. They would just like to feel good about themselves kaya super lait sila sa iba.
Idol kita!
Naalala ko noong naputukan ang kapatid nya last new year eh ang liit ng nirentahang bahay.
Mabuhay ka buboy. Isa ako sa certified fan mo walang duda hehehehe.
Naku di bagay sa username mo may bro bro ka pa nalalaman pero yung style ng comment mo attacking Buboy is contrary sa mga matutunang aral sa MBP.
Yan ang hate ko sa kapamilya kasi mostly:
1. mapanglait
2. matapobre
3. pasosyal
4. namemersonal
5. walang facts to support their comments.
Kaya hinay hinay kayo para di kayo maresbakan.
Buboy good luck ang galeng mo!!!!!!
To Buboy.. certified fan mo ko...
Naalala ko dati pinakita sa Wish Ko Lang nagrent lang kayo ng maliit na bahay somewhere in QC.
Wow may car ka na at may bahay hinuhulugan.
Pinagpala ka talaga dahil mahusay kang batang artista.
yes galing sya ng ABS pero pinabayaan dahil ang gusto ng ABS mga may hitsura. Kaya ganun din nangyari kay Charice before at kung di pa sumikat sa abroad via youtube di yan marenew as kapamilya.
Where is Jerome Salas wala na nasa Bohol kasi di kagwapuhan.
To Buboy..... certified mo ko sa husay mo.
For all we know, yang mga mapanglait na yan e mga mukang paa sa personal! LOL! Usually kung sino pa ang nget-pa sila pa ang mapamintas eh! Ironic!
Nakakaalis ng pagod at stress si Buboy! SIya talaga ang karapatdapat maging sidekick ni Marian kasi grabe ang tandem nila! nakakaaliw!
Magaling Kumanta
Magaling sa Acting!
Proud to be Cebuano kasi Bisaya si Buboy eh!