Angel Locsin being courted by CNN Hero of the Year Efren Peñaflorida

Glen P. Sibonga
Monday, January 04, 2010 @ 09:23AM  |  110125 views

 

"Parang sinabi ko sa kanya na medyo natatakot akong sabihin sa kanya kasi siyempre siya yung nakikitang hope ng bansa natin, e. Para sa akin kasi, ang mas kailangan natin ngayon sa Pilipinas yung hope. At ayoko yung... dahil magulo nga ang buhay ko dahil nasa showbiz ako, ayokong yung hope na maibibigay niya sa mga tao, maapektuhan ng dahil sa akin. Sinabi ko sa kanya kung ready na ba siya na... Kung ready na ba siya na harapin yung mga yun. Ako kasi sinabi ko na, well, ako kasi gusto ko friendship muna," says Angel Locsin about CNN Hero of the Year Efren Peñaflorida.

Photo By: Noel Orsal













Sa live guesting ni Angel Locsin sa New Year presentation ng The Buzz kahapon, January 3, isa-isang napag-usapan ang tungkol sa mga lalaking nagkaroon ng kaugnayan sa kanya, gayundin ang mga bagong hinaharap nito sa 2010.

Una na nga rito ang ex-boyfriend ni Angel na si Luis Manzano na ibinuko ng nag-i-interview na host na si Boy Abunda ang ginawang pagdalaw kay Angel sa dressing room bago ito sumalang sa The Buzz.

Kaagad ngang kinumusta ni Boy kay Angel ang relasyon nila ni Luis ngayon.

"Ayun nga, e.... tungkol dun," tila hindi makasagot si Angel.

Nasorpresa ba siya sa ginawa ni Luis?

"Medyo naisip ko na. Pero ayoko naman kasing mag-expect. Ang tagal naming hindi nakapag-usap. Tapos kagabi, tumawag siya. 'Medyo ang sama ko doon sa interview. Magpapaliwanag lang ako.' Kasi parang ang tagal naming hindi nagkita tapos nagkita kami. Sobrang awkward lang ng kilos ko. Parang hindi ko alam kung papaano kikilos. So, yun," lahad ni Angel.

Gaano katagal ba silang hindi nagkita?

"Hindi naman buwan o ano. Kaya lang... Well, kasi 2010 na, parang gusto ko fresh start, bago na. Di ba, alam mo yun na kung magmu-move on, magmu-move on, ganyan."

Ang pagkikita nila ni Luis ay senyales na muli silang nagkakaayos at nagiging magkaibigan. Ano ang feeling niya tungkol dito?

"Hindi ako makasagot," sambit ni Agel. "Sa akin kasi, mas importante yung friendship, e. Sa ngayon, hindi naman ako naghahanap ng pumasok sa isang relasyon o ano. Mas okay sa akin yung okay yung relasyon ko sa lahat ng tao. Mas okay na sa akin yun."

Pero ready na ba siya to fall in love again?

"Sa ngayon, hindi pa ho muna siguro," sagot ng aktres.

Napagod ba ang puso niya?

"May quota rin siya!" natatawang sabi ni Angel. "Well, masarap ma-in love. Pero masarap ma-in love sa tamang tao, sa tamang panahon. Pag alam mong ibinigay ni God sa iyo."

AMPALAYA/CALAMANSI ANONYMOUS. Sumunod namang pinag-usapan ang tungkol sa bagong grupo ni Angel kasama ang ilang kaibigang artista at singers na tinatawag na Ampalaya Anonymous na naging Calamansi Anonymous na raw. Ano ba ang ibig sabihin nito?

1  2  3  Next »

Related Articles

413 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name