Seven pairs of sponsors lang daw meron sila. Purple ang motif ng wedding dahil ito raw ang favorite color niya. Ayon pa kay Ciara, they just really want an intimate and simple wedding.
Kumusta naman ang mommy niya sa pagpapakasal ng bunso sa pamilya at nag-iisang single na lang sa magkakapatid?
"Si Mama, emosyunal siyempre. Pero ngayon, parang tanggap na niya. Napa-process na niya nang unti-unti sa kanyang sarili. Pero naiintindihan ko siya kasi bunso ako, e.
"Pero ganun pa rin naman kahit may asawa na ako. Hindi na nga lang ako nakatira sa amin. Siyempre kailangan matuto na akong gumising nang maaga. Kung kailangan niya ng breakfast... Siyempre I'll try to be the best wife.
"Pero he knows naman na even before I met him, I'm already married to my career. He's very supportive and he doesn't really stop me naman from doing what I really love to do, which is doing movies, singing, dancing. So, wala naman akong nagiging problema sa kanya."
Nakaplano na rin daw kung saan sila mag-i-stay after the wedding.
"May binili na siyang condo sa may Ortigas bago pa lang kami. Parang na-off nga ako noon na, 'Ano ba naman 'to, bumibili na ng condo, bago pa lang kami.'"
Sa London daw ang dream niyang mag-honeymoon. Pero sa palagay raw niya ay made-delay muna ito.
"Wala pa talaga," sabi ni Ciara. "Actually, ang wedding, we're planning nga na baka puwede naming i-move after ng election. Kasi yung brother ko [Gian], tatakbo siya sa Quezon City. Tapos, ang daddy ko [Tito Sotto, who will run as senator]... Pero I decided na, sige, kahit hindi na muna mag-honeymoon. Puwede namang after na lang yun."
Ilang babies ang plano nila?
"Ako, gusto ko dalawang anak lang. At saka gusto ko lang, simpleng buhay. Yun lang," sabi ni Ciara.
Since ilang araw na lang at Pasko na, ano naman ang plano niya on her last Christmas as a single woman?
"Oo nga, e. Pero ganun pa rin, traditional pa rin. Kasama pa rin namin ang mother side family sa 24. Then sa 25th, puro Sotto side naman. At saka siya [Joe] naman, ever since na naging kami, sa amin talaga siya nagki-Christmas," nakangiting sabi ng future Mrs. Ciara Oconer.






parang mga tambay sa kalye lang...
huwaw...goodluck sa inyo..ang gaganda nyo nman kung mkapintas kau OO!
nabasa ko din yun
tingin ko kaya di ito sumikat mayabang na pa sweet lang di tulad ng iba na humble talaga
plastikada tong ciara na to
Grabe, I believe your post. Sana naman huwag matulad si Ciara sa mga ate niya. Bakit kaya hindi nagmana kay Helen Gamboa ang mga anak niya, sa itsura at sa ugali?
yung eldest si apples hiwalay sa asawa. mabantot na ala ghettong egoy ang bf
yung isa, lalaking addict na taga bacolod ang ibinahay at dinadamitan
matino pala ganun asus
magpakatino ka sana.
Parang ang bait nya sa interview na to but look how she laughs at a woman na nasama sa picture nya with mega in her twitter. Nkaupo lang yung ale sa sulok, and her caption was something like
'my beautiful blessing'
referring to mega, and adds
'pero hindi yung nasa likod ha'
poor woman.
grabe talaga ang pgka-walang interes nyo sa article na toh.