"Ang pagkakaiba po kasi, sa Panday, marami pong mga abubot...mga parang panlaban. May mga bato, may tirador, tapos maraming tali... Lalo na po yun, maraming tali. Yung bato po para sa tirador, tapos mga tali nga po."
Sa Darna, wala siyang dala kaya mabilis daw siyang makapagbihis. Aniya, "Sa Panday po, medyo matagal magbihis, kasi po maraming mga tali 'tsaka maraming inilalagay."
Ano ang mas gusto niya, ang maging sidekick ni Darna o sidekick ng Panday?
"Ay, parehas po, parehas ko pong gusto," sagot niya.
Nang tanungin ng PEP si Buboy kung halimbawang sabay siyang kailanganin ni Darna at ng Panday at kung sino ang pupuntahan niya, bibung-bibong sinabi niya, "Kunwari ang call time ko po sa Panday ay 8 a.m., kunwari lang naman, tapos ang call time ko naman sa Darna, mga 10 a.m., pupunta po ako nang mabilis sa Panday. Tapos sasabihin ko muna sa kanila, magte-taping muna ako ng Darna, tapos babalik ulit ng Panday, tapos babalik ulit ako sa Darna."
Halimbawang sabay na sabay siyang tawagan?
"Sasabihin ko na lang po sa manager ko na ipa-adjust na lang [ang call time]!" sagot niya.
COMMERCIAL WITH SANTINO. Gumawa si Buboy ng commercial ng isang brand ng chocolate milk drink kasama ang kapwa niya child star na si Zaijan Jaranilla, ang gumaganap na Santino sa May Bukas Pa ng ABS-CBN.
Ano ang masasabi ni Buboy tungkol kay Zaijan?
"Mabait po siya, okay po siyang kasama."
Pinag-usapan ba nila ang tungkol sa mga shows nila?
"Ay, hindi naman po, hindi po."
Bilang child stars, ano ang meron siya na wala si Zaijan, at ano ang meron si Zaijan na wala si Buboy?
"Hindi ko po alam, bahala na lang po ang mga taong magsabi kung ano," maingat niyang sabi.
Magkaibigan daw sila ni Zaijan, although hindi raw sila nagkaka-text-an.






sana ihasa pa din niya boses niya tutal dun naman talaga siya nakilala as singer..
good luck buboy!
buti na lang dinala siya ni direk maryo delos reyes sa GMA and the rest is history. now umaani ng tagumpay si buboy aka ding. talented ang batang ito, dapat dito batang bibo ang tawag eh.
KAhit maging aswang ka katulad ng nanay mo, idol pa rin kita!
manilaphils
Dec
yes galing sya ng ABS pero pinabayaan dahil ang gusto ng ABS mga may hitsura. Kaya ganun din nangyari kay Charice before at kung di pa sumikat sa abroad via youtube di yan marenew as kapamilya.
Where is Jerome Salas wala na nasa Bohol kasi di kagwapuhan.
To Buboy..... certified mo ko sa husay mo.
====================
isama mo si rap salazar ba yun? kaya kinuha dahil sumikat sa US.
Husayan mo pa Buboy, yaan mo sila maglaway sa yo. LOL!
so ano ngayon? nabigyan ba sya ng importansya? WALA
nabigyan ba sya ng show? WALA
sumikat ba sya don? HINDI!!!!
ano hinahabol nyo? haha
BUBOY: BEST CHILDSTAR OF THE NEW GENERATION
sikat na sikat na!!! kung baga sa age nya, ka level nya si marian rivera!!! kaya ayon!! marami ang naninira na KAPAMS!!! haist... hindi kasi matanggap ang katotohanan!!! haha
GMA rocks!!! PASLOVE MGA KAPUSO!! ganyan magmahal ang mga kapuso!!!
galing nyang kumant at sumayaw..
the best ka ding..
Godbless..
good luck Buboy!!!!!!!!!!
Seguro riot sa katatawanan.
besides they can do drama and comedy at the same time.
Panalo hehehe