Kahit ba noong Pasko ay hindi siya binati ni Ejay ng Merry Christmas?
"Wala, hindi naman niya ako binabati, e."
Pero napatawad na ba niya si Ejay?
"Sino ba naman ako para hindi magpatawad? Kahit nga ang Diyos pinapatawad tayo sa mga kasalanan natin. So, kung nakikita ko naman pong sincere, bakit naman hindi? Masama pong magtanim ng galit," sagot ni Erich.
TANGING YAMAN. Hindi naman maikakailang marami ang tumatangkilik sa Katorse na pinagbibidahan nga ni Erich bilang si Nene. Patunay na lang nito ang magandang ratings na nakukuha ng show sa National at Mega Manila. At ngayon nga, sasabak na naman si Erich sa panibagong project na muling hahamon sa kanyang galing sa pag-arte, ang Tanging Yaman.
"Ako po dito si Fina, isang simpleng tao lang. Yun nga po, wala sa kanya yung mga yaman-yaman. Basta magkasama yung buong pamilya. Tapos, siga na medyo palaban na medyo kikay," paglalarawan ni Erich sa kanyang role.
Ano ang kaibahan ng roles niya sa Katorse na si Nene at si Fina sa Tanging Yaman?
"Very different, kasi si Fina dito parang brusko at palaban siya, parang one of the boys. And si Nene naman, napaka-naive niya in the sense talaga. So, yun po. Pero si Nene po at si Fina, pareho pong nakaka-relate ako."
Ano ang pakiramdam na muli siyang pinagkatiwalaan na magbida sa isang teleserye at magkasunod pa?
"Siyempre po, happy dahil ito pong Tanging Yaman, talaga pong pinaghirapan namin. Talaga pong pinag-isipan po para makapagbigay po ng bago sa mga manonood. Yung Tanging Yaman po, kakaiba talaga yung story niya, very interesting po. So, sana talaga panoorin ng mga manonood.
"Lahat po ng nangyayari sa akin, sobrang nagpapasalamat ako kay God. If not for Him naman, wala ang lahat ng ito. In His time talaga nangyari lahat ng ito kung kailan ready na rin ako. Yun po, yung Katorse, yung Tanging Yaman, lahat nangyayari sa buhay ko ngayon. Sobrang blessed lang talaga ako. And very thankful ako sa lahat ng taong tumulong sa akin para maabot ko kung nasaan man ako ngayon," pahayag ng young actress.
Nag-workshop ba ulit siya in preparation sa Tanging Yaman?
"Wala na po kasi akong time mag-workshop kasi po nagte-taping pa rin po ako ng Katorse. So, every day po talaga may trabaho. M-W-F po yung Katorse, T-Th naman po yung Tanging Yaman, tapos Sunday may iba pa pong schedule. So, work-work. Pero okay naman, happy naman ako."
ENCHONG DEE . Kumusta ang celebration niya ng Christmas?
"Yung Christmas ko po, hindi po ako nakauwi ng Davao. Pumunta na lang po dito sa Manila yung mama at kuya ko. Tapos ayun, dito na lang kami nag-Christmas. Kasi may work din po ako.






let me ask you nega ppol...what if kong kabaliktaran yong sinabi niya sa mga interviews niya sa mga naglabasang issue na may tampuhan sila ni ejay. di niyo na kaya siya ijudge as bad. baka nga sasabihin niyo pang plastik siya.
mas papaniwalaan ko pa yong hindi nagprepretend kesa yong taong hanggang sagot lang ng quot;walang nangyari ganonquot; at sabay tahimmik na lang. kasi mas may tinatagong lihim yon.
Sana ito na ang last show mo.binigyan ka ng chance para lumaki ang pangalan mo!kasabay naman ng paglaki ng name mo eh ang paglaki rin ng ulo mo!
i was so disappointed!
Noong Katorse nga hirap na hirap kang magpromote pero tinangkilik pa rin ng tao ang show mo!!!
Kung gimik lang to!hindi magandang gimik!Bastos ka na Lumabas ka pang malandi!d kayo bagay masyadong may breeding si Enchong para sau!
Gusto ko pa naman sana manuod dahil sa ugali i'll think pagtiyagaan ko na ang Darna!!or don't watch at all!
well i hope lang pagdating ng tamang panahon sana mapag usapan nila Erich and Ejay kong ano man misunderstanding meron sila. kasi mas maganda yon magkaayos kasi magkasama pa naman sila sa TY.
Erich I am so proud of you. 1 week na lang matatapos na ang katorse. jo-ne for the win. and mag uumpisa na ang Tanging Yaman. wow back to back...you are so blessed talaga. and u deserved it naman . I hope more ble