Ilang oras lang daw matapos dumating si Krista Ranillo mula sa Los Angeles, nag-resume na ito ng shooting for Wapakman, ang Metro Manila filmfest movie nila ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao.
Nakausap ng Startalk si Manny sa opening ng kanyang Team Pacquiao store sa isang mall at hindi naman niya itinanggi ang pagkikita nilang muli ng babaeng ilang linggo nang pinag-uusapan at nauugnay sa kanya.
Ayon kay Manny, "Noong Linggo... tama, noong Linggo. Pero hindi kami nag-usap. Iba ang eksena niya. Iba ang eksena ko. Nauna yung eksena ko."
Hindi sila nagkita?
"Nagkita naman, pero sandali lang. Iba ang eksena niya, iba ang eksena ko."
Napag-usapan ba nila yung mga isyu sa kanila?
"Wala... tawa na lang kami. Tawa na lang siya, tawa na lang din ako."
Anong sinabi ni Krista tungkol doon sa mga intriga?
"Sabi niya... sana panoorin nila yung ano—grabe yung tsismis...!" natatawang sabi na lang ni Manny.
SHOW OF SOLIDARITY. Pero sa opening ng Team Pacquiao store last Tuesday, December 8, sabay na dumating sina Manny at ang misis niyang si Jinkee Pacquiao. Kaya feeling ng mga naroroon, palatandaan na raw siguro yun na naayos na ang anumang gusot sa pagitan ng mag-asawa.
In fact, binigyan nga raw ni Manny ng singsing ang asawa.
"Marami naman akong singsing na naibibigay. Tuwing Christmas talaga, tuwing December."
Si Jinkee ba, may ibinibigay rin sa kanya?
"Ako naman, hindi naman ako nag-e-expect ng mga bigay-bigay. Okey lang sa akin yung unawain ako, alagaan ako at siyempre, mahalin ako bilang asawa. At sa akin kasi, hindi mahalaga sa akin ang materyal. Hindi ako materialistic na tao.
"Ang gusto ko yung nanggagaling sa puso, yung nararamdaman."






Remember, iba na ang technology ngayon, kaya ang mga mahilig manira, medyo ingat lang kasi hindi naman mahirap lang ang sinisiraan ninyo na hindi puede mag-hire ng experts to trace you.
pero pwede ba pacman, ayusin mo buhay mo! hindi lahat eh natatapatan ng pera, alahas, signature stuff and expensive luxury cars! loyalty and honesty and all positive traits are priceless! remember that! hmph!
Paghandaan nyo na lang yung laban mo ke mayweather saka yung pagkandidato mo.