Annabelle Rama and son Richard Gutierrez consider DOJ decision on case vs. PEP as early Christmas gift

Erwin Santiago & Elyas Isabelo Salanga
Monday, December 14, 2009 @ 12:58AM  |  41647 views

"Si Jo-Ann Maglipon kasi at saka si Wilma Galvante [SVP for Entertainment TV ng GMA-7] magkabarkada, mag-best friend. Silang dalawa ang may kagagawan pabagsakin si Richard. Kakampi naman ni Richard ang Sto. Niño ko sa Cebu. Kakadasal ko araw-araw, sabi ko na 'wag hayaan si Richard, huwag sana pagbigyan iyong mga tao sa likod na gusto [siyang] pabagsakin, huwag maging successful. Itong regalo ay binigay sa akin ng Diyos ngayon," says Annabelle Rama about the DOJ's decision to reverse its earlier dismissal of the libel case filed by her son, Richard Gutierrez, against PEP.

Photo By: Noel Orsal













ANNABELLE'S "CONSPIRACY THEORY." Ayon kay Pia, marami na raw ang "naka-offend" kay Annabelle at nagkaayos naman sila ng mga ito eventually. Pero bakit raw sa kaso nilang ito sa PEP ay hindi sila nagkaayos?

Sagot ni Annabelle, "Si Jo-Ann Maglipon kasi at saka si Wilma Galvante [SVP for Entertainment TV ng GMA-7] magkabarkada, mag-best friend. Silang dalawa ang may kagagawan pabagsakin si Richard. Kakampi naman ni Richard ang Sto. Niño ko sa Cebu. Kakadasal ko araw-araw, sabi ko na 'wag hayaan si Richard, huwag sana pagbigyan iyong mga tao sa likod na gusto [siyang] pabagsakin, huwag maging successful. Itong regalo ay binigay sa akin ng Diyos ngayon.

"Kaya alam mo, Jo-Ann, nanonood ka sa akin ngayon, magkaibigan tayo. Ako bilib sa iyo, 'day. Mabait ka, maka-Diyos ka. Hindi ko alam bakit nagbago ugali mo bigla. Naging devil ka na rin tulad ni Wilma Galvante, 'day. Kaya sabi ko na, Paskong-Pasko, Jo-Ann, dapat pagsisihan mo lahat ang mga ginagawa mo sa anak ko na hindi totoo. Pati buong pamilya ko, sinisiraan mo sa PEP. Wala kaming kalaban-laban sa inyo, e. Wala kaming kalaban-laban. Hawak mo yung Internet na 'yan!"

Singit ni Pia, "A, Tita, kay Jo-Ann Maglipon lang tayo at sa PEP muna, ha?

Buwelta naman ni Annabelle kay Pia: "Takot ka ba kay Wilma Galvante?"

Sagot ni Pia: "Hindi naman, Tita Annabelle. Nasa GMA naman po tayo."

"Kaya nga sinasabi ko lang ang totoo," sabi naman ni Annabelle.

"PEACEFUL AKONG TAO." Pagkatapos nito ay binanggit ni Pia kay Annabelle ang sinabi ng kakambal ni Richard na si Raymond Gutierrez sa umpisa ng Showbiz Central. Ang wish daw ni Raymond ngayong Pasko ay maging "peaceful" na ang magkabilang kampo, pero kailangang mag-apologize ang PEP.

Tanong ni Pia kay Annabelle: "Maybe you should reiterate kung paano masu-solve ito at magiging peaceful ang lahat ng kampo sa issue na ito."

"Ako, Pia, peaceful akong tao, Pia, e," sagot ni Annabelle. "Ako, hindi ako nag-umpisa ng laban, e, hindi. Never pa sa buong buhay ko na nag-umpisa ako ng away... Ako talaga, wala akong ginawang umpisang kaaway. Sila nag-umpisa sa akin. Ako naman, sumasagot lang naman sa mga binabato nila sa akin.

"Hindi kami magkaaway ni Wilma Galvante, siya nag-umpisa sa akin. Dinemanda niya ako, ako'y sumasagot lang naman, Pia, e. Hindi kami magkaaway ni Jo-Ann Maglipon, siniraan niya anak ko. Talagang sira na below the belt, na talagang anak ko hindi na makaka-accept sa ganoong klaseng paninira kaya siya nag-file ng demanda."

Paano kung mag-public apology ang PEP o si Jo-Ann Maglipon, payag ba silang iurong ang P25-million libel case na isinampa ni Richard?

"Hindi ako makapagdesisyon niyan. Dapat buong pamilya ang tatanungin tungkol diyan dahil damage has been done. Sobrang paninira na below the belt na ang ginagawa nila at wala silang katigil-tigil. Kaya pag-uusapan ng buong pamilya 'yan. At saka si Richard ang magdedesisyon, hindi ako," aniya.

Tinanong ni Pia si Annabelle kung wala bang effort mula sa kampo ng PEP na makipagbati?

"Wala naman din. Kaya as of now, tuloy ang laban," sagot niya.

« Prev  1  2  3  Next »

Related Articles

295 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name