Malungkot ang Pasko ni Sharon Cuneta dahil sa pagpanaw ng kanyang Yaya Luring, ang nag-alaga sa kanya magmula noong siya ay limang taong gulang pa lamang.
"My beloved Yaya Luring left me last night after 40 years," ang pasabi ng Megastar sa kanyang text message.
Binawian ng buhay si Loreta Benitez habang nagdaraos ang pamilya ni Senator Kiko Pangilinan ng Christmas party para sa mga kasambahay sa tahanan nila sa Ayala Westgrove Heights sa Laguna. Ayon sa balitang natanggap ng PEP (Philippine Entertainment Portal), nagkaroon daw ito ng cardiac arrest. Siya ay 83 taong gulang, at may dalawang anak, sina Delia at Eddie.
MEGAYAYA. Maituturing si Yaya Luring bilang pinakasikat na yaya sa buong bansa. Saan man naroon ang kanyang alaga, tiyak na nandoon din siya. Sa isang panayam sa diyaryo, sinabi nitong nasa tabi siya ni Sharon "sa hirap at ginhawa."
Isang Pangasinense na galing sa bayan ng Mangatarem, una munang nagtrabaho si Yaya Luring sa pamilya Cuneta bilang labandera. Ang ama ni Sharon na si Pablo Cuneta ang nagtalaga sa kanya bilang tagapag-alaga ng kanyang bunso. At magmula noon ay hindi na siya nawalay sa pinakapopular na anak ng dating mayor ng Pasay. Nakasama pa nga si Yaya sa Fuji Film commercial ni Sharon noong taong 2002.
Subalit nitong mga huling biyahe ng Megastar sa labas ng bansa ay hindi na nakakasama si Yaya Luring. Sa katunayan, noong lumipad si Shawie sa Beijing, China, kung saan kinuhanan siya ng ilang eksena para sa pelikulang Mano po 6: My Mother's Love, wala ang kanyang masayahing yaya.
Mamayang gabi, ika-20 ng Disyembre, nakatakdang ganapin ang premiere ng kanyang unang pelikula sa Regal Films sa SM Megamall, pero baka hindi na makadalo ang Megastar dahil sa pagpanaw ni Yaya Luring.
Sa Sanctuario de San Antonio sa McKinley Road, Forbes Park, Makati, nakaburol ang mga labi ni Yaya Luring. At sa Heritage Park naman sa Taguig siya ililibing sa ika-23 ng Disyembre.






rafgab
Very well said. Nagtitimpi lang ako kanina dito[haha] ayoko kasing palalain yung iringan dito na hindi naman DAPAT kasi nga sensitive itong article na ito. May mga tao lang talaga na walang social decency. Nakakakilabot lang!
Condolence po ulit.
Note that Yaya died when they were having a household Christmas party! Sharon take time out from her busy schedule to give importance to the people significant to her. How many celebrities do you know who regularly does that?! kung pwede ko lang bigyan ng mag-asawang sam_pal kayo naku!
Simpler....i did not mention network wars and i did not mention any name like MR sa comment no. 60...intyende?...pag di mo pa naintindihan..ikaw na ang tataguriang PAKIALAMERA NG PEP HAHAHAHA...
Ikaw sana ang pag palain ng Diyos. Bago ka mag post paki intindi ng maayos ang sasabihin ok? Paki check nga ng comment ko sa 60, may inilagay ako dun na opinyon ko lang at may peace pa...which was not intended to discredit the dead...in fact sabi ko RIP kay Yaya Luring...
Maliwanag yan ha...paki t intindi hindi lang banat ng banat....ISA KANG DAKILANG PAKIALAMERA!!!! HAHAHAHAH
Hoy yung comment ko sa no. 60 ay opinion ko as stated...kung makapag salita ka...mukhang ikaw ang walang pinag aralan...opinyon ko sa view ni alegrlhiza when it comes to sharon cuneta...hindi ka lang walang pinag aralan ...pakialamera ka pa ...hahahahah!!!!
Magbasa ka ng maayos ha...at ganya talaga ang mga tambay heheheh
God Bless to both of you!
This isnt about the rivalry of kapamilya artists and ur idols,...,grabe, mga wala yatang pinag aralan tong mga to!
and, Is there any connection between Marian Rivera and Aling Loring? GOD man! wag naman dito! siguro sa ibang article nalang kayo mag post!
To MEGA and ALING Lorings Family, CONDOLENCE po...RIP Aling loring!
Plastic naman talga yang si Sharon..
RIP YAYA Luring
alegreelizah
may konti ka lang nalalaman sa current events na hindi naman gaanong ka importante and yet nakuha mo pang magmayabang sa konting nalalaman mo.