Katrina Halili returns to the Calayan fold as Surgicentre endorser

Rommel Gonzales
Sunday, January 03, 2010 @ 08:49AM  |  89 views

 

It's not surprising that Dr. Manny Calayan got the controversial Katrina Halili to endorse his beauty business, said his niece and general manager Lalen Calayan: "Ano kasi kami, non-conformist. Yung ibang mga tao, ang kinukuha nila yung mga sikat, yung walang nega. Hindi naman komo may nega you're gonna close the doors na sa kanya. 'Tsaka ewan ko, parang naging trademark na ng uncle ko na mas happy siya yung nagre-rescue sa mga may pinagdaanan na problema."

 

Photo By: Noel Orsal













Bagong taon, bagong buhay... bagong endorser.

Iyan ang nangyari kina Katrina Halili at Dr. Manny Calayan.

Nakausap namin ang pamangkin ni Dr. Manny, si Lalen Calayan na general manager ng marketing arm ng Calayan Surgicentre, at siya ang nagkuwento sa amin tungkol sa newest celebrity endorser ng Calayan Surgicentre na si Katrina nga.

Ayon kay Lalen, anak ng nakatatandang kapatid ni Dr. Manny, last year pa nila dapat ginawang pormal ang pagiging endorser ni Katrina.

Hindi nga lang ito natuloy dahil pumutok ang sex video scandal nina Katrina at Hayden Kho Jr.

"Nung may nagsabi sa amin na si Katrina parang wants to go back [to us], kami siyempre gusto namin, kasi sa amin naman talaga siya galing. Kaso ayaw namin na parang isipin ng iba na nakiki-ride on kami sa controversy...

"So, ngayon since tahimik na, lumipas na, since wala na, ayos na... ang ibig kong sabihin, may mga governing bodies na umaayos, like NBI [National Bureau of Investigation], PRC [Professional Regulation Commission], meron nang mga ganun. Hindi na talaga sila yung bangayan sa media."

LIKE FAMILY. Isa si Sunshine Dizon sa naging instrumento sa pagiging official Calayan baby ni Katrina.

"Best friend niya 'yan sa showbiz. Sinabi niya sa amin na si Kat babalik. Sabi namin, sige, go. Kaya ayun, ayos na."

Ang kontrata ni Katrina ay originally isang taon, pero ginawa itong three years, na "puwedeng putulin, puwedeng i-extend... hindi kami strict sa contract..."

Kay Sunshine ay wala silang pirmadong contract.

"Yeah, hindi nga kami strict sa ganun... Kami, we treat our endorsers as pamilya. Hindi parang negosyo lang na parang babayaran mo tapos gumagamit sila ng services, hindi ganun," pahayag ni Lalen.

Skin care ang ie-endorso ni Katrina.

"Kasama rin dapat ang slimming, e, Diyos ko naman, ang payat na ni Katrina, ano pa ang ipapa-slim sa kanya?"

BOOSTING SELF-ESTEEM. Ano ang nakikita ng mga Calayan na advantage kay Katrina bilang isang endorser?

1  2  3  Next »

Related Articles

76 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name