PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

PEP EXCLUSIVE: Rachelle Ann Go denies involvement in Arci Muñoz-Kian Cipriano breakup

Rachelle says Kian is just a friend.
by Rose Garcia
Published Jan 5, 2010
"Ewan ko kung matatawa ako or what. Clueless talaga ako. Kasi, wala naman talaga. Si Kian, kaibigan ko lang. Nagkakasama kami sa work, minsan nagkakasabay ng guesting," says Rachelle Ann Go (main photo) about her alleged involvement in the breakup of Arci Muñoz (inset, top) and Callalily's Kian Cipriano (inset, bottom).

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) over the phone ang singer na si Rachelle Ann Go kagabi, January 4. Kinuha namin ang reaksiyon ni Rachelle hinggil sa umano'y pagkakasangkot niya sa breakup ng StarStruck alumna na si Arci Muñoz at ng vocalist ng bandang Callalily na si Kian Cipriano.

Sa panayam kasi ni Butch Francisco kay Arci sa Startalk noong Sabado, Jan. 2, hindi man diretsahang binanggit ang pangalan ni Rachelle ay obvious na siya ang tinutukoy na diumano'y rason ng breakup nina Arci at Kian. Ito ay base na rin sa clues na ibinigay ni Butch, gaya ng "stoplight."

Pero maging si Rachelle ay nagulat nang personal niyang mapanood ang naturang interview ni Arci sa Startalk.

"May common friends kami na nag-text agad sa amin na manood daw kami ng Startalk. So, yun nga ginawa ko. Si Kian din, napanood din daw niya. Nagulat talaga ako, sobrang nagulat ako! Kasi after that interview, ang dami na agad nagtatawagan sa akin. Sa SNN, QTV 11... parang lahat na lang biglang na-aware, including me!" natatawa ngunit kalmado naman niyang sabi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

KIAN IS JUST A FRIEND. Sa interview lang din ba na yun ni Arci nalaman ni Rachelle na siya pala ang lumalabas na reason ng breakup nina Arci at Kian?

"Oo, nakakagulat talaga," sagot ng dalaga. "Ewan ko kung matatawa ako or what. Clueless talaga ako. Kasi, wala naman talaga. Si Kian, kaibigan ko lang. Nagkakasama kami sa work, minsan nagkakasabay ng guesting.

"Pero kaming dalawa, sobrang casual lang, sobrang barkada. Matagal na kaming magkakilala, matagal na kaming nagkikita. Pero, recently lang yung nagkakasama, like friends' reunion, family... Recent lang yung we get to hang out, pero never pa na kaming dalawa lang, lahat group talaga, barkada," paliwanag niya.

Ayon kay Rachelle, nagkataong magkalapit din ang bahay nila ni Kian. "At the same time, musician siya, ako rin," dagdag niya.

Tinanong namin si Rachelle kung personally ay magkakilala sila ni Arci?

"Hindi pa kami nag-meet," sagot niya. "Pero alam ko na naging sila. Tapos, alam ko rin siyempre yung mga story, pero out na ako dun. Ayoko namang makialam pa sa kung anuman ang meron silang dalawa, di ba? Kaya talagang nagulat ako na bakit ako, paano akong nadamay?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dahil napanood din ni Kian ang interview ni Arci, aware din daw ito na nadadamay si Rachelle sa naging breakup ng dalawa.

"Nag-sorry naman siya sa akin," sabi ni Rachelle. "Kasi, alam naman niya na wala akong kinalaman. Hindi ako ang reason. Alam niya yun. At alam ko yun. Pati family ko, pati family niya, nagulat. Nag-sorry rin sa akin pati mommy ni Kian."


"OUT AKO DUN." Natawa naman si Rachelle nang sabihin namin na hindi kaya may lihim na pagtingin sa kanya si Kian at hindi lang siya aware dito, rason kung bakit siya nadadamay sa isyung ito?

"Wala... sobrang kaswalan lang kami," tanggi naman niya. "Very casual lang talaga. Rakista kasi yun. So, nakakatawa talaga."

Sa palagay niya, ano ang motibo ni Arci kung bakit siya ang tila idinidiin sa naging breakup nila ni Kian?

"Alam niyo, meron din kasi akong naririnig... siguro naririnig niya sa paligid niya. Siguro may mga taong nakakakita sa amin [ni Kian]. Bilang babae, baka ganito, naisip niya, so mahirap din. Pero dapat talaga, tinanong muna niya si Kian. Mahirap kasi minsan kapag narinig mo lang din sa ibang tao. Minsan nadaragdagan, minsan ibang version."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pero hindi talaga siya ang reason?

"Hindi talaga! As in, sobrang hindi, 101 percent!" natatawa niyang sabi.

May message ba siya para kay Arci?

"Yun nga, gusto ko lang sabihin na hindi talaga ako ang reason. Tahimik lang ako rito. Ayoko lang na madamay. Kung may problema man sila, out ako dun. Kahit yung sa amin ni Gab [Valenciano, her ex-boyfriend], kami lang talaga. For me, importante rin na huwag makinig sa mga taong nasa paligid," saad ni Rachelle.

BREAKUP WITH GAB. Sa breakup naman nina Rachelle at Gab, may lumabas ding balita na si Kian daw ang third party. Ano ang masasabi niya rito?

"Nakakaloka!" bulalas ni Rachelle. "May problema kaming dalawa. Walang involved na ibang tao. Di ba, ang dami nang lumabas? Nandiyang ayaw raw ng parents, pero hindi totoo yun. Walang ibang taong involved, as in, kaming dalawa lang.

"Hindi ko alam kung nagiging isyu ba ito dahil wala nang maisip ang mga tao. Hindi talaga si Kian. Walang third party, as in. Kung may problema, kaming dalawa lang talaga," giit niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagkikita pa rin daw sila ni Gab sa ASAP. Last Christmas ay nag-text pa nga raw ito sa kanya upang batiin siya. Rachelle says that she has already moved on.

"Siyempre, naiisip mo minsan, pero hanggang dun na lang yun," sabi niya. "Feeling ko naman, oo, naka-move on na. Malaking tulong yung comfort na nakukuha mo from your friends and family, at ang dami ko rin prayer-warriors support."

Pagdating naman sa kanyang career, inaayos pa raw ang posibleng repeat ng concert nila ni Jed Madela on Valentine's Day. Pero isa raw sa pinagkakaabalahan ni Rachelle ngayon ay pagre-record ng bago niyang album with some original compositions na galing mismo sa kanya.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Ewan ko kung matatawa ako or what. Clueless talaga ako. Kasi, wala naman talaga. Si Kian, kaibigan ko lang. Nagkakasama kami sa work, minsan nagkakasabay ng guesting," says Rachelle Ann Go (main photo) about her alleged involvement in the breakup of Arci Muñoz (inset, top) and Callalily's Kian Cipriano (inset, bottom).
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results