Asia's Songbird Regine Velasquez has agreed to play a villain for the first time in her acting career. She plays Elektra, a planet woman, in Darna.

Photo: Noel Orsal

Ngayong araw, December 22, ang flight nina Regine Velasquez at Ogie Alcasid papuntang Australia for their Christmas vacation. Nabanggit ito ng Asia's Songbird nang bisitahin ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press ang set ng Darna sa Grotto Vista Resort, San Jose del Monte, Bulacan kahapon, December 21.

Second to the last taping day na ito ni Regine para sa Darna, kung saan special guest siya as Elektra, isang alien na nagpunta sa planetang Earth para sa isang misyon.

Hindi ba siya nagdalawang-isip na tanggapin ang kontrabida role bilang Elektra? May nasulat kasi na parang ginawa siyang starlet ng GMA-7 nang ibigay sa kanya ang naturang role, samantalang nagbibida na siya sa mga soap at ngayon ay ginawa lamang daw siyang support ni Marian Rivera.

"Hindi naman!" natatawang sabi ni Regine. "Exciting nga ang character ko dito, 'saka guest lang naman ako dito. Ever since naman, gusto ko talagang makaganap ng superhero roles. Di ba noon nag-guest din ako as Darna sa Captain Barbell nina Ogie at Bong [Revilla]? 

"Nang mabasa ko nga ang script, na-excite ako sa character ko na spin-off ng character ni Elektra sa original. Pero this time, may comedy ako. Mas madali nga sa akin ang medyo naggagalit-galitan kesa lagi akong umiiyak sa eksena. Pero hindi ko muna ikukuwento kasi sa January 2010 pa papasok ang character ko. May isa pa akong taping day sa January 4."

Wala rin daw problema sa kanya ang costume niya na idinisenyo ni Rodel Cruz kahit medyo mabigat at mainit ito. Ang tindi pa naman ng init ng araw habang nag-aaway sila ni Marian sa ere nang naka-harness sa isang eksena.

DIVA. Kailan niya sisimulan ang pagbibidahan niyang primetime series sa GMA-7  na Diva? Balik-tambalan nila ito ni Mark Anthony Fernandez, na una niyang nakatambal sa Ako Si Kim Samsoon. Makakasama rin nila rito si Glaiza de Castro.

"Tatapusin ko muna ang movie namin ni Aga [Muhlach] sa Viva Films, ang Of All the Things na Valentine presentation namin. Wala ngayon si Aga, nasa States siya with his family. Doon sila magse-celebrate ng Christmas. Pagbalik nila, shooting agad kami. Two weeks na lang naman, tapos na kami," banggit ni Regine.

CHRISTMAS IN AUSTRALIA. Gaya ng nabanggit namin, sa Australia magpa-Pasko sina Regine at Ogie.

"We're leaving for Australia ni Ogie tomorrow [December 22]," sabi ni Regine. "Halos every year, since naging kami ni Ogie, doon kami nagki-Christmas. Ako rin ang may gusto na umuwi si Ogie doon tuwing Christmas dahil lumalaki na ang mga bata [Leila and Sarah, mga anak ni Ogie]. Kailangan lagi niyang nakikita ang mga bata."

Hindi ba naiilang ang mga bata na nandoon sila ni Ogie, tapos may asawa na rin ang mommy nilang si Michelle Van Eimeren, na ikinasal na kay Mark Murrow noong November 21?

"Hindi naman," sagot ng Asia's Songbird. "Okey naman sa mga bata. In-explain lang nila [Ogie and Michelle] ang set-up at naintindihan naman nila. 'Saka ako naman, hinahayaan ko sila to be with their father.

"Gusto ko lang pumunta doon para matulog!" natatawang sabi niya. "Tamang-tama ang bakasyon namin. One week na akong paos. Tulad noong Sunday [Dec. 20] sa SOP, pero sige pa rin ako ng daldal at kumanta pa sa show. Nagkasunud-sunod kasi talaga ang trabaho. Biyahe pa ako nang biyahe dahil every weekend, may provincial concert ako, kaya nagkaganito ang boses ko, dahil sa pagod. 

"Kaya itong bakasyon namin, wala akong gagawin doon kundi matulog.  Tinawagan ko na si Michelle na sabihin kay Ogie not to bother me. Sabi ni Ogie, isinumbong ko na naman daw siya kay Michelle! Tuwing pupunta kami doon, sinasabi ko 'yon kay Michelle. Kaya minsan, naririnig ko nag-aaway sila. Sasabihin ni Michelle kay Ogie, 'I told you not to bother her, she wants to rest.'

"But we will be back here on December 27. Para sa New Year, ang family naman namin ang kasama namin. Pinag-usapan na namin 'yon ng family ko na before and after New Year, kami naman ang magkakasama."