Nagdaos ng post-Christmas party sa kanyang opisina sa San Juan si Senator Jinggoy Estrada para sa ilang piling entertainment press noong December 30 ng gabi. Surpresang dumating ang ama nito, ang dating Pangulo na si Joseph Estrada, na nagpaunlak naman ng maikling interview bago ito nagbigay ng pagbati sa press na naroon.
Tungkol sa bansa at sa industriya ang mga plano at wishes niya for the new year.
"Ipagpapatuloy ko ang aking sinabi sa ating mga kababayan na noong ako'y nakakulong, hindi nila ako iniwan. Nakakulong ako, inihalal ninyo ang aking maybahay, si Dra. Loi Ejercito, tapos si Jinggoy, kasama ko sa kaso, inihalal din nila bilang senator...
"Kung kaya't hindi ko rin sila iiwan ngayon. Itutuloy ko ang laban para makaganti naman ako ng utang na loob sa kanila."
MOWELFUND. Nalulungkot daw siya sa nakikita sa industriya ngayon.
"Dahil sa mga nangyayari, tumataas ang cost of production. Nagpa-piracy. Lahat ng ito nagkakasama-sama. At siyempre, pati yung sa ating Metro Manila Film Festival, yung pondo na dapat ay sa Mowelfund [Movie Workers Welfare Foundation], e, kung saan-saan pa hinahati kaya nakakaaawa yung mga movie workers natin at mga projects ng Mowelfund na tulungan ang ating movie workers.
"Kaya sana, sa susunod na administrasyon, baka sakaling mabigyan ng malaking tulong sa ating industriya. The local movie industry is a dying industry right now...
"Mabuti na lamang na itong Metro Manila Film Festival e malakas."
Naalala ng dating pangulo na noong inumpisahan raw nila ang MMFF noon, tila wala masyadong naniwala sa kanila.
"Kasama ko riyan ang yumaong Rey Valencia nang pinapirmahan namin kay President Ferdinand Marcos. At pinagtatawanan pa tayo noong araw... yung mga distributor of foreign pictures, nakaaway ko pa dahil gusto nilang kunin yung playdate na Christmas season...
"Ako'y galing sa pelikula at kung hindi dahil sa pelikula, hindi makikilala si Erap. Kaya ang industriya ay hindi ko makakalimutan."
CANDIDACY. Napag-usapan din ang pagkandidato niya para presidente.
Ayon sa kanya, "Well, ang taong-bayan marahil ay nalalaman na ang nangyayari sa ating bansa. Nakikita ko na yung masang Filipino, e, marunong na. Alam nila kung sino ang dapat mahalal bilang pangulo. At ako naman ay narito, binigay na halos sa akin ng Panginoong Diyos at taong-bayan.
"Ginawa na akong sikat na artista, naging mayor, naging senador, naging vice president, naging presidente. At pati hindi ko hinihingi, binigay rin sa akin. Ginawa akong preso," natatawa niyang biro.
"Pero ganunpaman, yun ay isang pagsubok lamang."






nung bata ako narinig kong pag-uusap ng mga tita ko, yung pinsan ng lola ko daw nanghihngi ng tulong sa kanila at namatay yung anak nya sa Saudi,nagwork siya as driver ata dun then naaksidente. halos lahat ng pulitko nilapitan nila pero wala namang ginawa BUKOD tanging si Erap lamang ang tumulong sa mga tita ko. Im not sure kung senator or vice president na siya that time.
Yan ang Pananaw at ALAM ANG KANYANG SINASABI..mabuhay ka!
Utang na loob naman kasi,,,naging PRESIDENTE ka na ng bansa, gusto mo pa maging CONGRESSMAN at GANUN, isang babae kapa...wala po sa yan sa kasabihan na isasagot ng mga napaikot kay GMA, na gusto ni GMA na ipag'patuloy ang serbisyo ya, uulitin ko po, NAGING PANGULO NA NGA NG BANSA, ano PA ang ipag'papatuloy???
Tignan nyo na lang sa eleksyon.. baka mamaya magulat kau yan pa manalo... ahehehehe!! ung mga mahirap kasi walang pangcomputer saka di alam tong PEP kaya hindi makapagcomment.. eh un ang mga fans nya! Oopss... Comment lang! :
Kaya yan, isang tanong at biyahen 2010 ng GMA7, kaek'ekan wala naman naitumbok. Dapat ang tanong, BAKIT, KAKANDIDATO KAPA, DATI NA KAYO SA PULITIKA AT WALA NAMAN NAGAWA SA NAKAWAN AT DAYAAN PAG-ELECTION?
Dalawang trabaho lang sa Pinas ang maka pagyaman sa tao ---- magiging Politiko and magiging Artista.
Nanood ko yung 'Harapan ng Presidential Candidates'. Di na talaga dapat iboto yan. Marami kasi sa mga katangian ng presidente na wala sa kanya. Saka parang mahina na talaga ang pickup nya at di sya witty. Aside from that magko-corrupt na naman yan. So please mga kababayan, wag nyo ng iboto yan. Kawawa lang ang mga Pilipino.
how can one take him seriously when yung biro ni tita cory, binaliktad at ginawang serious. tapos yung apology ng nag-iisang bishop, isinali ang buong simbahang katoliko. ang lalayo ng difference in meanings, twisted beyond recognition.