Simula na naman ng bagong taon, 2010. Isang taon na naman ang lumipas kung saan nag-iwan ng ito ng iba't ibang karanasan. May masaya, may malungkot. May mga nabuong pangarap at meron din namang ipagpapatuloy ang pangarap sa pagdating ng bagong taon.
Ilan sa mga artista ang tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kung ano ang naging best memory ng 2009 para sa kanila. Narito ang kanilang mga sagot:
JOLINA MAGDANGAL: "Best memory para sa akin yung naka-move on ako [from her breakup with Bebong Muñoz], hindi ko akalain na makakaya ko. Tapos, dumating sa buhay ko si Mark [Escueta].Na-realize ko na puwede pa rin pala akong ma-in love at sumaya ulit."
JOHN LAPUS: "Best ang mapasama sa three shows ng GMA. Ang Showbiz Central, Show Me Da Manny, at Full House."
HEART EVANGELISTA: "Well, of course for me, marami akong na-gain na experiences for 2009. Pero siyempre, isa sa mako-consider kong best talaga yung pagkapanalo ko ng Best Actress award sa FAMAS. At bago pa mag-end ang year, nanalo pa ako ng Best Supporting Actress naman for Metro Manila Film Festival."
MIKE TAN: "Para sa akin, yung best memory ko for 2009 at hindi ko makakalimutan yung makagawa ako ng stage play. Unang-una, dahil sa stage play na yun, napakarami kong natutunan na puwede kong magamit pa."
SHERILYN REYES: "Ang taong 2009, ang sunod-sunod ang soap ko. First time din to travel with our closest friends we consider our family. Ang year na ito rin ang masasabi kong may binata na kami kasi nag-uumpisa na magka-crush at manligaw ang panganay naming si Paoie. Best memory rin for me yung sixth wedding anniversary namin kung saan sinurprise ako ng dinner while cruising ng husband ko [Chris Tan]... I look forward to being more busy with work, more family travels, more successful sa business naming mag-asawa, better health and better government."
JACKIE RICE: "Best memories, first yung mapasama ako sa Darna, favorite ko kasi yun. Tapos hindi ko ine-expect na pagkakatiwalaan ako at bibigyan ng GMA ng malaking role. Yun kasi ang pinakamalaking role na nakuha ko sa GMA. Gayundin yung mga naging movie like Hellphone. Makasama ang Pambansang Kamao [Manny Pacquiao] dahil iba ang experience ng makasama ang isa sa bayani natin. Sa Hellphone naman po naging bida ako at marami akong natutunan na acting skills sa ibang artista. Yun kasi ang first movie ko na horror. At huli yung makasama ako sa pelikula ni Bossing [Vic Sotto] na kasama sa MMFF, Ang Darling Kong Aswang. Lahat best, kasi lahat malalaki at magagandang pelikula. Pangarap ko lang dati kaya ako nag-artista para makita mga iniidolo ko, ngayon isa ako sa gumaganap ng role."
KAYE ABAD: "Yung pagkakukuha sa akin ng Precious Hearts Romances. Malaking break yun for me after a long time na nagbakasyon ako. Siyempre, matagal-tagal din akong nawala and sobrang thankful ko na through PHR, nagkaroon ako ng another chance."
SAY ALONZO: "Best for me ang nakasali ako sa dalawang top-rating shows ng GMA—ang Dapat Ka Bang Mahalin at Stairway to Heaven."
ANGELIKA DELA CRUZ: "Sobrang daming best memories na nangyari this year for me. Unang-una, ngayong taon ako nagkaroon ng baby, si Gabby, at ngayong taon din kami nakasal sa church ng asawa kong si Orion [Casareo]. And careerwise, para sa akin, magaganda rin lahat ng projects na nagawa ko for this year kahit may ilang months ako na nagpahinga dahil nanganak ako."
CIARA SOTTO: "Best memory for me of 2009 was March 20, 2009, the day, Jojo [Oconer, her fiancé] proposed."
JC TIUSECO: "Best memory would be when I joined Unang Hirit."
EMILIO GARCIA: "The best para sa akin nang manalo ako sa Star Awards."
JAO MAPA: "My most memorable thing this year was going to Puerto Galera with the whole family down to the apos of mom and dad."






Kasi namention nya kasi sa itaas ang Movie nilang iyon.... Lol
lola_madonna
January 4, 2010
15:19 PM Showbiz talaga sumagot to si Dongdong Dantes!
Di pa deretsahang sabihin na best memory ko sa 2009 ang maiuwi ko si Marian at ng makilig naman ang mga fans ng dongyan at magtitili hanggang mapigtas ang kanilang mga lalamunan
------------
ok na yan,kesa maglabasan pa ang mga bitter dito..tama ng nasa TV rating thread sila nagkukuro-kuro..
r21
January 4, 2010
16:34 PM top-rating pala Full House?...di q man lang napanood...
----------------
Lipat mo kasi sa channel 7 yung TV nyo,para mapanood mo,ume-ere pa siya,don't worry..hehe
yung mga ayaw sa suggestion mo yung mga taong 3 or 4 ang username dito sa pep. LMAO.
para hindi na basta2x manlalait na yong iba d2.
cali4niababe: balak pa atang gawing facebook ang PEP ng hitad
9
boraguy: wag ka na kase mahurt ineng! Tanggapin mo na lang ang buhay showbiz. Kase kung aawayin mo ang lahat ng sumusulat ng nega tungkol sa idol mo aba eh baka hindi ka na tumanda gaya ko. Mamatay kang maaga sa kunsomisyon dahil kahit saang site ka magpunta maraming may ayaw sa idol mong palengkera!
tintoy_luis
January 4, 2010
12:43 PM
ikaw talaga tintoy, mukhang rarampa ka lang dito sa pep at hahanap ng ka-date....lol....
tintoy_luis: di ko type yang suggestion mo dahil baka bilangin nyo kung ilan na ang kulubot sa mukha ko!
Di pa deretsahang sabihin na best memory ko sa 2009 ang maiuwi ko si Marian at ng makilig naman ang mga fans ng dongyan at magtitili hanggang mapigtas ang kanilang mga lalamunan